Epilogue

24.9K 660 175
                                    

Yvette's

Graduation day.

Katatapos lang ng graduation namin. Sabay kaming tatlo ni Saryia at Shantelle na grumaduate. Nakakuha parin ako ng medal at recognition trophy sa pagiging defending champion ko sa archery.

Nabansagan pa akong 'Queen's Archer' ng Cromwell University.

Hanggang ngayon Cromwell University parin ang defending champion dahil nung nawala ako ng tatlong taon ay pinagsikapan ni Ruelle na magpraktis parati kahit busy ang schedule nito para lamang maipanatili nito ang championship.

It's been a year and a half.

A lot has happened in those months. Saryia and Cleofel got married, and then Mallory and Ruelle. While Shantelle and Charlotte are engaged now.

And me and Xeen? We're getting married next year. I can't wait to be her wife already.

Our twins are 3 and a half years old now. Mas lalo sila naging kamukha ni Xeen, lalong-lalo na si Xarienne na pati ugali ni Xeen nakuha nito. Kaya minsan hindi ko sila pinagsasama ni Cassia dahil baka mas lumala ang attitude nito.

Si Xeivon at si Saphire naman ang parating kakampi ko kapag nai-istress ako sa tatlong may attitude na halos araw-araw ini-stress ako dahil sa ka-malditahan nila.

Andito kami ngayon sa restaurant na ni-rentahan ni Tita Maurice, mommy ni Saryia at Tita Michelle, mommy ni Shantelle.

Dahil matalik na magkaibigan naman kaming tatlo ay pinagsabay na nila ang celebration namin. Medyo marami rin ang pumunta dahil nag-invite din ang mga parents nila ng mga ka-business partners nila.

"Assia, what did I told about rolling your eyes?"

She pouted. "I'm sorry, Ate but that girl is pissing me off." She snorted.

Napatingin naman ako sa babaeng itinuro nito at nakitang nakataas din ang isang kilay nito habang masamang nakatingin kay Cassia.

"Who is she anyway?" I asks.

"The SSG President in our school. Her mother is the dean in your school and a friend of Momsy and Popsy." Sagot naman ni Cassia.

Napatango naman ako saka hinila ng marahan ang damit ni Xeen upang makuha ang atensyon nito.

Mabilis naman lumingon si Xeen sa gawi ko. "Yes, hon?" She asks sweetly.

"Do you know that little girl?" Turo ko sa batang babae na masama pa din nakatingin kay Cassia.

I think she's 2 or 3 years older to Cassia. Nine and a half pa lang si Saphire at Cassia.

"Oh yes, that's Winter Belle." Sagot naman nito. "Why?"

Nakataas na kilay na tinuro ko naman sa kanya si Cassia na masama narin nakatingin kay Winter. "Nag-aattitude na naman kapatid ko." I uttered.

"Assia, sweetie, what's wrong." Xeen asks Cassia.

Mabilis naman lumapit si Cassia sa gawi ni Xeen at niyakap ang beywang nito. "Tita Een, that girl keeps on rolling her eyes at me." Sumbong nito.

"Then roll your e—"

"Clementine Xeen Cromwell, sa labas ka matutulog mamaya. Kung ano-ano tinuturo mo sa kapatid ko at mga anak natin." Pinalo ko naman ang braso nito bago humalukipkip.

See? Kaya mas lalo naging maldita itong si Cassia at Xarienne, eh.

"I'm sorry, Hon, I'm just kidding." Ngisi nito at mabilis akong hinalikan sa labi.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon