Chapter 12

15.2K 535 56
                                    

Shantelle's

She's really familiar.

Charlotte...

"Mind If I sit here?" Nakangiting tanong nito sa akin na para bang kanina ay hindi nandidilim ang mukha nito habang nakatingin kay Yvette.

I smiled politely. "Ofcourse not," I replied.

"Thank you." Pasalamat naman nito at umupo na sa upuan katabi ko.

Bumaling naman ang tingin ko kay Yvette at nakatingin din ito sa akin at napapalunok pa. "Bakit sa'yo nakangiti tapos sa akin parang ililibing na ako ng buhay?" Bulong naman nito sa akin.

"Kilala mo ba siya? May nagawa ka ba sa kanya?" Bulong ko rin pabalik habang nasa harapan na ang tingin dahil nagsisimula nang magturo si Prof. Griffin.

Umiling naman si Yvette. "Ngayon ko lang siya nakita sa tanan buhay ko. Swear!" Napalakas naman ang boses ni Yvette kaya napatigil sa pagtuturo si Prof. Griffin.

"Is there a problem, Martinez?"

Nagulat naman si Yvette at namumulang yumuko. "W-Wala po, Pro—"

"Impossibleng wala, when you keep on bugging Miss Delos Santos here." Nanlaki ang mata namin ni Yvette ng biglang sumabat itong babaeng naki-sit in.

Tsaka paano niya nalaman apelyido ko.

Tinignan ko naman siya ng masama dahil sa pamimimtang nito pero nginisihan niya lang ako. Problema ba ng babae na 'to. Nagsisisi na akong pinatabi ko siya sa amin.

Akala ko naman kasi mabait ito dahil todo ngiti siya sa harapan nang pinakilala ito sa amin ni Prof Griffin kanina. Demonyeta pala. Cromwell nga.

Ipagtatanggol ko na sana si Yvette ng magsalita ulit si Prof Griffin. Wala ata ito sa mood ngayon dahil kanina pa masama timpla ng mukha niya. I mean, araw-araw naman itong stoic lang ang mukha pero mapapansin mo parin kapag bad mood talaga ito.

"I don't tolerate that in my class, Martinez. Go bother someone outside my room. Get out!" She said sternly to Yvette while pointing the door.

Nakita ko naman na napakagat ng labi si Yvette at parang naiiyak dahil ayaw na ayaw talaga nito ang napapagalitan. Tumayo ito at kinuha ang kaniyang bag bago mabilis na lumabas ng classroom.

"What the fuck." Mahinang mura ni Saryia at masamang nakatingin sa babaeng dahilan kung bakit napalabas si Yvette.

Bumaling naman ang tingin ko kay Charlotte at nandidilim ang mukhang tinignan ko siya.

"What the hell did you do, you fucker." I hissed.

Instead of being scared she just smirked at me. "Can't remember me? I see."

Naguguluhan naman akong napatingin dito. Ano daw?

"Damn. Everything in you enticed me." She said that made my eyes widen.

"You enticed me."

Shit. She's that girl from the bar!

"What the fuck?!" Hindi ko na mapigilan mapasigaw at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Charlotte.

That weirdo girl?!

"Delos Santos!" Oh shoot. "Get out!" Mukhang sirang-sira na ata ang araw ni Prof Griffin ah.

Hindi na ako sumagot at kinuha lang din ang aking bag. Susundan ko nalang si Yvette. Nag-aalala din ako do'n, mabuti nalang at napaalis ako.

"Tang-ina!" Nagtataka naman akong napatingin kay Saryia ng bigla itong magmura at kinuha rin ang kaniyang gamit.

"What are you doing?" Takang tanong ko dito.

Saryia hissed. "Wala ako sa mood. Let's go find Yvette."

Tumango lang ako at nagsimula ng maglakad palabas. Nakasunod lang naman sa akin si Saryia. Himala ata at hindi man lang siya pinagalitan ni Prof Griffin at hinayaan lang lumabas kasama ako.

What's with them.

"Library na tayo diretso. For sure do'n na 'yon tumambay dahil mamayang 3pm pa naman archery practice nila." Sabi ko kay Saryia ng makalabas na kami ng classroom.

Tumango lang siya at hindi na sumagot pa. Wala talaga sa mood.

"Akala ko ba gusto mong tinititigan si Prof Griffin? Bakit naman sumama ka pa sa akin palabas?" Takang tanong ko dito habang naglalakad papuntang library.

"Naiinis ako. Una hinawakan niya 'yong beywang nang bwesit na babae na 'yon na nagpahamak kay Yvette." Inis na turan nito at napakamot pa sa kanyang ulo.

"Selos? May kayo?" Asar ko naman dito.

Saryia just rolled her eyes at me. "She's mine only." Her jaw clenched. "Pangalawa, pinagalitan niya si Yvette without hearing her side."

Napatango naman ako. "Mukhang close silang dalawa ah."

"Pake ko." Saryia hissed. "Akin pa rin si future wife, kahit nagtatampo ako sa kanya." Marupok ang bruha. Yawa.

"Hoy! Tigilan mo. Tampo-tampo ka. Impossibleng susuyuin ka no'n. Baka bigyan ka pa ng sinco, eh."

Nagkibit balikat naman ito at ngumisi. "Much better. Magkikita ulit kami next year." Ay hala nabaliw na nga talaga.

Natatawa nalang akong napapailing sa sinagot nito.

"By the way, I heard what that bitch said to you," Bumaling naman ang tingin ni Saryia sa akin. "Do you know her?"

I sighed and nodded. "She's that weird girl I told you about when we hang out in the club. Remember?"

"Eh?!" Di makapaniwalang bulalas nito. "Why is she here? At kapatid pa talaga ni Miss Cromwell?!"

Kahit ako hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito. Ayaw ko naman mag-assume na stalker ito dahil sa kanila naman itong paaralan.

"I don't know..." I trailed off. "Maybe because her sister own this school?" Di siguradong sagot ko.

"Make sense." She nodded. "But still, what she did to Yvette is not right!" Bakas parin sa boses nito ang galit.

Kahit ako rin. Never pang napalabas si Yvette at napagalitan dahil pokus na pokus talaga ito sa pag-aaral dahil ayaw niyang masira ang scholarship nito.

Dahil sa pag-uusap namin ay hindi namin namalayan na andito na pala kami sa library. Marahan kaming pumasok at naglakad sa may bandang pinakalikod na shelf kung saan ang usual spot namin mag-barkada kapag pumupunta kami dito para mag-aral.

Kahit baliw kami ay nag-aaral pa rin naman kami. Lalo na't si Yvette ang tutor namin. Hehe

At hindi nga ako nagkakamali dahil agad ko nakita si Yvette na may hawak na libro pero hindi naman iyon nakabukas. Nakatulala lang siyang nakatitig doon habang tumutulo ang luha sa mga mata nito.

Mabilis naman kaming lumapit sa kanya ni Saryia. "Hey, hey, we're here. It's okay." Tahan ko dito at hinahagod ang kaniyang likod.

At hindi na nga ito napigilan at humikbi na siya habang nakayakap kay Saryia. "May nagawa ba ako sa kanya?" Garalgal na boses na tanong nito sa amin.

"What Prof Griff—"

Yvette cut Saryia's off. "No, not her. That girl, Charlotte." Oh, akala ko pa naman umiiyak siya dahil kay Prof Griffin.

"What about her?" I asked.

"I'm scared." Mas lalo naman itong umiyak.

Mas lalo naman akong nainis sa babaeng 'yon dahil pinaiyak niya ng ganito si Yvette. Eh, hindi nga namin ito pinapaiyak sa lungkot. "Don't be. I'll protect you from her."

"She's a Cromwell, baka mawala s-sa..." Huminto ito sa pagsalita at pinahid ang kaniyang luha pero patuloy parin ang pag-agos nito. "B-Baka mawala ang scholarship ko."

Saryia hissed. "I won't let that happen."

"Let's ta—"

Naputol naman ang sasabihin ko ng may biglang malamig na boses na nagsalita na hindi namin namamalayan na nasa harapan na pala namin.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon