Chapter 17

14.8K 565 52
                                    



"Isang beer pa!" Sigaw ko habang pagewang-gewang na naglalakad papuntang bar counter.

"Hoy, lasing na si Yvette! Hindi naman yan umiinom ng beer kapag di pa yan lasing." Rinig kong sigaw ni Shantelle... ata? Hindi ko na alam kung kaninong boses 'yon.

Kailangan ko ng beer, nauuhaw pa ako. Yawa kasi itong si Saryia ang daming ni-order na inumin porket sabi ni Charlotte na libre niya lahat.

Oh well, linggo naman bukas, mabuti nalang din at makakapagpahinga na ako bukas kasi pagod na pagod na talaga ang katawan ko dahil tinapos ko na ang paggawa 'yong booth namin kanina dahil sa lunes na ang simula ng foundation day.

As for my archery practice naman ay tapos na rin at nasa amin na kung magp-practice pa ba kami sa foundation day o di kaya sa mismong tournament na, which is after our foundation day. Tiring right?

Kaya heto kami ngayon nasa bar kasi hindi kami natuloy last time no'ng broken hearted ang Saryia niyo dahil sabi niya may importante daw siyang pupuntahan.

For sure naman guguluhin lang no'n si Prof Griffin.

"What can I get you, Gorgeous?" Lasing na nga ako, hindi ko man lang namalayan andito na pala ako sa counter. Ehe.

"Beer." Simpleng sagot ko lang at umupo sa bar counter. Yes, sa bar counter dahil gusto ko, wala silang pakialam.

"Shet. Yve! Baka nakakalimutan mong naka skirt ka lang ngayon!" Hinila naman ako pababa ni Saryia at iniupo sa upuan ng bar counter. "Umayos ka Yvette Gwen, lahat tayo lasing for today's vidyow!" Hagikhik naman nito.

Umirap naman ako dahilan ng pagkahilo ko kaya napadukdok ako sa bar counter.

"Kaya pa, Yve?" Ani naman ni Charlotte. Nakalapit na pala silang dalawa ni Shantelle sa amin. "Kaya mo pa bang sumayaw?"

Dahil sa narinig ay masigla akong tumayo at malapad na ngumiti sa kanila. "Let's go dance!!!" I yelled.

"Gorgeous, your beer." Abot naman sa akin ng bartender.

"Sankyuuu." Pasalamat ko dito at nagsimula ng maglakad papuntang dance floor.

Hinawakan naman agad ni Charlotte ang aking beywang habang nakahawak naman ako sa balikat niya, gano'n din si Shantelle at Saryia sa isa't isa.

Lasing na talaga kaming apat dahil ang landi na namin sumayaw. Kung hindi lang kami magkakaibigan malamang parehas na kami sa ibang tao na sumasayaw dito at naghahalikan na.

"Elle, baby, naiinggit ako sa kanila." Rinig kong wika ni Charlotte kay Shantelle na katabi lang namin habang sumasayaw.

"Edi, makipaghalikan ka kay Yvette." Sagot naman ni Shantelle habang nauutal pa dahil sa kalasingan.

Bumusangot naman si Charlotte. "Ikaw gusto ko, hindi si Yvette."

"Hays. Kung nandito lang si future wife malamang nakanood na kayo ng live porn." Pag-singit naman ni Saryia sa dalawa.

"Bunganga mo talaga, bansa! As if naman papatulan ka no'n." Asar naman ni Shantelle dito.

"Elle, sige na kasiiii!" Pumadyak-padyak naman si Charlotte habang sumasayaw kami.

"Hoy! Hindi tayo close huwag mo akong ma Elle-Elle  diyan." Itong si Shantelle kahit lasing ang maldita pa rin.

"Fine, si Yvette nalang hahalikan ko." Bigla naman tumigil sa pagsayaw si Charlotte kaya napatigil din ako, gano'n di si Shantelle at Saryia at nakatingin na sa amin.

Eh, paano ba naman kasi, itong si Charlotte marahang hinawakan ang aking pisngi at masuyo itong hinahaplos habang nakatingin sa aking mga mata.

"Shit. Magkaka-first kiss na ata si Yvette!!!" Rinig kong tili ni Saryia.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon