Chapter 43

15.5K 575 60
                                    



Nag-iisa akong naglalakad ngayon sa hallway papuntang library para pag-aralan ang magiging quiz namin mamaya kay Mr. Bartolome.

Hindi ko kasama si Saryia at Shantelle dahil ayaw kong maging thirdwheel. Tatambay kasi sila do'n sa office ng jowa nila. Si Ruelle naman ay sa lunes pa ang babalik galing sa ibang bansa, nauna na nga umuwi si Miss Kim dahil may pinaasikaso si Miss Cromwell sa kanya.

Nag-paalam naman na ako kay Miss Cromwell kanina na sa library muna ako tatambay para mag-aral, hindi ko kasi nadala ang cellphone na binili nito para sa akin. Nakakalimutan ko kasi minsan lalo na't di pa rin ako sanay.

Sabi naman nito na ipapatawag niya na lang ako kapag may ipapagawa ito sa akin.

Habang naglalakad papuntang library ay napapansin ko naman ang bulong-bulongan ng mga studyante habang may pinapanood sila sa cellphone nila.

"I told you that's her."

"She looks like a crazy person here."

"Seems like the rumors about her before being a slut were true."

"She's a pyscho why is she here?"

"She should be expelled."

"How dare she treat the queen like that."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa kanila. Mukhang may bago na naman silang pinagch-chismisan.

Oh well, labas na ako diyan. Makiki-chismis nalang ako mamaya kila Shans at Saryia. #marites

Nang makarating na ako sa library ay nagtungo agad ako sa pinakalikod na aisle, doon ang usual area namin nina Shantelle at Saryia dati kapag nag-aaral kami o di kaya kapag gusto matulog ni Shantelle dito.

Habang patuloy ako sa pagbabasa ay bigla nalang lumitaw sa Andrew sa aking harapan habang humihingal, may dala din itong cellphone.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita pagkatapos ng pag-uusap namin last time.

"Andrew, are you okay?" Tanong ko dahil bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Imbes na sagutin ako ay inabot lang nito sa akin ang cellphone niya at may pinindot na video at pinanood ito sa akin.

And there I saw it, it's me... my clothes were full of blood, my hair's disheveled, I look like I was in deep pain as I was screaming hysterically.

I do look like a crazy person who ran away from mental hospital.

When was this? Why can't I remember this? Oh my god— I remember that clothes. This was the time I've been suffering from my stomach ache. So, ito iyong sinasabi ng doctor at ng mga kaibigan ko na nakalimutan ko.

Don't tell me ako ang pinag-uusapan ng mga studyante?

Fuck.

Hindi ko namalayan na may luha na palang lumalabas sa aking mata, bigla ko nalang din nabitawan ang cellphone ni Andrew at nagsimula manginig ang aking katawan.

"Yve..." May pag-aalalang bigkas ni Andrew. "Your body's trembling."

"That's her," Napatingin ako sa isang studyante na nagsalita at tinuro ako nito gamit ang kaniyang hintuturo. "That's the psycho girl in the video." She grimaced.

"Why is she here?!" Asik naman ng isa pang studyante. "She should be expelled."

"What she did is embarrasing." Nandidiring sabi pa ng isang studyante. "She's ruining the reputation of this university."

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang marami ng studyante ang nakatingin sa gawi namin ni Andrew, halata sa mukha nila ang panghuhusga.

Naging maingay na din sa loob ng library.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon