Chapter 6

16.5K 530 16
                                    

Shantelle's

"Shan, darling mal-late ka na." Gising sa akin ni mama habang hinahaplos ang aking pisngi. Napangiti naman ako bago iminulat ang aking mga mata.

"Good morning, Mom." I greeted before getting up and kissed her cheeks.

"Good morning, honey." She greeted back and kissed my forehead. "Get ready now, the breakfast is ready." She said as she stood up and walked towards the door.

Nang makalabas na ito ay agad na akong pumuntang bathroom to do my morning routine. After almost half an hour ay bumaba narin ako at kinuha lang ang sandwhich na nasa mesa.

Wala na si mommy at daddy baka pumasok na ito sa trabaho.

Nang nasa sasakyan na ako ay kaagad ko naman tinawagan si Saryia. For sure maaga na naman 'yon sa school para landiin si Prof. Griffin ulit. Thursday ngayon kaya wala kaming pasok sa kanila, kaya sigurado akong nando'n iyon ngayon ng maaga.

It's already 9:10am and 9:30 ang start ng P.E namin, ayaw kung ma-late dahil baka patakbuhin pa ako ng 5 laps sa gym.

"Saan ka na?" Agad na bungad sa akin ni Saryia nang sagutin nito ang tawag ko.

"Almost there." Sagot ko at mas mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Malapit lang naman kasi ang village namin sa university.

"Alright. Yvette's here already. Hintayin ka nalang namin sa labas ng gym." Sabi naman nito.

"Aight, see you." I bid and end the call.

Nang makarating na ako sa university ay kaagad kong pinark ang sasakyan sa usual parking area ko at mabilis na naglakad papuntang gym.

Naka-PE uniform narin ako at nagdala nalang ng extra clothes para mamayang hapon na klase namin.

Pagkadating ko sa gym ay kaagad kong natanaw si Yvette at Saryia na nag-uusap.

"You're almost late, Shan." Saryia rolled her eyes at me.

I grinned. "I made it on time, didn't I?" I replied before kissing their cheeks.

"Let's go, bago pa tayo patakbuhin ng 5 laps." Wika naman ni Yvette at nauna ng maglakad.

Pagkapasok namin sa loob ng gym ay sakto lang din ang dating ng P.E instructor namin kaya kaagad din kami nitong pinag warm up dahil magv-volley ball daw kami ngayon.

Mabuti nalang ka-grupo ko si Yvette at Saryia.

Pagkatapos ng isang oras na P.E ay isa-isa na kaming pumunta sa shower area para maglinis ng katawan dahil sa pawis.

After cleaning ourselves ay agad nagpaalam si Yvette dahil may shift pa ito sa cafeteria at mamayang lunch pa namin ulit ito makakasabay.

"Tara tambay muna tayo sa office ng future wife ko." Baling naman sa akin ni Saryia kaya sinundan ko nalang ito.

Simula kasi ng landiin nito si Prof. Griffin ay bihira nalang kaming dalawa mag-mall o di kaya tumambay sa cafe hanggang mag lunch. Hindi ko nga alam kung seryoso itong panglalandi niya o ano ba.

"Wala bang pasok si Prof Griffin?" Tanong ko dito habang naglalakad kami sa hallway papuntang office ni Prof Griffin.

"Meron, pero tambay parin tayo sa office niya." Sagot nito na ikinailing ko nalang.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now