Chapter 61

17.4K 530 90
                                    

Eva/Yvette's

"Argh. Sakit." I groaned in pain as I open my eyes.

My fucking head hurt.

Sumalubong naman agad sa akin ang puting kisame. I roamed my eyes and saw my twins, sleeping peacefully in a crib.

Seems like we are in hospital.

Nagtataka naman ako dahil wala naman ganitong hospital dito sa aming lungsod, I know I'm in hospital since may nakakabit sa akin na dextrose at may nakalagay pa na Griffin Group of Hospital sa dingding kung saan nakakabit ang isang malaking tv.

Luh. Mukhang pang mayaman itong hospital ah. Ano ba'ng nangyari bakit kami nandito?

Griffin? The name's familiar. Seems like I've heard that name before but I don't know where.

Bakit wala si kuya? Sa tuwing nasa hospital naman kami ay hindi kami nito iniiwan para masiguradong okay lang kami.

Fuck.

Hindi kaya na-kidnapped kami ni Don Erick?! Alam kung siya lang ang may kakayahan na maipagamot kami sa ganitong klaseng hospital. At alam ko na ang magiging kapalit nito ay ang aking sarili.

No fucking way.

Mabilis akong bumangon sa kama at ininda ang pananakit ng aking ulo. Kinagat ko ang aking labi dahil sa sakit ng bigla kung tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin. Hindi ko na inalintana ang dugong umaagos dahil sa pagtanggal ko ng dextrose.

Kailangan namin makaalis ng mga anak ko dito sa hospital na ito. Alam kong nag-ooverthink na ako pero mas mabuti na iyon kaysa naman malagay kami sa sitwasyong ikakapamahak ng mga anak ko lalo na't kilalang drug dealer pa naman sa lugar namin si Don Erick.

Bumaba agad ako ng kama at lumapit sa natutulog kung kambal at dahan-dahan silang binuhat para hindi sila magising.

"Shit. Bakit parang bumigat ang mga anak ko." I mumbled.

O, baka dahil nanghihina ako ngayon kaya nabibigatan ako sa kanila.

Luminga-linga muna ako sa paligid bago dahan-dahan naglakad papuntang pintuan dahil may naririnig akong ingay sa bathroom, alam kung bathroom iyon dahil may nakalagay na restroom sa itaas.

Gusto ko sanang hintayin muna makalabas ang taong nasa restroom baka kasi si kuya yun pero baka si Don Erick din yun. Mabuti ng maging paranoid mag-isip kaysa mapahamak pa kami.

Narinig ko naman ang pagtunog ng doorknob sa restroom kaya mabilis ko rin pinihit ang doorknob at lumabas sa kwartong iyon. Pero mas lalo akong kinabahan nang paglabas ko ay may apat na naka-tuxedo na nagbabantay sa labas.

Confirmed. Si Don Erick nga ata nagdala sa amin dito.

"Ma'am." Ani ng isang nakatuxedo pero mabilis akong lumayo dito.

Mabuti nalang at mabilis ang aking kilos at napatakbo ako palayo sa kanila.

"Ma'am!!!" Sigaw nung isang naka-tuxedo rin pero hindi ko sila inalintana dahil binalot na rin ako ng takot.

Umiiyak narin ang kambal ngayon dahil narin sa aking pagtakbo at siguro dahil sa sigaw nung mga lalaki kanina. Patuloy parin sila sa paghabol sa akin dahil naririnig ko ang mga yapak ng mga paa nila.

"Yvette!"

"Yveee!"

"Gwen!!"

May naririnig naman ako na boses ng mga babae na sumisigaw pero hindi ko naman alam kung sino tinatawag nila dahil naka-pokus lang ako sa pagtakas dun sa mga tauhan ni Don Erick.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon