Chapter 12

0 0 0
                                    

Chapter 12






"Ano ba talagang nangyari?" Wika na ni Mayora! "Mg." Tawag nito saken humihingi ng kasagutan.

Kaya naman no choice ako kundi iparinig sa kanila ang nirecord ko.

"Kamusta hon? Tulog na ba si baby?"

"Hindi pa ako tapos sa presentation ko bukas eh mag overnight talaga ako dito sa opisina honey."

"Yeah. Just take care habang wala ako. Sige na I love you!"

Nang matapos iyon ay tuluyan ng umiyak si Erika at yumakap saken. Naiyak na rin naman ako sa kaniya. Ayoko kasing nasasaktan 'to eh.

"G*g*!" Hiyaw ni Daniel saka sinuntok si Aki.

"Tama na Daniel! Isang sapak lang!" Saway ni Mayora! Pero nagulat din ako nang mabilis itong lumapit sa lalaking manloloko at sinapak din ito.

"Tama na at ako naman!" Galit na aniya. Buti na lang at hindi kasama si Egen marahil ay binabantayan nito ang mga bata.

"Quennie tama na yan! Maraming tao baka ikasira mo." Paalala ni Arvin!

"Pagdating sa kaibigan ko hindi ko iintindihin ang pagiging mayor ko. Hindi porket may pangalan ako ay perpekto lagi ang kilos ko!" Nanggigigil na aniya. Nagagalit rin.
"Umuwe kana!" Pagpapalayas niya rito.

Si Erika naman ay humagulhol sa akin.

"Wala akong pamasahe!" Sigaw ng lalaki.

"Ano?" Galit naming sigaw.

"Bibigyan kita ng pamasahe umuwe ka lang ayaw na naming makita ang pagmumukha mo rito!" Ani Quennie Saka hinagisan ng pera ang lalaking iyon.

Takteng lalaking 'to hindi na nahiya.

"Hatid ko na muna 'to." Sabat ni Ethan. "Isium ihatid mo na si Erika sa room niyo."

Utos pa saken  ni Ethan na siyang sinunod ko na lang dahil yun din naman ang gagawin ko.

"Wag kana pati umiyak." Nag aalalang wika neto saken.

Pero imbes na matuwa ay tinarayan ko lang eto.

'Isa kapa Ethan! Sinasaktan mo rin ako. Wika ko pa sa sarili ko.

Nang maakay ng mga lalaki ang Aki na iyon ay inalalayan na rin namin si kapatid pabalik.

"Anong nangyari?" Usisa pa ni Karylle.

"May nangloko." Naiinis pa ring sagot ni Mayora nang makarating kami sa cottage.

"Hatid na muna namin 'to." Malumanay ko nang paalam sa mga eto. "Tara na kapatid." Aya ko pa rito.

"Di dito lang ako kapatid ayoko mag emote, ayoko magdamdam. Hindi ko pa naman yun mahal eh. Nasaktan lang ako kasi niloko ako." Umiiyak na aniya.

Kaya naman inupo ko ito at hinayaan na ilabas ang nararamdaman niya.

"Napakabait naman kasi." Reklamo pa niya.

"Oo at sa sobrang bait pati pambababae nagawa na niya. Ano yun binibigyan mo ba ng pera?" Tanong ko rito na agad niya namang tinanguan.

"Ano? Takte ka Erika! Nagpahuthot ka?" Gulat na tanong ni Mayora.

"Eh sa mabait eh hindi ako makahindi!" Sigaw niya saka umiyak ulit.

'Mahal na niya iyon.

"Mahal mo na!" Malakas na sabi ni Mayora.

Hindi naman na sumagot si Erika at umiyak na lang.

'My gosh minsan na nga lang 'tong magmahal sa maling tao pa.

Kaya naman wala na akong ibang nagawa kundi yakapin ito.

"Hindi pa naman siguro malalim ang nararamdaman mo sa kaniya ano?" Umaasang tanong ko rito na agad niyang inilingan.

"Oh sya iiyak mo na lang muna. Sabihin mo kapag hindi ka pa rin okay ha?" Malambing na tanong ko pa sa kaniya.

"Hayaan mo na pati nasuntok na namin iyon. Nakabawi kana!" Naiinis pa ring wika nito.

"Ako hindi ako nakasuntok!" Hiyaw niya dahilan upang matawa kami.

'Yun ba ang iniisip niya?

"Ni hindi man lang ako nakaganti kahit sapak lang huhu." Naiiyak na aniya. Kaniya kaniya naman kaming napatawa rito.

"My gosh kapatid yun ba ang pinoproblema mo?" Natatawa kong tanong sa kaniya na tinanguan naman niya. "Wag kana mag alala nasipa ko na ang asset nun!" Nagpapatawa kong wika at effective naman ito dahil kahit umiiyak siya ay napatawa ko siya sa sinabi ko.

"Ayan tumawa na sya." Masaya kong aniya.

"Thank you Mg! Nalaman agad natin ng maaga ang panloloko niya. At sorry kasi iba pa inisip ko sa inyong dalawa. Akala ko may something na eh hahaha." Natatawang aniya habang nagpupunas ng luha.

"Hahaha ayos lang kapatid." Tumatawa kong wika rito. "Kaya sa sunod na may manligaw sa iyo----

"Ako na yun!" Malakas na sabi ni Daniel ng makabalik na silang mga lalaki.

Napatingin naman si Sore sa kaniya.

"Ako na lang sana Erika." Seryoso niyang aniya.

Hindi na ako umimik dahil masaya din naman ako kung kay Daniel sya mapupunta.

"Ang ano?" Naguguluhan na tanong ng kapatid ko.

"Ang susunod na manligaw sa iyo." Sinserong aniya.

"Maghirap ka." May diing wika ni kapatid.

At dahil doon ay nag kaniya kaniya kaming hiyawan.  Dahil sa pagpayag nito.

"Oo naman handa akong maghirap sa iyo wag ka lang mapunta sa maling tao. Kagaya ng lalaking iyon!" Aniya at nanggigil pa sa huli niyang sinabi.

"Naks para tayong nanonood ng teleserye nito." Tumatawang ani Ronnel.

"Haha oo nga eh. Nakakakilig yieeee." Hiyaw pa ni Jericho.

"Si Ethan?" Tanong ko sa mga eto dahil hindi pala nila ito kasama pabalik.

"Hinahatid niya sa sakayan ng bus." Sagot ni Daniel.

Tumango tango naman ako rito at hindi na umimik pa. Kumain na lang ako ng prutas sa nasa harap ko.

"Kapatid thank you ulit ha?" Muling pasalamat ni Sore saken.

"Oo naman. Wala lang yun Kapatid." Nakangiti kong sagot rito. Niyakap naman ako nito at sinandal pa ang ulo sa balikat ko.

"Buti na lang at andito kayo nung nalaman ko iyon." Mahina niyang sambit. Inangat ko naman ang kanang kamay ko at ginulo ang buhok nito.

"Ano kaba? Kahit asan ka pa pupuntahan ka namin kapag nasasaktan ka. Hindi ka namin pababayaan." Malambing at mahina ko ring sabi na sa tingin ko ay sya lang ang nakarinig dahil sa muli na namang nag ingayan na naman ang iba. At ang iba ay kumakanta na.








To be continued....











You and MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin