Chapter 16

15.5K 557 22
                                    



"Hoy, bansa! Kanina ka pa nakabusangot diyan, ah. Wala ka bang balak kainin 'yang order mo?" Shantelle nudged Saryia.

Hindi sumagot si Saryia at inabot lang nito ang order niya kay Shantelle na kaagad naman kinain ni Shantelle.

Simula no'ng makita ni Saryia na may kasamang lalaki si Prof Griffin ay wala na ito sa mood, tatlong araw na rin ang nakalipas. Iniiwasan nga rin nito ang professor kahit na tinatawag siya nito ay di niya ito pinapansin.

"Club tayo mamaya." Aya nito habang nasa kawalan ang tingin.

Napatingin naman sa gawi ko si Shantelle. "Ako nalang sasama sa kanya, alam ko naman na sobrang busy mo na." Aniya at nginitian ako.

"I can manage, besides Sary need us."

"No, Yve. I appreciate it, but I don't want to exhaust you. Alam kong busy mo na masyado dahil malapit na rin ang tournament." Marahan naman nitong hinaplos ang likod ko. Kami kasi ang magkatabi ngayon habang kaharap naman namin si Shantelle.

Wala akong pasok sa cafeteria dahil pinag-leave muna ako ng headmaster ng sports club para matuunan ko ng practice ang archery. Mabuti narin iyon dahil hindi ko pa rin natatapos iyong booth ng department namin.

And besides, paid leave naman iyon, kaya may sahod parin ako.

Actually, alam naman nila na di ko na need mag praktis pa, gano'n kalaki tiwala nila sa akin. Pero para sa ikakaginhawa ng mga dibdib nila ay nagp-praktis nalang din ako.

'Yabang ah' my fucking aego.

"Don't worry, naka leave naman ako sa cafeteria hanggang matapos ang tournament." Panigurado ko dito.

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Shantelle.

"Sigurado ka ba?" Shantelle.

I nodded. "Yes, yes." I gave them a big smile.

"Fine, fine. Sa bahay na muna ang kambal para sila manang na muna mag-asikaso sa kanila sa pagpasok bukas ng umaga." Pumayag na rin si Saryia.

Habang nag-uusap naman ay bigla nalang tumahimik ang cafeteria at natuon ang mga atensyon nila sa magkasintahan na dumating.

Miss Cromwell and his boyfriend.

Ilang sandali pa ay nagsimula na rin ang bulungan sa loob ng cafeteria.

"Damn. Bagay na bagay sila."

"Swerte naman ni Miss Cromwell."

"Swerte naman ng lalaki."

"Siya na kaya ang magpapangiti at tutunaw sa nag-yeyelong puso ni Miss Cromwell."

Kahit saan lugar talaga ay hindi nawawala ang mga marites.

"Kaya pala maaga tayo ni-dismissed kanina, andiyan pala ang jowabels." Nakangiting turan ni Shantelle.

Napatawa naman ako. "Sana araw-araw nalang andito jowabels niya."

"Oo nga. Isa pa 'yan si Miss Cromwell na nagpapasakit sa ulo ko, eh." Saryia groaned.

And yup... kasali kami do'n sa mga marites.

Habang patuloy kami sa pagkain at pag-uusap ay bigla naman dumating si Charlotte na may dalang tray ng pagkain.

"Himala. Lumitaw." Shantelle rolled her eyes at her.

Charlotte smirked at her before winking. "I know you missed me, don't worry, me miss you more."

Hindi kasi namin nakakasama si Charlotte no'ng mga nakaraan araw dahil may pinapagawa daw sa kanya ang ate niya.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Donde viven las historias. Descúbrelo ahora