Chapter 39

15.7K 589 109
                                    


Nakatulala ako ngayon nakahiga sa kama na parang tangang nakatitig lang sa kisame. Naiinip na ako dito sa mansion ni Miss Cromwell. Magaling na ako pero ayaw pa din ako pagalawin ng mga katulong ni Miss Cromwell.

Kahit man lang sana mag-dilig ng mga bulaklak doon sa harden. O, di kaya tumulong man lang sa pagluluto. Kaumay.

Sumasakit na din utak ko sa kakabasa ng libro. Parang alam ko na nga ang isasagot sa mga exams sa susunod na taon dahil sa pag-aadvanced reading ko.

Mabuti nalang at pwede na akong bumalik ng paaralan sa lunes. Siguro pwede na rin kaming umuwi ng bahay sa linggo. Kailangan ko na rin bumalik sa trabaho dahil paubos na 'yong konting ipon ko na pera.

"Ma'am, ready na po ang meryenda niyo." Rinig kong wika ni Meredith, isa sa mga kasambahay ni Miss Cromwell.

May intercom kasi dito sa kwartong pinahiram sa akin ni Miss Cromwell, dito kami natutulog ng kambal. Dati no'ng kakagising ko pa lang galing sa operasyon ay sa kwarto pa ako ni Miss Cromwell, pero nang medyo gumaling na ako, sinabihan ko ito na kung pwede sa kwarto na ako ng kambal, pumayag naman ito.

Bumuntong-hininga muna ako bago bumangon sa pagkakahiga at bumaba ng kama. "Here goes another food." I mumbled as I marched towards the door.

Parang oras-oras ata nila akong hinahatiran ng pagkain. Napansin ko rin na medyo nagkalaman na ako pati na rin ang kambal dahil nabibigatan na ako noong binuhat ko sila ng isang beses.

Well, siguro dahil hindi pa ako masyadong magaling no'ng binuhat ko sila? Naalala ko, pinagalitan pa ako ni Miss Cromwell dahil hindi pa ako pwedeng magbuhat ng mabigat. Hehe

"Ate Meredith, I'm still full po, mamaya nalang po ako kakain pagdating ng kambal." Wika ko dito pagkabukas ko ng pintuan.

Marahan naman itong tumango saka yumuko. "Sige po, Ma'am. Iinitin na lang po namin mamaya." Sagot nito saka nagpaalam at umalis na.

Kalahating oras nalang din naman at uuwi na rin ang kambal. May body guard naman inutusan si Miss Cromwell para sunduin ang mga ito, minsan naman mga kaibigan ko ang sumusundo sa kanila.

Naisipan ko naman na maglakad-lakad nalang muna sa loob ng mansion ng hindi naman ako parang tangang nag-iisip ng kung ano-anong impossibleng scenario sa loob ng kwarto.

Dinala naman ako ng aking mga paa sa likod ng mansion kung saan may isang malaking puno ng acacia, sa gilid nito ay may isang duyan. Napapalibutan din ang paligid nito ng mga bulaklak, halatang alaga dahil buhay na buhay ang mga ito.

Umupo naman ako sa duyan at pinapakiramdaman ang lamig ng hangin habang lumalanghap ng sariwang hangin.

Patuloy ako sa pag-duyan hanggang sa tiwanag na ulit ako ni Meredith, siya kasi ang personal maid ko daw kuno. Noong una sabi ko na hindi ko naman kailangan kasi hindi naman ako disable person, pero nagpumilit pa rin si Miss Cromwell, kaya wala na akong nagawa. Mabuti na nga lang napapayag ko itong alisin na 'yong dalawang body guards na sunod ng sunod sa akin.

Lumapit sa gawi ko si Meredith, kasama niya ang isa sa mga body guards ng kambal. Nagtaka naman ako dahil dala nito ang bag ng kambal.

"Ma'am, sinundo po ng kaibigan niyo ang mga kapatid mo, sabihin ko po daw sainyo na doon sila matutulog sa bahay nila." Ani ng bodyguard.

"Sinong kaibigan?" Tanong ko.

"Si Ma'am Rodriguez po." Sagot naman nito. "At tsaka pinapa-abot po ito ng guro ng kambal, iabot ko daw po sainyo." May inabot naman itong maliit na puting envelope sa akin.

"Salamat." Pa-salamat ko rito pagkakuha ko ng envelope.

"Walang anuman po, Ma'am." Yumuko ito ng bahagya.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now