Chapter 33

1 0 0
                                    

Chapter 33











"My gosh Shea, it's already 6:30 am na malelate tayo!" Tarantang wika ko pa.

Napabalikwas tuloy kaming dalawa sa hinihigaan namin.

"Oo nga Ma'am. Buti na lang ho at training ngayon. Mauna kana po Ma'am maligo. Mabilis naman ho ako eh." Wika pa niya habang inaayos ang gamit niya.

"O siya sige pero may damit kana ba dyan?" Tanong ko pa dahil alam kong konting damit lang ang nadala nito.

"Wala na po Ma'am eh. Pwede po ba tayong dumaan mamaya sa bahay?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Ah sure Shea. Sige na maliligo na muna ako ha?" Wika ko pa rito saka kinuha ang tuwalya at nagtungo na sa Cr.

------

@School

"Ma'am paano yan late na kita makakasali pa ho ba ako sa chess?" Tanong nito sa akin ng makarating kami sa school.

Patuloy naman kaming naglakad patungo sa opisina para makapag in ako.

Late na hihintayin ako ni Ethan panigurado. Psh. Maghintay talaga siya!

"Makakasali kapa Shea, mag i-in lang ako." Wika ko pa sa kaniya nang makarating kami sa tapat ng opisina.

Pagpasok ko ay andun ang ibang teachers.

"Good morning po sa inyo ." Nakangiting bati ko sa kanila. Nagsipagbatian din naman sila sa akin pabalik.

"Mukhang na late tayo Ms. Sales?" Tanong pa sa akin ni Mrs. Delos Santos. Ang naka assign sa chess.

"Oo nga po eh." Sagot ko rito habang nag i-in. Pagkatapos niyon ay hinarap ko siya.

"Ma'am pwede pa po bang sumali si Shea Dante sa chess?" Magalang kong tanong sa kaniya nang nakangiti.

"Of course. Where's Shea?" Mabait na tanong rin nito sa akin.

"Ah nasa labas po Ma'am." Sagot ko. Dahilan upang lumakad kami palabas.

"Kulang pa nga kami ng player eh." Aniya at ngumiti kay Shea nang makita ito paglabas namin.

"Sige po Ma'am. Iiwan ko na po sa iyo si Shea pupunta pa ako sa gym eh baka naghihintay na sa akin si Mr. Fullido." Nakangiting paalam ko rito.

"Ay talaga at kanina kapa hinihintay nun! Pabalik balik na nga dito yun eh." Kinikilig na aniya.

Bakit ba kasi kinikilig pa sila eh ikakasal na yun.

"Ah sige po Ma'am." Sagot ko na lang sa kaniya saka bumaling kay Shea. "Shea dyan kana muna ha? Pupunta na ako sa gym. Huwag kang mag iisip ng kung ano ano.." Paalala ko rito. "Just always be positive thinker no matter what!" Dagdag na paalala ko pa.

Tumango tango naman ito sa akin.

"Don't worry Ma'am. Kaya ko ang lahat." Nakangiti at sinsero niyang sagot sa akin.

"Sige bye. See you later." Paalam ko rito saka siya iniwan kay Mrs. Delos Santos.

Halos takbuhin ko na ang gym. Ano na kaya ang ginawa ni Ethan doon baka kung ano na ang sinasabi sa mga players namin.

Nang makarating ako at buksan ko ang gym ay Isa isa itong mga nagsitinginan sa akin habang ako hinihingal na lumalakad patungo sa kanila.

'My gosh! Napapadalas na ata ang pagiging late ko.

"Good morning. Sorry I'm late!" Hinihingal kong wika sa kanila.

"Good morning Ma'am Coach Mg!" Bati sa akin ng isang dosenang players namin. And halo na ito junior high and senior high na yan.

You and MeWhere stories live. Discover now