Chapter 5

16.5K 598 51
                                    



"Yve, pinapatawag ka ni Miss Cromwell sa office niya."

Rinig ko naman sabi sa akin ng kaklase ko pagkatapos ng klase namin ngayon kay Prof Bartolome.

"Okay, thank you!" Pasalamat ko dito. Tumango naman ito bago lumabas na ng classroom.

"Guys, una na kayo, pinapatawag daw ako ni Miss Cromwell. Tsaka may practice din ako ng archery dahil malapit na rin ang tournaments." Paalam ko sa dalawa kong kaibigan.

Inakbayan naman ako ni Shantelle. "Sus. Kahit di ka mag-practice yakang-yaka mo naman 'yan!" Proud nitong bigkas.

"I second." Segunda naman ni Saryia.

"Long bow ako, baka nakakalimutan niyo." Paalala ko naman sa kanila.

"Hoy. Kahit Recurve, Compound at Barebow pa 'yan alam namin na easy lang yan sayo. Duh!" Pagtataray naman ni Shantelle.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"Sige na, baka mainip sa paghihintay si Miss Cromwell."

"Alright, see you tomorrow." They bid.

Kaagad naman ako naglakad kung nasaan ang office ni Miss Cromwell, malapit lang ito at alam ko kung nasaan ito dahil noong araw na pinahiram niya ako ng ballpen ay pinuntahan ko siya sa office niya dahil medyo hapon na rin iyon kaya alam kong nasa office na ang lahat ng professors.

Pagkadating ko sa office niya ay kaagad kong pinindot ang intercom na nasa labas nito at sinabi ang aking pangalan.

"Come in." She command in a cold voice through the intercom.

Pumasok naman ako kaagad ng marinig ko iyon. Agad naman nagsalubong ang mata namin pero umiwas din ako kaagad dahil para ata akong aatakihin sa puso sa lamig ng mga mata nito. Nakayuko naman akong naglakad palapit sa table nito.

"Sit down." Utos nito kaya mabilis akong umupo.

Hindi ko naman maiwasan kabahan dahil hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag. Unang beses ko pa lang nakapasok dito dahil noong unang beses na pumunta ako dito ay iyong binalik ko ang ballpen niya pero hindi na ako nakapasok dito sa loob kasi sakto din na paalis na rin ito.

"You're sweating." Ang tipid talaga nito magsalita kapag nasa labas na ng classroom.

Agad ko naman pinahiran ng aking palad ang aking noo ng maramdaman ko ang pawis doon. Kapag talaga kinakabahan ako ay di maiiwasan na magpawis ako.

Nakakahiya.

"Here."

Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang adidas na paper bag sa mesa nito na ipinagtaka ko.

"Pa– para saan po iyan, Miss?" Tanong ko. Alam ko na sapatos ito pero di ko pa rin maiwasan magtanong.

"Yours." Potek, napakatipid.

"P–po?" Di ko naman maiwasan mautal at magulat dahil sa sinabi nito.

She rolled her eyes before pushing the paper bags towards my direction. "Use that. And you may go now."

"Miss you don't have to. Malapit na po sah—"

"Just go." Putol naman nito sa sasabihin ko.

Wala akong nagawa kundi kunin ang paper bag sa mesa nito dahil baka bigla ito maging dragon sa harapan ko mahirap na.

I sighed and pouted. "Thank you, Miss." Pasalamat ko dito at naglakad na paalis ng office nito.

Panigurado akong mahal ito, sa brand pa lang.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon