Chapter 22

14.4K 507 8
                                    

Today is the day.

Tournament na namin. Nagsimula na ang sport fest. Andito na ako ngayon sa field kung saan gaganapin ang kompetisyon. I looked around the field and saw all my opponents from other school whose warming up right now.

Tinignan ko sila isa-isa at pinag-aralan kung paano sila pumana. Makikita ko naman sa mga mukha nila ang determinasyon para maipanalo ang laro.

I sighed and smiled bitterly as I've remember what I need to do; lose this game.

Napatingin naman ako kay Lily at Andrew, nagw-warm up na rin sila. Makikita ko din sa mga galaw nila ang pagiging balisa.

"Aren't you going to warm up, too?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang isang babaeng may bangs at may suot rin na archery gears. She looks like a barbie.

Naka-archery gears siya, baka opponent rin namin.

"Tapos na." Tipid na sagot ko. Wala talaga ako sa mood makipag-usap kahit kanino.

"Practice?" Umiling naman ako at itinuon ulit ang atensiyon sa mga players na nagp-practice at warm up.

"You don't remember me?" Nagtataka ko naman siyang tinignan nang sabihin niya iyon. Remember her? Eh, ngayon ko nga lang siya nakita.

Hindi ko rin maalala na nakalaban ko sa siya in the previous years. So, I don't really have any idea of who she is.

Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya at hindi sinagot ang tanong nito kaya napatawa ito ulit. "I'm part of the archery team in Cromwell University."

Nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya. "Eh?!" Bakit di ko siya maalala, tsaka— "Ohh. Iyong player na homeschooled."

Never ko kasi siyang nakita kasi sa tuwing may tournament at kompetisyon ay hindi talaga ako nakikisalamuha kahit sa pagkuha na rin ng mga awards namin. Naka-pokus lang ako sa paglalaro at maipanalo ito.

But I do know her name, it's Ruelle Kavya Park and I've heard that she practice at her house with the professor from Cromwell also, hindi ko lang maalala ang pangalan.

"I do know your name." Kalaunay sabi ko dito. "But, I don't know who you really are." Kibit balikat na dagdag ko at binalik ulit ang tingin sa harapan.

"Actually, I'm one of your admirer. Ang galing mo sa archery." She hummed. "You inspired me to do better."

Hindi ko alam pero namula ako sa sinabi nito, hindi ko akalain na may mag-aadmire pala sa akin.

"Uyyyy. Are you blushing?" Asar naman nito at sinundot ang tagiliran ko kaya napaupo ako ng matuwid.

Feeling close amp.

"S-Shut up!" Asik ko naman dito. "Am not!"

Tumawa naman ito at umiling-iling. "It shows in your face, Gwen."

"You know me?" Turo ko naman sa sarili ko.

"Of course. Ikaw lang naman ang di nakakakilala sa akin. Like what I said, You inspired me." Sagot naman nito. "I can't wait to see you play later."

Bungad sa sinabi nito ay napaiwas agad ako ng tingin at napa-buntong hininga. Nag-guilty ako.

"Hey, what's wrong?" Parang napansin naman nito ang pagbabago ng aking mood. "Are you nervous?" She trailed off. "But that's impossible, I've never seen you nervous every tournament. All I see in you is pure determination to win the game."

That's true though. I was never nervous in every game.

"Are you my stalker?" Ngumiti naman ako dito ng pilit para maiba ang usupan.

She laughed. "Am not. Your skills is just so admirable. That is why you piqued my interest to know you more."

Akmang magsasalita na sana ako ng may lumapit na isang babae and based on her outfit, she's a coach... from Cromwell?

I've never seen her before or maybe I just really don't care about my surroundings when I'm in Cromwell University.

"Seems like you're having fun, Kavya?" Walang emosyon itong nakatingin sa katabi ko. Napansin ko rin nawala na iyong ngiti sa mga labi niya habang kinakausap niya ako kanina.

Napalunok naman ito at tumawa ng pilit? "Well, who wouldn't be when I already have the chance to talk to Gwen."

"Gwen?" And here's my coach... Miss Cromwell.

Umiwas ako ng tingin dito ng mariin itong nakatingin sa akin. Takot akong salubungin ang mga titig niya dahil mas lalo lang akong nag-guilty sa aking gagawin.

"Yes, Miss Cromwell, Gwen." Itong katabi ko pala ang kausap niya.

"I know her. Didn't know you guys knew each other?" May nahihimigan naman ako sa boses niya na hindi ko mawari kung ano.

Ruelle... I'll just call her Ruelle. "Oh no. Actually she doesn't have any idea about me." Sagot naman ni Ruelle kay Miss Cromwell.

"Kavya, start practicing now."

Tumayo naman si Ruelle sa tabi ko at nginitian ako bago lumapit do'n sa babae. I feel like she is her coach?

Parang napansin naman ni Ruelle ang tingin ko do'n sa kasama niya kaya agad niya itong pinakilala sa akin. "Hey, Gwen. This is Mallory Alora Kim." Tukoy niya sa babae. "A professor in Cromwell and my personal coach."

I knew it. Sana all nalang may personal coach. I just didn't know that she's a professor in Cromwell. Hindi ko kasi siya nakikita do'n.

"If you're wondering... She's also my professor at home."

Tumango-tango naman ako.

"Good morning po, Miss Kim." Inabot ko ang aking kamay do'n sa coach ni Ruelle. Inabot niya naman ito pero agad din binitawan.

"Martinez, time for you to practice now." Nabaling naman ang tingin ko kay Miss Cromwell na nasa gilid ko na.

"Yes, Mi—"

"Even if you don't practice, I know you'll ace the game, Gwen." Proud na proud na bigkas ni Ruelle.

Napayuko naman ako at napakagat sa aking labi dahil naiiyak ako. Alam kong mad-disappoint ko sila mamaya.

"You know her that much, huh?" Hindi ko alam kung sarcastic tone ba 'yon o ano ng magsalita ang coach ni Ruelle.

"Of course, she's my inspiration why I'm here in the first place. I admire her." Napatingin naman ako kay Ruelle at nakita ko itong nakatitig sa akin at parang nagniningning pa ang mga nito habang nakatingin sa akin.

I'm pretty sure that admiration will fade later for I am going to lose the game.

"Hey, Gwen! I hope this time you'll watch me play." Hinawakan naman nito ang kamay ko at pinisil-pisil.

Never ko pa talaga siya nakitang maglaro kasi hindi talaga ako nanonood kapag labanan na. Pino-pokus ko lang ang sarili ko sa pagmumuni-muni at kung sisipagin din mag praktis.

I nodded. "Good luck, Ruelle. I'm rooting for you."

Napangiti naman ako ng makita kong namumula ang dalawang pisngi nito. Pero agad din napawi ang ngiting iyon ng makita kong naniningkit ang mga mata ng kanyang coach habang nakatingin sa kanya.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now