Chapter 1

30K 675 105
                                    

Yvette's

"Ateeee, mal-late na tayo!"

Napatingin ako sa kapatid ko na si Cassia na nakabusangot habang pumapadyak ang maliit nitong paa. Maaga pa pero ayaw nito ang nahuhuli sa klase.

"Assia, it's still early pa, oh."

Lumapit naman sa amin ang kambal nitong si Carrissa habang dala-dala ang orasan namin do'n sa kwarto at ipinakita ito kay Cassia.

Cassia Emerald at Carrissa Saphire kambal sila, limang taon gulang at tanging pamilya na meron ako. Patay na ang ina namin at ang tatay naman namin ay di na mahagilap ng mamatay si inay kaya ngayon ako ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kambal. Hindi ko din alam kung buhay pa mga magulang ni nanay kasi kahit isang beses ay di ko sila nakita hanggang sa mamatay si nanay sa pagpapanganak sa kambal.

Hindi naman sila mahirap alagaan dahil kahit sa murang edad pa lang ay masasabi kong mature na sila mag-isip. Nasa unang baitang na sila ngayon dahil sa taglay nilang talino.

Ito ang unang araw ng pasukan nila at enrollment naman do'n sa unibersidad na pinapasukan ko kaya maaga akong gumising para makapag-luto pa ng tanghalian nila, sa almusal naman ay sa paaralan na sila kumakain dahil libre lamang iyon do'n.

"Tinatapos ko na ayusin itong lunch box niyo." Ani ko bago inilagay sa lunch bag nilang dalawa ang pananghalian nila. "Saphire, isuot mo na ang iyong sapatos."

"Okay po, Ate!" Kaagad naman umalis si Saphire at isinuot ang school shoes nito.

Habang si Cassia naman ay kanina pa tapos at kami nalang ang hinihintay.

Ala-siete pa lang at mamaya pang alas-otso ang pasok nila pero dahil lunes ngayon at pasukan na ay kailangan maaga pa lang ay nakaalis na kami dito sa bahay.

Nang matapos na si Saphire sa pagsuot ng sapatos ay kinuha ko na ang aking bag at kaagad na kaming lumabas sa bahay na inuupahan namin.
Maliit lang ito, isang kwarto na kasya kaming tatlo at iisa na ang kusina at sala, at sa gilid naman ang maliit na banyo.

Paglabas namin sa pasilyo ng aming lugar ay sakto namang may dumaan na jeep kaya kaagad ko itong pinara. Sasakay na sana kami pero sabi no'ng konduktor ay sa harapan nalang kami dahil puno na ang likod.

Pinauna ko naman ng sakay ang kambal bago ako at ng masigurado ko na ligtas at maayos silang nakaupo ay agad ko naman kinuha ang aking pitaka para magbayad dahil malapit lang naman dito sa lugar namin ang paaralan ng kambal.

Napatingin naman ako sa aking pitaka na isang daan nalang ang laman kaya wala sa sariling napa-buntong hininga ako.

"Bayad po, dalawa studyante." Abot ko sa isang daan sa driver kasi nasa pinaka-likod yung konduktor. Dalawa lang ang binayaran ko dahil sa iisang upuan lang naman nakaupo ang kambal.

Inabot naman iyon ng driver na ngayon ko lang napansin na babae pala at nakasuot ito ng mask at sombrero na itim.

Habang hindi pa binibigay sa akin ang sukli ay inayos ko naman ang suot na uniporme ni Saphire dahil mali ang pagka-botones nito.

"Change." Ani naman ng driver sa malamig na boses. Kinuha ko ito at nagpasalamat at ibinalik ulit ang atensiyon sa dalawa kong kapatid.

Meron pa akong 80 pesos dahil 20 pesos lang naman ang bayad sa jeep.

"Assia, Saphire, ito Singkwenta(50) pesos, pangbili niyo ng meryenda mamaya." Kinuha naman iyon ni Saphire dahil siya ang katabi ko.

"What about you, Ate?" Ani naman ni Cassia. Di ko alam kung saan nagmana ito at inglis ng inglis.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon