Chapter 49

16K 513 84
                                    



"Yve, patingin kami ng pepe mo mamaya kapag chini-check na ng OB-Gyne mo, ah." Asar ni Saryia.

Magka-video call kaming lima ngayon dahil sa sabado pa ang uwi nila galing ibang bansa, pasukan na rin kasi sa lunes.

"Ikaw lang Sary, huwag kang mandamay." Tawa naman ni Ruelle at Charlotte.

"Ikaw bansa, ah, pinagnanasaan mo ata si Yvette, eh." Asar rin ni Shantelle kay Saryia.

Umirap naman si Saryia, not minding them teasing her. "Of course not, I'm just teasing, Yvette." Sabi nito at bumelat sa camera.

"Bakit hindi kay Prof Griffin ang tignan mo ng hindi ka tumitingin sa iba." I snarled.

Napahalakhak naman si Saryia. "As if talagang titingin ako sa iba. Tsaka, saka ko na titignan kay future wife kapag kami na baka kasi kung ngayon ay ma-demonyo ang aking utak at mauuna ang honeymoon namin." Napatawa naman kaming lima sa sinabi nito.

Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ni Saryia.

"Hays. Na-miss ko tuloy si future wife, di bale sa susunod sabay na kaming magc-celebrate ng christmas." Kalaunay wika nito habang kinikilig sa kanyang sinabi.

"Anyway, Yve, did you received our gifts?" Shantelle asks.

"Yes, yes. Salamat sainyo. Nagustuhan ng kambal ang mga damit ni binigay niyo. Pakisabi sa parents niyo na salamat." Wika ko.

Noong pasko kasi marami kaming regalo na natanggap galing sa kanila, akala ko nga nung una kay Miss Cromwell lahat pero sabi nito galing daw sa mga kaibigan ko ang iba. Pero di pa rin maitatanggi na marami din itong biniling regalo sa amin pati na sa kambal.

Pasko naman kaya tinanggap ko na.

Ehem. Simula nung halikan namin ay naging okay na kami ulit, bumalik na kami sa dati na minsan nag-aasaran at minsan naman sweet sa isa-isa.

After the kissed, we didn't actually talked about it we just stare into each other eyes and then smiled, and that's it.

Hindi na rin naulit pa. Hindi nga rin namin napag-usapan, eh.

I know it should bother me, but surprisingly it didn't. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin kung tatanungin niya ako kung bakit humalik ako pabalik, take note: umungol pa ang bwesit na bibig ko. Hindi ko din naman magawang tanungin siya.

Ah. Basta. Kaya kapag nasaktan ako ulit. Kasalanan ko yun dahil potanginang tanga ako.

Nung bagong taon naman ay lumipad sila ni Charlotte sa Italy to celebrate new year with their mother and brother.

Balak pa nila kaming isama pero nahihiya ako at baka mahimatay ako kapag humarap ako sa mama nila, alam ko pa naman na ruthless ang ina nila, kaya iwas na tayo doon.

Kaya ang ending sa bahay ni Prof Griffin kami nag-celebrate ng new year, pinilit lang ako, dahil kapag hindi ako pumayag ay isasama nila kami sa Italy. Mas mabuti na kay Prof Griffin kaysa makita ang ina nila.

We had fun naman at tsaka ang babait din ng mga magulang ni Prof Griffin, gusto pa nga nila kaming ampunin pero pinigilan ni Prof, kasi baka daw pasabugin ni Miss Cromwell kompanya nila. Di ko alam kung joke ba yun o ano, tumawa lang ako nun, eh.

Sobrang saya namin ng kambal, akala ko matatapos na naman ang taon namin na kami-kami lang, mabuti nalang at may mga kaibigan akong sobrang mahal kami.

"Ano, Yve? Saan planeta ka na ngayon?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang malakas na boses ni Saryia. Potangina kahit sa video call parang megaphone pa din ang boses nito.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon