Chapter 35

15.1K 566 21
                                    

Shantelle's

"Bansa, wala pa rin si Yvette." Sabi ko kay Saryia habang busy akong nag-aayos ng gamit ko sa aking bag, kinalkal ko kasi ito kanina dahil di ko mahanap ang cellphone ko. Nakalimutan ko na nilagay ko pala sa bulsa ko.

Tuesday ngayon at andito na kami sa loob ng classroom, waiting for Yvette, pero wala pa ito. Hindi naman 'yon nal-late. Limang minuto nalang at tutunog na ang bell.

"May nangyari kaya?" Kinakabahan bigkas naman ni Saryia.

Kung bakit kasi ayaw pa mag cellphone ni Yvette para ma-contact namin siya. Hindi iyong clueless kami kung ano nang nangyayari sa kanya. Kagaya ngayon, hindi namin maiwasan mag-alala because it is so unlikely of her to go to school late.

Ilang sandali pa ay pumasok na 'yong substitute ni Miss Cromwell.

"Wala pa rin Miss Cromwell? Akala ko nakauwi na sila kahapon?" Saryia asked me quietly.

Nagkibit-balikat naman ako dahil ang nasa isip ko ngayon ay si Yvette. Mukhang absent ata ito.

Habang nagsisimula na sa klase si Mrs Maneja ay bigla nalang may kumatok sa pinto kaya napatigil ito sa pagsasalita. Pagkabukas naman ng pinto ay iniluwa do'n si Charlotte bago siya naglakad palapit sa pwesto ni Mrs Maneja at may sinabi rito.

"Rodriguez, Delos Santos, you're excused for today." Narinig ko nalang tawag sa amin ni Mrs Maneja.

Nagtataka naman kami ni Saryia na napatingin kay Charlotte pero tinanguan lang kami nito. Mabilis namin inayos ni Saryia ang aming mga gamit bago naglakad palabas ng classroom.

"Anong nangyayari?" Saryia mumbled.

"I don't know." I sighed.

Kaagad naman kami sinalubong ni Charlotte ng masirado na namin iyong pinto ng classroom. "Ate called me." Halata sa boses nito ang pag-aalala. "It's Yvette." At dahil do'n ay bigla akong kinabahan.

"A-Anong nangyari kay Yvette?" Napansin ko naman ang panginginig ng boses ni Saryia.

"Sinugod sa hospital. Let's go to hospital now." Sagot naman ni Charlotte at nagsimula ng maglakad.

Kahit hindi pa nap-proseso sa utak ko ang sinabi nito ay sinundan ko na lang ito ng lakad patungong parking lot.

Pagkadating namin sa parking lot ay sasakyan niya ang ginamit namin. Mabilis pumasok si Saryia sa likuran habang ako naman ay sa harapan.

"Charl. Bakit dinala sa hospital si Yvette?" Agad na tanong ni Saryia ng makalabas na kami ng paaralan.

"Hindi ko alam, tinawagan lang ako ni Ate at sinabi nitong dinala niya sa hospital si Yvette kasama ang kambal." Sagot naman nito.

Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako. "I-Is she okay?" My voice cracked.

Kinuha naman ni Charlotte ang kamay ko gamit ang isang kamay nito. "I don't know."

Wala ng nagsalita muli sa amin at tahimik na binaybay ang daan papuntang hospital. Mukhang sa Griffin Groups of Hospital ang punta namin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital at basta lang pinark ni Charlotte ang sasakyan niya sa gilid ng emergency entrance.

Mabilis kaming lumabas sa sasakyan at naglakad papasok ng emergency entrance. Pagkapasok namin ay agad namin nakita si Miss Cromwell at Prof Griffin at ang kambal na naka-kandong sa kanila.

"Tita Shans, Tita Sary!" Mabilis bumaba ang kambal sa kandungan nina Prof Griffin at Miss Cromwell saka tumakbo papunta sa amin.

"Shhh." Tahan ko kay Saphire ng buhatin ko ito.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now