Chapter 26

15.9K 574 42
                                    


Griffin Group of Hospital

Napatulala akong nakatingin sa pangalan ng hospital ng makarating kami dito. Dito lang naman nila dinala si Saphire sa pinaka-sikat na hospital sa buong bansa.

Griffin.

Shit. Ngayon ko lang napag-tanto na parehas ito ng apelyido ni Prof Griffin. Mukhang alam ko nang sa kaniya ito. Kaya siguro dito kami dinala.

Hindi lang ito pinaka-sikat, ito din ang pinaka-mahal na hospital.

Lumingon ako kay Saryia, katabi ko siyang nakaupo. "Pst. Sary?" Kaagad naman lumingon sa akin si Saryia. "Kay Prof Griffin ba itong hospital?" Pagk-kumpirma ko.

Tumango naman siya na para bang hindi nakakalula ang aking tinanong. "Ngayon mo lang nalaman?"

I gasped. "For real?!"

"Yes. why? Is there a problem?" Tanong naman nito.

Umiling-iling naman ako. "I just can't believe it. I thought she's just an ordinary professor who's working in Cromwell University."

"She's not just a professor, Yve. She's also a business woman, same with Miss Cromwell." Ani nito.

Napatango-tango naman ako sa sinabi nito. Damn. They're filthy rich. I bet that's tiring, like teaching at the same time doing business. Geez

Napukaw naman ang atensiyon namin ni Saryia ng lumabas ang doctor sa emergency room. Andito kasi kaming lahat naghihintay sa labas ng emergency room. Kami nila Shantelle, Saryia, Tita Maurice, Saryia's mom and Charlotte.

Tita Michelle is not here kasi nakiusap ako na iuwi na muna si Cassia dahil nahahalata ko na sa kapatid ko ang pagod at sobrang pag-aalala. Ayaw ko naman na magkasakit ito. Nahirapan pa nga akong pilitin itong umuwi kanina eh.

Habang si Tito Audrick asawa ni Tita Michelle at Tito Mathew asawa ni Tita Maurice naman ay naka-out of country dahil sa trabaho.

Si Prof Griffin at Miss Cromwell naman ay umalis kanina dahil may pupuntahan daw sila kaya binilin kami nito sa mga body guards nila na naka-tuxedo.

Lumapit naman ako sa gawi ng doctor gano'n din ang mga kasamahan ko.

"How is she, doc?"

"We are going to operate her right now. We're done examining her and her new heart for the compatibility." That's one of the reason why GG Hospital is so fucking expensive, they're equipment are more advanced compared to other hospitals. "Hopefully her body will accept her new heart."

"Will she be okay during the surgery, doc?" I nervously asked.

"We can see that she's fighting so I can assure you that there's nothing to be worry about. We are going to do our best, Miss Martinez."

"Maraming salamat po, doc." Pasalamat ko dito.

"Can we see her first before the operation?" Tita Maurice asked.

The doctor nodded. "Of course, in fact she's awake right now and probably looking for you, Miss Martinez."

Pagkasabi no'n ng doctor ay binuksan na nito ang emergency room at pumasok doon kaya sinundan namin ito, maliban lamang do'n sa mga body guards ni Miss Cromwell.

Mabilis ko nilapitan si Saphire at masuyong hinalikan ang noo nito. "Baby, fight for Ate, okay? Huwag ka sumuko ha?" Kausap ko dito.

Tumango-tango lang siya kasi hindi ito makapag-salita dahil sa tubo na nasa bibig nito. Pinahidan ko naman ang luha na naglalandas na sa mga mata nito.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon