Chapter 50

18.7K 584 112
                                    



Tamad akong bumangon ng kama ng marinig ko ang alarm ng aking cellphone. Hindi ko rin alam pero nasusuka ako na ewan, minsan din ay bigla akong nahihilo.

It's been three weeks simula nung mag IVF kami ni Miss Cromwell, at simula nung isang araw sumasama na ang pakiramdam ko.

Simula din nun ay todo ingat sila sa akin, halos araw-araw ba naman akong tanungin kung buntis na ba ako o ano. Mga yawa sila. Pero kung masama parin pakiramdam ko bukas ay magpapabili na ako ng PT.

At dahil may pasok ngayon araw ay mabilis akong pumanhik papasok sa banyo, ang kambal kanina pa pumasok sa paaralan, maaga ang pasok nila kaya kapag tapos ko na silang asikasuhin ay bumabalik ako sa tulog minsan.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, bumaba narin ako para makakain ng almusal.

"Ma'am, good morning po." Agad na bati sa akin ng mga katulong ni Miss Cromwell.

"Good morning po sainyong lahat." Bati ko rin pabalik saka umupo na. Pero agad din napatayo ng hindi ko nagustuhan ang amoy ng niluto nilang ulam.

"Uh. Sa school nalang po ako kakain, b-busog na po pala ako." Pagsisinungaling ko.

Nagkatinginan naman silang apat saka marahan na tumango.

Holy shit. Hindi naman ako mapili sa pagkain dati ah. Mukhang kailangan ko na talagang mag PT.

Pagkarating ko sa university ay dumiretso agad ako sa cafeteria dahil nagugutom ako. Gutom na gutom ako at gusto ko kumain ng carbonara na may spaghetti.

Nasabi ko naman na sa GC namin ng mga kaibigan ko na sa cafeteria na kami magkita-kita, 8:45AM pa naman tsaka 9:30AM pa ang pasok namin dahil wednesday ngayon at P.E namin.

Nang makapasok na ako sa cafeteria ay naghintay lang sa labas ang dalawang body guards na inutusan ni Miss Cromwell na bantayan ako hangga't hindi pa dumadating mga kaibigan ko.

Simula kasi nung mahimatay ako dito sa school ay sobrang higpit na nila sa akin. Hinayaan ko nalang, pambawi narin sa kanila dahil pinag-alala ko sila ng sobra.

Pagkarating ko sa counter ay umorder agad ako ng carbonara na may spaghetti.

"Yve, walang carbornara na may spaghetti dito." Sagot sa akin ni Iren, kilala niya ako dahil magka-trabaho kami dati.

Napasapok naman ako sa aking noo saka siya nginitian ng alanganin. "Sorry, isang order ng carbonara tsaka isang order ng spaghetti nalang pala." Wika ko.

Naguguluhan naman itong napatingin sa akin saka tumango. "Drinks?"

"Iced tea. Thank you." Sabi ko at inabot na sa kanya ang bayad.

"Thank you." Pa-salamat rin nito at inabot sa akin ang sukli ko.

Umurong narin ako papuntang claim area, mabuti nalang talaga konti lang ang kumakain dito tuwing umaga kaya wala masyadong tao.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order ko kaya kumikinang ang aking mga mata at naglalaway ang bibig na nakatingin sa carbonara at spaghetti.

Agad akong naglakad sa usual table namin magkakaibigan at mabilis na pinaghalo ang carbonara at spaghetti not minding the stares I'm receiving from the other students.

Hindi naman na nila ako pinapakialaman, mukhang takot pa nga sila sa akin eh, hindi ko naman alam kung bakit.

Patuloy parin ako sa paghahalo ng dumating na si Charlotte kasama si Ruelle at nakangangang nakatingin sa akin habang hinahalo ko ang inorder kung pagkain.

"What the heck, Yve?" Ruelle grimaced.

"What?" I chuckled at her reactions. Para kasi itong nandidiri eh.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon