Chapter 62

17.1K 563 61
                                    



Woah.

"This is not a house! This place is more like a palace!" Namamanghang bigkas ko habang nakatingin sa isang napakalaking bahay.

Sabi ni kuya dito na daw kami maninirahan dahil nandito rin ang magiging trabaho niya. Mukhang tama nga ang hinala ko na bigatin ang nakuhang trabaho ni kuya.

Napakabuti pa ng magiging boss niya.

"Did you like the place?" Ruelle asks me.

"Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay." Ani ko.

"Di mo sure." Natatawang wika naman ni Shantelle.

Kaya nagtataka akong napatingin sa kanya. "Bakit?"

"Huwag kang makinig sa kanya Yv— Eva, may saltik kasi yan sa utak." Bigkas naman ni Saryia kaya nakatanggap ito ng batok kay Shantelle.

Tumatawa lamang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na parang aso't pusa.

"This will be your new home from now on, Gwen." Xeen said and smile at me softly.

"Gwen?" Taka ko naman.

She clears her throat. "I-I mean, Eva."

Nagkibit-balikat nalang ako saka inilibot ang aking paningin. "Pwede din ba akong mag-trabaho sayo? Mukhang malaki talaga sahod ni kuya sayo, ah." Pagbibiro ko.

"We'll see after you graduate." Sagot naman ni Xeen.

"Ah. Iyong birth certificate ko pala, nasabi na ba sayo ni kuya ang tungkol dun? Hindi ko kasi maalala na nasunugan pala kami bago mawala ang aking ala-ala kaya pati mga school credentials ko nasali." Problemadong saad ko.

"Cleofel and Mallory are working on it right now, Eva."

"Maraming salamat sainyo." Masayang wika ko.

Xeen smiled. "Let's go?" Aya naman nito.

Tumango na ako at naglakad na papasok ng bahay niya. Pagkapasok naman namin ay nakita ko agad ang dalawang batang babae na naghihintay sa loob.

Kambal rin ito at may mga luha sa kanilang mga mata.

"C-Cassia, S-Saphire, si Ate Eva niyo pala, dito na sila mamamalagi." Pakilala sa akin si Xeen sa dalawa ng makalapit na kami dito.

I don't know what's happening right now but I started crying when I saw them. Maybe because they were crying too?

"H-Hello." My voice broke. "I-I'm Eva." Pakilala ko at tuluyan na nga akong napaluha.

Naramdaman ko naman ang pagyakap nilang dalawa sa akin ng mahigpit. "H-Hello po." Iyak nilang dalawa.

"I'm S-Saphire po." Umiiyak nitong pakilala

"And I'm Cassia po." Pakilala rin ng isa.

Magkaiba sila ng boses pero magkamukha sila pareho. Kung hindi siguro sila magsasalita ay hindi ko malalaman kung sino na ang kinakausap ko.

Kahit nagtataka man ay isinawalang-bahala ko muna ito.

"S-Saan po kayo galing? Namis—"

"Saph, remember what Tita Een said?" Hindi naituloy ng isa ang sasabihin nito ng putulin ito ng kambal niya. "We are doing it for Ate right?" Naiiyak pang dagdag nito.

Nang kumalas kami sa yakap ay nagtataka akong napatingin sa kanilang dalawa dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"I-I miss her so much, Assia." Saphire cried while hugging Cassia.

"Me too." At umiyak na rin si Cassia.

Kaya kinakabahan akong napatingin kay Xeen na marahan pinunasan ang luha sa mga mata nito. "Xeen, why are they crying?" Tanong ko habang pinapahid ang luha sa aking mga mata.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Donde viven las historias. Descúbrelo ahora