Chapter 8

0 0 0
                                    

Chapter 8



Nang makarating kami sa destinasyon namin ay nakita ko na agad sina Daniel.

"Huy hanggang dito pa rin ba magtuturo kapa rin?" Asar ni Daniel saken na syang tinarayan ko.

"Eh sa hinugot na lang nila ako sa higaan ko." Nagtatampong wika ko rito tinutukoy si Mayora at Erika.

"Hahaha takteng Mg to. Pupunta ng beach naka uniform ng pang teacher." Tatawa tawa pa ulit nitong wika.

"Paltan mo Isium." Bigla ay singit ni Ethan na kararating lang. Imbes na abutin ang ibinibigay niyang paper bag na may lamang damit ay tiningnan ko ito kung may kasama pero wala naman akong nakita.

"Kunin mo na kapatid at sasamahan kita sa restroom." Bulong saken ni Erika na animong kinikilig pa.

Ayaw ko man kunin eh no choice ako dahil ng tingnan ko ang laman ng bag ko ay puro swimsuit ko lang ang laman niyon pati mga pampaganda!

"Thank you." Nakangiti kong wika rito saka agad na kinaladkad si Sore (pertaining to Erika's surname) palayo sa kanila.

"Akala ko ba kasama mo manliligaw mo?" Usisa ko pa rito habang nagpapalit ako habang siya naman ay nasa labas.

"Ah mamaya andito na yun, may inaasikaso pa eh. Binigay ko na lang ang address ng resort na eto." Sagot niya saken.

"Di niyo man lang ako hinayaang magdala ng gamit." Nakanguso ko pang wika rito.

"Hahaha wala eh si Mayora ang excited!" Tumatawang tugon nito saken.

Hindi ko na tinanong kung bakit may dalang damit para saken si Ethan kahit curios ako. Baka sa fiance niya ito. Naku po! My gosh! Baka mamaya niyan may humila na sa buhok ko at magpagulong gulong kami sa buhanginan habang nagsasabunutan!

Ay my gosh! My imagination always brings me in critical situation.



----







"Bakit may outing?" Tanong ko sa dalawang kasama ko sa kwarto.

"Si Ethan ang may pakana nito. Hayaan mo na libre naman niya ang lahat para sa ating magbabarkada." Sagot saken ni Mayora.

"Eh yung mag ama mo bakit mo iniwan?" Tanong ko rito.

"Sus ngayon lang naman ako nag break. Saka may swimming pool naman dun sa bahay enough na yun sa kanila." Aniya hindi problemado. Ibang klaseng may bahay talaga 'tong si Mayora. Buti na lang talaga at hindi babaero ang asawa nito kung nagkataon naku naku! Bahala siya!

"Napakasweet na Asawa talaga!" Iiling iling na wika ni Erika sa kaniya.

"Talaga, mahal ako nun!" Confident na sagot samen ng Mayora.

"Pero wag mong aabusuhin yung pagmamahal niya sa iyo Quenay." Nagpapaalalang wika sa kaniya ni Erika.

Nang tingnan ko naman si Mayora ay bakas dito ang pag aalala. Tumayo naman eto saka pumunta sa balkonahe at maya maya lang ay may katawagan na.

"Bakit mo ginanun?" Kompronta ko pa kay Erika.

"Hayaan mo, baka kasi di sa pag iisip ng ikasisira nila ay mahanap ni Egen yung pagkukulang ni Quenay sa iba kahit may anak na sila. Marami na akong naencounter na ganyan eh." Paliwanag niya saken.

Well tama naman siya at parehas kami ng naiisip. Natatakot kami parehas na baka bukas bukas ay may babae na pala itong si Egen.

"Pinapupunta ko na sila rito. Ayun tuwang tuwa yung mag ama!" Nakangiting wika nito saken.

"So paano yan. Hahanap na lang kami ni Erika ng room para samen." Wika ko pa rito.

"No need Mg! Ako na kukuha ng room namin yung mas romantic na room kesa rito hahaha." Tatawa tawang aniya. Napangiti naman kami ni Erika doon dahil mukhang may narealize ito sa sinabi ni Erika sa kaniya.

-----

"Andito rin pala sina Arvin?" Tanong ko pa kay Kierbie nang mahagilap ng mata ko ang mag asawang Arvin at Karylle kasama ang anak na si Karvin habang papasok sa hotel.

Andito kasi kami sa tabing dagat ang iba ay naliligo na at kami umiinom ng beer.

"Oo eh." Sagot neto saken.

"Bakit ikaw wala kang kasama?" Tanong ko pa rito saka ako tumungga ng beer.

"May trabaho ngayon si Merie Mae eh." Aniya tinutukoy ang girlfriend niya.

"Ah yun lang." Tatango tango ko ritong sagot.

"Ikaw bakit wala rin?" Tanong nito saken.

"Wala naman akong boyfriend eh hahaha." Tumatawa kong sagot rito. Saka muling tinungga ang beer. Ganun na lang ang gulat ko nang may kamay na humigit sa beer ko.

Nang tingalain ko ito ay si Ethan pala. Basa pa ang katawan mukhang kaaahon lang sa tubig.

Napalunok naman ako nang makita kung paano gumalaw ang adams apple niya habang tinutungga ng diretso ang beer ko.

Napakabilis ng tibok ng puso ko sa ngayon hindi ko talaga maitatangging may feelings pa rin ako rito.

"Huwag ka nang uminom Isium! Maligo kana lang hindi pati magandang nakikipag inuman sa lalaki." May diin nitong wika saken.

Napalingon naman ako kay k6ierbie at nahuli ko naman itong nakangiti.

'Kinilig? Tanong ko pa sa sarili ko. Kikiligin pa kayo saken eh mag aasawa na yan.

"Isium lumakad kana dun samahan mo si Erika dun!" Aniya at nginuso pa saken ang dagat.

"Umiinom pa ako." Pigil ko rito.

"Masyado pang umaga malalasing ka lang." Pangangaral pa neto saken.

"Okay lang." Sagot ko pa rito dahilan upang ihilamos niya sa kamay niya ang kanang palad niya.

Naiinis.

"Isium please makinig ka saken. Okay?" Pagpapaintindi pa neto saken.

Kaya kahit ayaw ko ay sumunod na lang ako rito. Ewan ko ba? Gusto ng puso kong sundin sya eh.






To be continued....








You and MeWhere stories live. Discover now