Chapter 27

1 0 0
                                    

Chapter 27








"Ma'am Mg tara na!" Aya pa saken ni May.

Andito kasi ako sa resto at magsasara na kami.

"Sige May mauna na kayo." Wika ko pa rito. "Ako na pati ang magsasara." Dagdag na sambit ko.

"Okay po. Ingat po kayo." Nakangiti nitong sambit saken.

"Thanks. Ingat din kayo." Nakangiting sagot ko rin rito.

Pagkatapos niyon ay tinalikuran na ako nito. Napabuntong hininga naman ako. Isa isa silang nagpaalam saken saka ako naiwan mag isa muli akong napabuntong hininga sa isiping napapag iwanan na nga ako.

'Siguro nga ay kailangan ko ng mag entertain ng lalaki upang makalimot. Aish! Nakapikit pa akong napailing dahil sa nasabi kong iyon. Mali eh ayokong maging rebound sila. Atsaka isa pa imposible kong makalimutan agad si Ethan.

My gosh! I never dreamed to be like this when it comes in love.

Gagawin ko na nga lang sigurong busy ang sarili ko tulad kanina pinilit kong magturo ng tama, hindi ko inisip ang mga taong dumating muli sa buhay ko, pagkaalis ko sa school kahit di naman dapat ako magpunta dito sa resto ay pinili ko dahil mas gugustuhin kong magpaikot ikot rito atleast diko naisip sila kanina. Kesa sa shop ako ni tita magtungo kung saan panonooran ko lang si tita na magtahi ng mga damit para sa kasal niya.

Hay ganito na lang ba? Palagi na lang ba akong masasaktan. Okay na sana kung di sya bumalik eh.

Matapos kong mag isip ay nag intindi na rin ako para makauwe na.

"Ginabi kana?" Bigla ay tanong saken ni Nico Paulo.

Regular customer namin. Humarap naman ako rito dahil abala ako sa pagsara ng pinto ng resto. Naka uniporme pa ito. Isa kasi itong pulis.

Well kung tatanungin niyo ako gwapo siya, malakas din ang appeal, matipuno kaya bagay na bagay sa kaniya ang propesyon nito at higit sa lahat may dimple na napakacharming.

Para sa iba.

Pero ekis. Walang epekto saken.

"Oo eh." Sagot ko na lang dahil nakaramdam na din ako ng pagod.

"Pagod ka ata? Makapag drive kapa ba?" Tanong nito saken.

Nginitian ko naman ito saka bumaba sa tatlong baitang ng hagdan para makalapit sa kaniya.

"Kaya ko pa. At kakayanin." Nakangiti kong wika.

Napangiti naman ito sa sagot ko saka ginulo ang buhok ko.

"My gosh! Wag nga." Kunware ay naaasar kong wika.

Tumigil naman sya at inayos ang buhok ko.

We're close kasi mabait naman sya. Minsan na rin niya akong niligawan pero nireject ko siya kasi wala eh  ayoko ng sumubok pa noon.

"Uuwe kana?" Muling tanong niya ng matapos sa pag ayos sa buhok ko.

"Oo eh. Ikaw ba?" Tanong ko rin rito.

"Oo uuwe na rin. Hatid na kita." Offer pa niya na agad kong inilingan.

"Hindi na, magmomotor na lang ako. Atsaka baka iba pa isipin nung makakita sa atin lalo na nung mga nakakakilala sa atin." Natatawa kong wika rito.

Mas lalo naman siyang napangiti dahilan upang lalong lumabas ang dimple niya.

"Mas maganda saken yun. Matagal ko ng pangarap na maging akin ka." Nakangiti at seryoso nitong aniya.

Nginiwian ko naman ito at tinawanan.

"Wow ha? Pagkaseryoso nito." Pagsasawalang bahala ko sa sinabi nito.

"Totoo naman iyon." Seryoso pa ring aniya.

"Okay kung totoo man iyan ay pigilan mo na dahil ayoko ng magmahal ng pulis at baka mabalo pa ako ng maaga." Biro ko pa rito.

"Grabe ka naman, edi magpapalit ako ng trabaho mag aaral ulit ako, magte teacher na rin." Mabilis nitong wika pero ramdam mo ang pag ka sincere nito.

"Hay naku kahit pa hindi pa rin Nico Paulo." Iiling iling na wika ko rito.

"Tagal ko ng nanliligaw sayo Mg." Aniya at nakanguso pa animong batang hindi binilhan ng cotton candy at yes hindi candy para maiba naman.

"Oo at ilang beses na rin kitang nirereject." Natatawa ko pa ring wika rito.

I don't want to make this conversation serious, ayoko kasi  baka seryosohin at damdamin nito maige ang sinasabi ko. Mas mabuti ko nang idaan na lang ito sa biro atleast alam ko di niya mararamdaman maige yung sakit di katulad ng nararamdaman ko kay Ethan na kahit makita ko lang ay nasasaktan na ako.

"Kaya nga eh, time na nga siguro para tumingin na ako sa ibang babae." Kakamot kamot na aniya.

Napatango tango naman ako ng nakangiti rito saka tinap ang shoulder nito.

"Yan ang dapat mong gawin, wag ka saken tumingin mas maraming better saken dyan." Nakangiti kong wika rito.

"Yeah I know pero ikaw ang gusto nito." Aniya at kinuha ang kamay ko at nilagay sa kaliwang dibdib niya kung saan tumitibok ang puso nito.

Ramdam mo ang lakas nito.

'Inlove nga saken. Sambit ko pa sa isip ko kasi parehas kami ng level ng tibok ng puso pagdating sa mahal mo. But we're contrasting each other. He loves me but I love another man who is not him.

Tinanggal ko ang kamay saka napakamot sa batok ko. Nailang din ako sa sitwasyong iyon. Biruin mo ang humawak sa dibdib ng isang lalaki ay tunay na kakakaba kaba sa pakiramdam.

My gosh! Kayong mga lalaki oo hindi niyo iniisip kung ano mararamdaman namin sa inyo once na mahawakan namin ang katawan niyo.

Di niyo man lang isipin na maooffend kami o hindi. Pasalamat na lang 'tong si Nico Paulo at tinuring kong kaibigan dahil sa bait nito. Kaya wala lang yun saken. No offense nakailang lang talaga.

"Uuwe na ako Nico Paulo. Bahala ka dyan!" Natatawa kong paalam rito.

"Bahala ka dyan. Sige na mag iingat ka sa daan. Sasabayan pa ba kita?" Tanong nito saken na tinanguan ko naman.

Kaya naman sabay kaming nag motor. Nag bibiruan pa nga sa kalsada buti na lang at konti lang ang sasakyan ngayon kaya komportable kami kahit na nagbibiruan kami. Eh kasi naman nagpapaunahan kami tapos bigla naming pahihinain ang pagpatakbo.

Sana ganito na lang ako kasaya yung walang iniisip kundi sarili ko lang. Eh kaso hindi eh.









To be continued......








You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon