X'Pv 7

10.8K 400 226
                                    

7


"All of you are fired!" I yelled as I look at my bodyguards who failed to do Gwen's booth.

Ang mga tarsier maling booth pala ang nagawa nila, hindi yung booth nila Gwen.

"Out!" I yelled again and motioned my hand for them to get out.

Takot naman silang lahat na yumuko at mabilis na umalis sa harapan ko.

Today is saturday and I have a lot of working to do, tapos dumadagdag pa tong mga commoner na simpleng trabaho lang pinagawa ko hindi pa magawa-gawa.

Napahilot ako sa aking sentido saka lumabas dito sa hide out papuntang parking lot dito kung saan naghihintay si Beau. Hindi na siya sumama sa akin dahil alam na nito kung anong gagawin ko sa mga palpak na mga tauhan na yun.

Pagkarating ko sa aking sasakyan ay nasa loob na si Beau nagc-cellphone.

"It's getting late, babalik ka pa ba sa kompanya mo?" Beau asks as soon as I sat down in the passenger seat.

I nodded. "I need to finish those papers as soon as possible."

"Alright." sagot nito. "I'll just drop you off at your company, andun din naman ang sasakyan ko."

"Okay." tipid na sagot ko at nagsimula na rin siyang magmaneho.

Tahimik lang namin tinatahak ang daan.

Bigla naman tumunog ang aking personal phone. Nang makita kong si Yeen ito ay sinagot ko ito agad.

"Yeen."

"Ate, can you fetch us here at ZXY club? I don't think I can drive us home." sambit nito. Naririnig ko pa ang sigawan at tugtugan mula sa kabilang linya.

"Okay. Wait for us there." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Nagpaalam ito kanina na magb-bar daw sila magkakaibigan, kampante naman ako dahil marami naman akong pinasunod na tauhan sa kanya lalo na't andun din yung studyante ko.

Mahirap na lalo't mga babae silang lahat.

"Before you go home, let's fetch my student at ZXY club." baling ko kay Beau na patuloy parin sa pagmamaneho "Mauna ka na dun, may tatapusin lang ako sandali sa opisina at susunod rin ako agad."

"Your student? I thought it was Charlotte who called?"

"Ehem." I cleared my throat. "Y-Yeah my sister."

Inirapan ko agad si Beau ng may sumilay na ngisi sa  labi nito. "Sure, Clems. We'll fetch your stu— I mean, Charlotte."

Mukhang kailangan na rin i-nebuli ang utak ng isang to dahil malala na asthma ng utak niya.


Pagkahatid sa akin ni Beau sa kompanya ay nagpatulong nalang muna ako saglit dito bago ko siya pinauna dun sa club na kung nasaan ang studyante ko at kapatid ko dahil maaga pa naman.

Habang ako naman ay tinatapos lang ang pagpi-pirma ng ilang mga papeles upang maipadala na bukas sa sekretarya ko na nasa Italy. Ipapadala ko lang kasi itong mga papeles na pinirmahan ko tapos siya na ang mag-aasikaso.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ako at nag-drive na patungong ZXY club.

Pagkarating ko sa club ay agad kong nakita ang sasakyan ni Beau, natanaw ko din sa loob ang kapatid ko habang kausap nito ang babae ni Beau.

Where is Beau?

"And kissing me and kissing Yvet—"

"Charlotte Yeen."

Parang biglang nandilim ata ang paningin ko ng marinig ko ang pinag-usapan nilang dalawa.

My sister kissed Gwen? My student?!

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon