Chapter 77

0 0 0
                                    

Chapter 77

Epilogue

Isium's POV


Wedding day!


Ang makasal sa simbahan ang isa sa pangarap ko na gusto kong mangyari. At heto ako binabaybay ang pasilyo patungo sa altar at doon naghihintay ang prinsipe ng buhay ko.

Alam ko na napaka unfair ko sa kaniya, at aware ako doon. Sa paglilihi ko ay hindi ako naging malambing sa kaniya at madalas ay sinusungitan ko pa siya. Sa pagtulog ay gusto ko pang talikuran siya. Hindi ko alam pero parte ata iyon ng paglilihi ko.

Nang ibaling ko ang atensyon ko sa mga kaibigan ko ay hindi mapaknit ang mga ngiti nila. Ramdam na ramdam ko ang saya nila para saken.

Si Quenay at Sore hindi ko na naging abay eh kasi mukhang nag usap usap ata ang mga isip namin at halos sabay sabay kaming nagbuntisan. Nung time na nag walked out ako at nahanap ako ni Mayora at nagsusungit siya hay naku buntis nga.

Si Sore katakot takot na sermon ang inabot sa mga magulang niya ganun din si Daniel sa magulang niya. Kesyo hindi daw man lang pinakilala ang isa't isa sa magkabilang side ng pamilya.

Ganun din samen ang dalawa, sangkatutak na sermon din ang naabot samen saka namin sila tinawanan. Para kasi mga teenager pa at hindi alam kung ano ang dapat gawin.

Si Patricia Nicole nga ang wedding planner/coordinator namin, nag sorry ako sa kaniya sa panlalait ko kasi kahit naman totoo ang nakikita ko eh mali pa rin ang laiitin siya. Kasama lang talaga siya sa pagpapanggap ni EJ. Napatawad naman niya ako. Nung tanungin ko si Ethan nung minsang makita ko silang magkasama noong nagpunta akong simbahan at nakita ko sila doon eh inamin niya saken na inaasikaso niya ang papeles namin sa pagpapakasal kasama sina Mama, yun nga din pala ang time na umuwi ako sa bahay na si Shea lang ang nadatnan ko. Though alam ni Shea kung nasaan sina mama ay sinecret niya ito dahil utos ng mga magulang ko.

Speaking of Shea nandito pa rin sila for my wedding at after nito sa ibang bansa na sila maninirahan ng daddy niya. Pinili na nilang kalimutan at layuan ang mommy niya. And for me mas mainam na desisyon iyon, para sa ikakaganda ng buhay nilang mag-ama.


Nang makarating ako sa dulo ay agad na nagmano si EJ kayna Mama at Papa na siyang kasabay ko sa paglakad palapit ng altar. Matapos niyon ay kinuha niya ang kamay ko kayna Mama.

"I love you and sorry sa paglilihi ko." Bulong ko pa sa kaniya.

Tumingin lang naman siya saken at ngumiti. Nagpapahiwatig na ayos lang yun.

Napakaswerte ko sa kaniya at hindi ko iyon itatanggi sa kahit na sino, bagkus ay ipagmamalaki ko pa siya.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binalik niya saken ang lalaking tunay na magmamahal saken habang buhay. Siya yung lalaking hindi ko kayang ikumpara sa kahit na kanino kasi sobrang worth it niya at sobrang deserve ko ang pagmamahal niya. Walang kasing halaga at walang katumbas ang pagmamahal niya. At lagi niyang ipinaparamdam sa akin iyon.

Ako na siguro yung masasabi kong pinakaswerte sa lahat at sobrang pinagpala na babae para biyayaan ng lalaking hindi ko aakalain na muling babalik sa buhay ko para ibigin muli ako at tuparin ang ipinangarap sa sarili na maging asawa niya ako. At dahil doon natupad ko rin ang pangarap ko na tahiin, disenyuhan at suotin ang damit pangkasal na ginawa ko pa noong grade nine kami dahil siya yung talagang inspirasyon ko noon at gustong siya ang makakapreha ko pagdating ng araw ng kasal ko at nagkatotoo nga iyon.

Hindi siya napapagod sa lahat. Ke magpabalik balik siya siyudad para sa trabaho niya at pagkatapos ay sa probinsiya para alagaan ako. Yung walang reklamong maririnig sa kaniya kapag pabago bago ang isip ko sa mga pagkaing kinaiibigan kong kainin. Sa pagtitiyaga niya sa ugali ko kasi talaga namang napaka moody ko. At sa pagtitiis niya kasi kung noon ay hindi na ako sweet sa kaniya ay mas lalo pa iyong nabawasan ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon