Chapter 32

14.8K 575 97
                                    



Mabilis lumipas ang mga araw at patuloy ko parin iniiwasan si Miss Cromwell. Hindi ko nga alam pero parang nahahalata niya na iniiwasan ko siya. Dahil isang beses ay tinawag ako nito pero hindi ako tumalima at binilisan ko lang ang aking lakad at nagkunwaring hindi siya naririnig.

Akala ko nga papagalitan ako nito at ipapatawag sa office niya pero hindi niya naman ito ginawa.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria dahil katatapos lang ng P.E namin, wedneday ngayon. Si Shantelle, Saryia, Ruelle at Charlotte naman ay pumuntang mall dahil may bibilhin daw sila, magkita nalang daw kami mamaya sa cafeteria at afternoon class namin.

Gusto sana nila akong isama pero sabi ko may shift pa ako sa cafeteria. Actually, pwede naman akong um-absent since hindi naman marami ang studyante ngayon sa loob kaso masakit lang talaga tiyan ko pero iniinda ko lang dahil pawala-wala naman ito.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko naman si Prof Griffin. Patuloy lang ako sa paglalakad at babatiin sana ito ng huminto ito sa aking harapan.

"Good morning po, Prof Grifiin." Bati ko dito.

"Good morning, Martinez" Bati nito pabalik at nginitian ako. Yes, hindi na talaga siya strikta sa amin simula noong nagkamabutihan na sila ni Saryia. "I kind of have some important thing to do. Can you give this to Miss Cromwell?" Wika nito at inabot sa akin ang hawak nitong folder.

Bigla naman bumilis ang tibok ng aking puso. "P-Po?" Kay Miss Cromwell? Eh, iniiwasan ko nga siya. "A-Ako po?" Turo ko pa sa aking sarili.

Tumango naman si Prof Griffin. "Yes. Is there a problem, Martinez?"

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi at hindi makatingin ng diretso kay Prof Griffin. "A-Ah k-kasi po may p-pasok pa po ako sa cafeteria." Alibi ko.

Mariin naman akong tinignan ni Prof Griffin bago marahan tumango kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero sandali lang pala iyon dahil nagsalita ulit ito. "Ako na mag-eexcuse sayo sa cafeteria na mal-late ka saglit." Yawa. Walang takas.

"P-Pe... per–"

"Are you okay, Martinez?" Prof Griffin cut me off. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Luh.

"I-I'm okay po. K-Kas—" Potek naman kasi 'yan. Kung minamalas ka nga naman.

"I see. I'm in a hurry. Please, give this folder to Miss Cromwell. Thank you." Wala na akong nagawa ng inabot na nito sa aking kamay ang folder. "There's an important papers inside, don't just give it to anyone." Wika pa nito at naglakad na paalis.

Potek. Balak ko pa naman sana na iutos 'to sa iba. Mukhang wala na talaga akong takas.

Kaya heto ako ngayon sa labas ng office ni Miss Cromwell. Hindi alam ang gagawin kung pipindutin na ba ang intercom o ilulusot nalang sa ilalim ng pintuan ang folder na hawak ko.

Tang-ina naman kasi.

"Okay, heart, behave. You can do it." I muttered under my breath. "Ibibigay mo lang naman tapos aalis ka kaagad. That's it." Pag-aalo ko sa sarili. "It's not like she knows that you're avoiding her anyway." Dagdag ko pa at nagkibit-balikat.

"You look crazy talking to yourself there,"

"Ay, kiki!" Agad akong napahawak sa aking dibdib dahil sa gulat. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran and there I saw Miss Cromwell with her arms crossed, eyebrow raised.

Shit. There goes my heart again, beating frantically. Ang clichè mo naman tumibok, heart.

"Breathe, Martinez." Fucking shit. I forgot to breath again.

Mas lalo ata akong hindi makahinga ng mas lumapit sa gawi ko si Miss Cromwell at marahan hinawakan ang aking kamay bago hinila papasok sa loob ng opisina niya.

"Martinez, breathe." Pag-uulit naman nito. "Inhale. Exhale." Para naman akong aso napasunod sa ginagawa nito.

After a minute ay nagsimula nang maging normal ang aking paghinga. Pero ang puso ko ay nagwawala pa rin kaya hinaplos ko ang aking dibdib.

"Are you okay now?" Kalaunay tanong ni Miss Cromwell ng makita nitong medyo okay na ako.

Marahan naman akong tumango at yumuko, hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Para kasi akong nahihipotismo.

"What are you doing outside my office?" She asked.

Inabot ko naman sa kanya ang folder na ipinabibigay ni Prof Griffin. "A-Ano po, pinabibigay po ni Prof Griffin." Sabi ko.

Oh my gosh. Ang lapit namin sa isa't isa, naaamoy ko na ang pabango nitong nakakahalamuyak. Nauulol na din ba ako sa isang professor kagaya ni Saryia at Ruelle.

Isali na natin si Ruelle dahil isa rin pala ang isang iyon na wagas maka-bakod kay Professor Kim. Bumalik na kasi ulit ito sa pagtuturo dito sa Cromwell University na pinagsisihan pa ni Ruelle dahil maraming umaaligigid dito. Swerte lang ni Ruelle at mataray ang girlfriend niya.

"I see." Kinuha naman nito ang folder sa kamay ko at inilagay sa table niya.

"A-Alis na po ako, Miss Cromwell." Akmang maglalakad na sana ako paalis ng magsalita ulit ito.

"Sit. We're going to talk." Fuck. "You really thought that I didn't notice that you were avoiding me in the past few days." Wala na.

Rest in peace, Yvette Gwen Martinez.

"Sit down, Gwen." Here goes my second name again. It makes my heart beat even more wilder.

"M-May trabah—"

"I don't care. Sit down." Mabilis naman akong napaupo ng medyo tumaas na ang boses nito.

Nakakatakot kasi. Minsan lang siya magtaas ng boses.

"Now, tell me, why are you avoiding me?" She asked sternly.

Napakagat naman ako sa aking labi. Shit. Hindi ako makaisip ng maayos dahil sa lapit niya. At tsaka ano ba naman sa kanya kung iniiwasan ko siya?

"Gwen." Oh my gosh.

"K-Kasi po, nahihiya ako." I lied. "Hindi ko po kasi alam kung paano kita mababayaran sa lahat ng naitulong mo sa amin magkapatid." Sasagad-sagarin ko na ang pagsisinungaling.

"I already told you bef—"

Hindi naituloy ni Miss Cromwell ang sasabihin nito ng biglang bumukas ang pintuan ng office niya at iniluwa doon ang kaniyang manliligaw.

"Love, I miss you." Ani ni tukmol-tuko at lumapit sa gawi ni Miss Cromwell saka binigay ang dala nitong bulaklak at hinalikan ang pisngi nito.

Sa harapan ko pa talaga. Mga salot na lalaki sa lipunan.

Wala naman sa sarili akong napairap at tumayo sa pagkakaupo at mabilis na naglakad palabas ng office ni Miss Cromwell. Not minding her calling my name multiple times. Malakas loob ko ngayon na mag-walked out kasi ano... basta! Ang sakit magselos lalo na kapag wala kang karapatan.

Now this what jealousy is when it comes on liking someone.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon