Chapter 18

0 0 0
                                    

Chapter 18






Nang makauwi ako sa bahay ay nagtungo na ako sa kwarto. At pagkatapos niyon ay binuksan ko ang facebook account ko at nag dm kay Ethan kahit ayaw ko ay napilitan ako.

"Good evening! Pinapasabi ng tita kung ano daw ba ang gustong gown ng fiance mo?"

Type ko pa sa cp ko saka bumuntong hininga at sinend iyon sa kaniya.

Nang masent ko iyon ay nahiga na ako sa kama ko. At pinikit ang mga mata ko.

"Magna!" Sigaw pa ni mama sa labas ng kwarto ko at dahil doon ay nagising ang diwa ko.

"Po?" Tamad kong sagot.

"Si Ethan andito!" Aniya na siyang nakapagbalikwas saken sa higaan.

"Saglit!" Sigaw ko pa saka ako dali daling tumayo at humarap sa salamin upang ayusin ang sarili ko.

Nang makapag ayos ako ay inamoy amoy ko pa ang bibig ko at okay naman eto mabango.

Paglabas ko ng kwarto at pagbaba ko ay andoon nga si Ethan sa sala nag ku kwentuhan sila ni Papa.

"Andyan na pala si Magna oh!" Turo pa saken ni Papa. Dahilan upang tumayo silang dalawa.

"Oh Ethan naparito ka yata?" Takha kong tanong rito.

Alam niya pa rin pala ang bahay ko.

"Oo eh about sa chat mo saken. Chinachat kasi kita dika nagrereply. Naparito ako kasi kung sana pwede humiling ng favor?" Aniya bakas naman doon ang lungkot sa mga mata niya.

"Ganun ba. Ano ba yun?" Tanong ko ulit.

"Pwede bang ikaw na lang ang mamili ng damit pangkasal para sa fiance ko. Hindi pa rin kasi siya makarating eh." Malungkot na aniya.

"Iwan ko na muna kayo dyan ha?" Ani papa saka umalis.

'Diba sila nasurprise sa pagdating ni Ethan? Tanong ko pa sa sarili ko. Pero masaya naman ang  mga mukha nila yun nga lang hindi mga nabigla.

Pagkaalis ni Papa ay naupo ako.

"Maupo ka." Offer ko pa rito.

"Salamat." Aniya saka naupo na rin.

"So ano? Busy ba talaga fiance mo kaya kahit pagpili ng gown hindi niya masaglitan?" Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Oo eh." Malungkot talagang aniya at nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya.

Kaya naman tumayo ako at bumalik sa kwarto upang kunin doon ang mag brochure pagkatapos ko kuhain iyon ay bumalik na ako sa sala. At nakahanda naman na doon ang kape at sandwich na hinanda marahil ni Mama.

"Oh mga wedding gowns. Mamili ka." Malumanay kong wika rito matapos iabot sa kaniya ang mga brochure.

Pulos plane gowns yun at may sarili kaming design para doon at ako ang nag sketch noon.

"Ikaw na lang Isium lalaki ako hindi ko alam Ang taste ng mga babae." Aniya.

My gosh! O sya pagbigyan para sa mahal ng taong mahal ko.

Ang sakit ha? Ako yung namimili ng susuotin mg future wife ng ex ko.

Saklaaaap.

"Eto mas gusto ko ito Ethan." Turo ko pa sa gown na sayad na sa lupa at halos dalawang metro pa ang haba niyon kapag nakalupagi ang panghuling laylayan.

"Eh sa design anong gusto mo?" Masaya nitong wika.

Kinuha ko naman ang sketch pad ko kung saan nakalagay lahat ng designs ko. At wala ng pakeme keme pa.

Yung nasa unang pahina ang pinili ko.

Ginawa ko pa ito nung time na kami pa.

"Napakaganda naman nito. It's looks like familiar to me." Kunot noo nitong sabi. Pinigil ko naman ang sarili kong magsalita dahil ayoko ng pag usapan pa ang tungkol sa aming dalawa.

"Ah baka may kaparehas lang." Sabi ko na lang rito at nakumbinsi naman ito.

"Dadalhin ko na lang 'to sa tita mo at ako na ang magsasabi kung anong gown ang para sa fiance ko." Malungkot na aniya.

"Bakit ba parang ang lungkot mo? Desidido ka ba talagang magpakasal?" Tanong ko rito. Naguguluhan.

"Namimiss ko na kasi siya." Aniya at umagos naman ang luha nito.

"Pauwiin mo ano ba namang fiance yan! Papayag na magpakasal sa iyo tapos ginaganito ka naman." Reklamo ko pa rito.

Naiinis ako hindi sa kaniya kundi sa fiance nito. Ang lakas mag accept ng proposal tapos ang hirap hagilapin. My gosh!

"Babalik rin yun!" Nakangiting aniya at pinunasan na ang luha niya.

"Kelan kapag cancel na ang kasal? Hahabol habol!" Sarcastic kong wika.

"Wag naman sanang ma cancel excited na ako eh." Natawa pa niyang aniya.

Wow sana all excited para sa kasal niya ako? Heto maghihintay na palampasin ang araw ng kasal niya at pagtapos niyon hihiling na ulit ako na sana mawala na ang feelings ko ang sa kaniya.

"Yan wag ka malungkot!" Pagpapalakas ko pang ani rito. "Dapat lang na maexcite ka sa kasal mo. Yun yung importanteng araw para sa mag nobyo at nobya." Nakangiti kong wika rito.

"Isium." Tawag niya pa sa pangalan ko.

"Bakit?" Mabilis kong tanong rito.

"Hihingi ako ng sorry sa nangyari nung sabado." Sinserong aniya.

Napatitig naman ako sa mata nito. Sino ba naman ako para hindi patawarin tao lang ako na pinapatawad din ng iba lalo na ng Diyos.

"Okay lang yun Ethan. Pagpasensyahan mo na rin ako ayoko kasing magkaroon ng issue baka awayin pa ako ng fiance mo eh pag umuwe yun." Biro ko pa rito.

Kahit sa loob loob ko ay humihiling ako na sana ako yung fiance niya. Siguro kung ako yun. Sobrang saya ko na nun.

"Hindi na kita aabalahin pa gabi na alam kong magtuturo ka pa bukas." Nakangiting aniya saka tumayo na tuloy ay napaangat din ako sa upuan ko at tuluyan na ring tumayo.

"Ah sige Ethan." Malumanay kong wika rito.

"Sige sorry sa abala ha? At salamat sa tulong." Aniya at yumuko pa.

"Sus walang anuman Ethan." Nakangiti kong wika rito.

Nang makalabas ito ay nagpahabol pa ako ng salita.

"Ingat ka!" Ani ko na siyang nakapagpalingon sa kaniya saken at nahawa naman ako sa matamis na ngiti na iginawad niya saken.

Nakita ko namang sinamahan ito ng Papa palabas ng tarangkahan namin at magkaakbay pang magkausap.

Hindi narin naman ako nagtaka dahil alam kong close sila dati pa. Siguro ay namiss lang nila Ang isa't isa.






To be continued....








You and MeWhere stories live. Discover now