Chapter 21

14.4K 519 26
                                    



Dahil tapos na ang aking mission na binigay ni Saryia ay naglakad na ako pabalik sa cafeteria.

Malapit na ako sa cafeteria ng salubungin ako ni Shantelle habang humahangos. Puno din ng pag-aalala ang mukha nito. Kaya nabalot narin ako ng pag-aalala. "What's wrong?" I asked.

"Saphire is in hospital. Their school called me and Saryia to informed us." Mabilis na sagot nito. "Let's go to parking lot now."

Dahil wala akong cellphone ay number nilang dalawa ni Saryia ang nilagay ko do'n sa emergency contact nila Saphire at Cassia.

Nabitawan ko naman ang aking dalang bag at pinipigilan ang sariling umiyak habang sinusundan si Shantelle na tumatakbo papuntang parking lot.

Pagkarating namin sa parking lot ay nandoon na si Saryia at naka-ready na ang sasakyan kaya kaagad kaming sumakay ni Shantelle.

Wala na akong pakialam kung ma-marked absent ako ngayon. Mas mahalaga ang kalagayan ng kapatid ko.

"Oh my god. Anong nangyari?" Naluluhang tanong ko sa kanila habang tinatahak namin ang daan papuntang hospital kung saan dinala si Saphire.

"H-Heart attack." Mahina ngunit narinig ko parin sagot ni Saryia.

Oh my God, please heal my sister.

Mabilis kaming nakarating sa hospital dahil ito lang naman ang malapit sa paaralan nila Saphire at Cassia at sa university narin namin. Sinadya talaga itong malapit sa mga paaralan para narin sa mga sitwasyon na kagaya nitong may isinusugod sa hospital.

Kaagad akong bumaba ng sasakyan ni Saryia at pumasok sa loob ng hospital kung saan agad kong nakita si Cassia kasama ang guro nito sa may emergency area bench.

"Cassia!" Tawag ko kay Cassia at niyakap ito ng mahigpit habang pinapatahan. "Shh. Saphire will be fine."

"Ate, I'm scared." Hikbi nito sa aking dibdib kaya hindi ko narin napigilan mapaiyak.

"She'll be fine, don't worry." Tahan ko dito at pinapahid ang sariling luha.

Kumalas muna ako ng yakap kay Cassia ng makita ko ang doctor na lumapit sa gawi namin. Mabilis naman nilapitan ni Shantelle at Saryia si Cassia at inilayo muna ito sa amin.

Cassia is smart kaya ayaw kong marinig nito ang sasabihin ng doctor dahil baka sobra itong mag-aalala sa kambal niya.

"Relative?" Tanong ng doctor sa akin kaya mabilis akong tumango.

"Yvette Martinez po, her sister, doc. H-How is she?" I asked nervously.

The doctor sighed as he examined the clipboard his holding. "We need a heart transplant as soon as possible, her condition right now is critical. Mabuti nalang at nadala ito agad sa hospital." Sagot naman nito. "She's getting weaker, Miss Martinez and without the life support she might not make it."

Parang namanhid naman ako sa narinig, hindi ko mahanap ang aking boses. Parang bigla akong nawalan ng pandinig at boses dahil sa sinabi ng doctor.

Namalayan ko na nga lang na tinapik ng doctor ang aking balikat bago ito tuluyan umalis. Hindi ko man lang narinig pa ang ibang sinasabi nito sa akin.

Ang huling narinig ko lang ay nasa ICU si Saphire at tanging life support machine nalang ang bumubuhay sa kanya.

Why? Just fucking why?! Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako.



Andito ako ngayon sa bench, labas ng ICU kung nasaan nakahiga si Saphire at may tubo ng life support ang bunganga nito. Kasama ko si Cassia dahil ayaw nitong sumama kila Saryia at Shantelle kanina dahil gusto daw niyang makita si Saphire na gising na.

Umuwi muna sila para kumuha ng gamit namin at para narin sabihan ang mga magulang nila. Sila narin ang naghatid sa guro nila Saphire at Cassia kanina pabalik sa paaralan pagkatapos nitong sabihin sa akin ang nangyari kanina sa paaralan.

Pinaliwanag nito sa akin na masigla naman daw si Saphire kaninang umaga kaya nagtaka sila kung bakit bigla nalang itong namutla at ayon na nga inatake sa puso.

Nasabi narin ng doctor dati ni Saphire na pabigla-bigla talaga ang pag-atake ng puso nito lalo na't bata pa siya. Kaya nga napaka-protective ni Cassia sa kapatid niya at todo bantay ito sa kanya.

My friends told me not to worry about the bill and everything, which made me thankful to them kasi walang-wala talaga ako ngayon. Binaba ko na ang aking pride para sa ikakabuti ng aking kapatid.

Hanggang ngayon ay nanunuot parin sa aking dibdib ang sakit dahil sa sinabi ng doctor. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Kasi sa totoo lang nakakawalang-gana.

Pilit ko pa pinapalakas ang aking sarili dahil kanina pa nanginginig ang aking mga binti dahil parang bumalik na naman sa akin ang trauma ko. Nang mamatay si mama sa hospital ay nagsimula akong matakot pumunta ng hospital, pero ngayon kapatid ko na naman ang nandito kaya kailangan ko na lakasan ang aking dibdib.

Naputol naman ang aking pag-iisip ng may biglang nagsalita sa aking gilid. Hindi ko man lang namalayan na may nakaupo na sa aking tabi. "Martinez." His voice is familar.

I looked at him and I remember that he is one of my opponent in archery. The one who I always defeat.

"Small world." Ani nito. Pero wala akong balak sagutin ito dahil baka dadagdag lang ito sa aking problema ngayon. "Kung sini-swerte ka nga naman."

And beside we are not close, as far as I know he's mad at me because I always defeat him.

"This is my parents hospital. Soon to be mine." Mayabang na wika nito. Yabang. At tsaka sino ba nagtanong. "I heard from one of the doctors here that your sister is in critical conditon and in need of a heart transplant as soon as possible."

"I don't have time with you right now." Asik ko dito sa mahinang boses at hinahagod ang buhok ni Cassia na natutulog habang naka-kandong sa akin.

David smirked. I know his name well. Ilang beses ko ba naman natalo sa archery. Hindi ko nga alam kung bakit siya ang parating nakakalaban ko eh. Wala atang balak ang paaralan nila na palitan siya.

Their loss anyway.

"I can help you." Napataas naman ang isang kilay ko sa sinabi nito. "We have a heart here that compatible for your sister."

Parang nanghina at the same time nabuhayan naman ako ng loob dahil sa sinabi nito.

Mariin lang akong nakatingin sa mukha nito na may nakakalokong ngiti. Alam kung may kapalit ang tulong na ibibigay niya. Sa ngiti pa lang niya na parang demonyo.

"What do you want." I firmedly said.




"Lose the game."

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon