Chapter 40

2 0 0
                                    

Chapter 40






Isium's POV





"Good morning ma'am!" Bati sa akin ni May ng makapunta ako sa counter.

Ginantihan ko naman ito ng ngiti.

It's Saturday and it's rest time pero hindi eh nagpasya ako pumunta sa resto para tumulong kahit na alas onse na.

"Ma'am may chika ako sa iyo." Nakanguso pa niyang wika sa akin.

Lumapit naman ako ng bahagya sa kaniya.

"Ano yun?" Usisa ko naman. Parang interesting kasi eh.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nito at bumaling pa sa pinto ng opisina bago tumingin sa akin.

"Si Mayor ho mukhang hindi pa po umuuwe magmula kagabi ganun pa rin po ang suot eh." Nag aalala niyang aniya.

At interesting talaga.

Nung nakaraan ko pa kasi napapansin na parang may problema ang kaibigan kong Mayor kaso dahil nga busy at laging pagod dahil sa training ay laging bagsak ang katawan ko sa kama at mas pinili na lang na matulog kesa ang kausapin sila.

So paano ko napansin kasi number one hindi niya ako kinukulit, number two, isang text lang ang narereceived ko sa kaniya sa araw araw na hindi naman ganoon noon dahil kinukulit ako nito kahit nasa serbisyo ito. At panghuli palaging nasa resto, at dahil doon sa tuwing abala siya rito alam kong may mabigat na problema ito.

Kaya naman ngumiti ako kay May at hindi nagpahalata na nararamdaman kong may problema si Mayora.

"Sige sa office na muna ako. Kayo na muna bahala rito." Paalam ko pa sa kaniya.

"Sige po ma'am!" Nakangiti nitong tugon sa akin dahilan upang ngitian ko rin siya pabalik at tinalikuran na rin at the same time at nagtungo na sa opisina.

Pero bago ko buksan ang pinto ay bahagya pa akong kumatok, paggalang ba.

"Bukas yan!" Rinig ko pang hiyaw niya mula sa loob kaya naman binuksan ko na ito at tuluyan ng pumasok.

"Balita ko dito kana naglalagi. As far as I know naglalagi ka lang rito kapag may mabigat kang problema. So tell me meron ba?" Diretso kong wika pero bago ko siya pasagutin ay inunahan ko siya. "But before answering my question answer this first please..." Tumigil ako sandali at huminga. "So kamusta ka?" Tanong ko saka umupo sa sofa habang siya ay nasa office chair.

"Napakarami mo namang tanong nakakaumay. Okay na okay ako 'no. Atsaka lagi akong andirito kasi free na free ako ngayong week. Period! Tuldok! Huwag kana mag tanong. May pasok ka sa shop magpunta ka dun!" Pagtataboy niya sa akin at talagang tumayo pa para hilahin ako.

"Hoy free din ako ngayon 'no next week pa ang pagdedesenyo ko doon kailangan ko munang patapusin ang intramurals meet. Nakakahastle kaya!" Maarte kong sagot sa kaniya saka binawi ang kamay kong hinihila niya.

"Free ka pala eh. Mag waiter ka dun!" Pagtataboy niya sa akin.

"Teka!" Malakas pero natatawa kong sabi saka tumatayo. Nabeberde ang isip. "Bakit mo ba ako tinataboy may milagro kang ginagawa dito 'no?" Asar na tanong ko sa kaniya na siyang nakapagpalaki sa mata niya.

"Hoy hindi no! I mean wala akong ginagawang milagro dito 'no! Utak mo green!" Asik niya sa akin.

"Psh! Ikaw ang lumabas Mayora kanina kapa nakaupo rito. Kararating ko lang kaya ikaw ang mag waitress dun!" Angil ko sa kaniya.

"Ikaw na dito ako magbibilang ng pera mas magaling ako sa math kesa sa iyo!" Pagmamalaki pang aniya.

"Psh! O sya magpapatalo na ako. I'll respect your decision!" Asik ko sa kaniya na may kasamaang irap saka lumabas narinig ko naman ang mahinang hagikhik nito.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon