Chapter 29

15K 544 31
                                    


Andito ako ngayon sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Miss Cromwell. Hinihintay ko siya para ibigay itong Hello na chocolate at may nakalagay na "Happy Birthday!" sa likod.

I accidentally heard Prof Griffin earlier greeting Miss Crowmwell a happy birthday.

Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko bigyan ito ng regalo. Pasasalamat na rin sa mga naitulong nito sa akin, lalo na sa mga kapatid ko. At dahil wala akong pera, itong Hello na chocolate nalang ang naisipan kung ibigay.

Actually, nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko pa ba ito o hindi na dahil nahihiya rin ako na ito lang ang kaya kung ibigay.

Akmang itatago ko na sa aking bulsa ang chocolate at aalis nalang sana ay saka naman dumating si Miss Cromwell.

"Are you waiting for me?" She asked, one eyebrow raised.

Natataranta naman ako dahil sa uri ng tingin na ipinupukol nito sa akin. Mas lalo akong nahihiyang ibigay sa kanya itong chocolate.

"Martinez?" Tawag ulit nito sa akin.

At dahil sa labis na pangamba, nagsisimula narin manginig ang aking mga tuhod. Bumibilis na rin ang tibok ng aking puso.

Wala sa sariling hinawakan ko ang isang kamay nito at inilagay doon ang chocolate. "H-Happy Birthday po, Miss Cromwell." Mabilis na bati ko sa kanya at agad din tumakbo palayo dahil nahihiya ako sa magiging reaksyon nito.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makalabas na ako ng paaralan. Kaagad akong napaupo sa waiting shed dito sa labas dahil hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking tuhod.

Ilang minuto din akong nakaupo doon ng maisipan na umuwi na dahil malapit na rin mag gabi at kailangan ko pa sunduin ang kambal sa bahay nila Shantelle dahil sila ang nagsundo nito kanina at na-miss daw nila ito.

Bumalik na kasi sa pag-aaral si Saphire at minsan nalang din sila nakakapunta sa bahay nila Shantelle at Saryia dahil parehas naman busy ang mga magulang nila.

Nang may nakita akong jeep na dadaan sa village nila Shantelle ay kaagad ko itong pinara at sumakay na. Ilang minuto din ang naging biyahe bago ako nakarating sa village nila Shantelle.

"Ma'am kayo po pala, wait lang po tatawagan ko lang po si Miss Delos Santos para ipaalam na nandito na po kayo." Bati naman agad ng guard dito sa village nila Shantelle. Kilala na ako dito dahil narin pumupunta kami dito ng kambal madalas.

"Maraming salamat po, kuya!" Pasalamat ko dito at umupo muna sa may waiting shed dito sa gate ng village. Hindi kasi sila basta-basta nagpapasok.

Ilang sandali pa ay lumabas na ulit si kuya. "Ma'am papunta na po daw driver nila dito." Wika nito sa akin.

Tumango lang ako dito at nagpasalamat ulit sa kanya.

Nang makita ko na ang sasakyan ng driver nila Shantelle ay agad na akong tumayo at sumakay na dito nang huminto ito sa tapat ko.

"Magandang hapon po, Ma'am." Bati sa akin ng driver nila Shantelle.

Ngumiti naman ako dito. "Magandang hapon din po, kuya Paolo."

Kaagad naman pinaandar ni kuya Paolo ang sasakyan ng makita na komportable na ako sa pagkakaupo. Ilang sandali lang kaming nag biyahe at dumating na kami sa bahay ni Shantelle.

Bumaba na rin agad ako sa sasakyan pagkatapos ko pasalamatan si kuya Paolo.

"Magandang hapon po, Ma'am." Bati sa akin ng isa sa mga kasambahay ni Shantelle ng makapasok na ako sa loob ng bahay. "Nasa pool area po sila Miss Shantelle po." Sabi nito sa akin.

Nginitian ko ito at binati rin pabalik bago ito sinundan papunta sa pool area kung nasaan sila Shantelle. Nang makarating na kami doon ay iniwan din niya agad ako.

"Ateee!" Sigaw ng kambal ng makita nila ako bago patakbong pumunta sa akin at sinalubong agad ako ng yakap.

Nakita ko naman na parang may nilagay na protection plastic sa dibdib ni Saphire upang hindi ito mabasa at ma-infection. Magaling na ang sugat nito pero kailangan pa rin maka-sigurado.

"Did you guys have fun?" Tanong ko sa kanila pagkatapos kung halikan ang kanilang mga noo.

Tumango naman sila. "Yes po." Sabay naman nilang sagot.

"Hey, Yve. Come here!" Tawag naman sa akin ni Shantelle kaya kagaad akong pumunta sa pwesto niya at umupo katabi nito pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi.

"Anyway, since tomorrow is saturday why don't you guys have a sleep over here?" Masayang wika nito at pumapalakpak pa.

"Yeyyy! Please, Ate!" Sigaw naman ng kambal habang naglalaro na sa mini pool.

Minsan kapag pumupunta kami dito ay pinapayagan ko talaga maligo sa pool ang kambal dahil minsanan lang din sila nakakaligo ng swimming pool. May mga kaunting damit naman kami dito. Parents ni Shantelle ang bumili dahil minsan talaga ay nag-aaya itong si Shantelle ng sleep over, kagaya nalang ngayon.

Actually may kwarto din kami dito dahil dati nga gusto ng parents ni Shantelle na dito na kami tumira pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko naman maging unfair sa parents ni Saryia dahil gusto din nila na doon kami tumira sa kanila. At para iwas tampuhan ay parehas ko silang hinindian.

"Okay, Jesse! Pakiayos ng kwarto nila dito." Wika ni Shantelle sa kasambahay na nagbabantay sa kambal habang naliligo sa pool.

"Pala-desisyon yan?" Asik ko dito.

"As if naman may magagawa ka pa." Bumelat ito at tumawa.

Napairap nalang ako at napailing.

"Thank you, I love you, Tita Shans!" The twins said in unison.

"I love you both muah!" Sagot naman nito sa kambal at nag flying kiss pa.

Spoiled na spoiled talaga ang kambal sa kanilang dalawa ni Saryia.

"Wait me here, I'll just call bansa." Tumayo ito at naglakad na papasok ulit ng bahay nila.

Kapag may sleep over kami ay dapat kaming tatlo talaga ang magkakasama. Kaya kapag doon kami sa bahay ni Saryia nag-oovernight ay si Shantelle naman ang pumupunta doon, at kapag dito naman ay si Saryia ang pumupunta dito at sinusundo lang ng driver nila Shantelle. Tsaka hindi naman magkalayo ng bahay si Shantelle at Saryia dahil magka-village lang sila. Nasa may west side lang ang bahay ni Saryia.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Shantelle na may nginunguya ng chocolate. Bigla ko tuloy naalala iyong ginawa ko kanina dahilan ng pag-init ng dalawa kung pisngi.

"Hoy, bakit ka namumula diyan?" Natatawang wika ni Shantelle at naupo na ulit sa tabi ko.

Inirapan ko naman ito para itago ang pamumula sa aking pisngi.

"Anyway, bakit hindi mo inimbitahan si Charlotte?" Tanong ko.

"Birthday ngayon ni Miss Cromwell kaya may family dinner daw sila." Oo nga pala. Minsan talaga nakakalimutan kong Cromwell si Charlotte. Ang layo kasi ng ugali nila ni Miss Cromwell, eh. Siguro dahil narin sa kaibigan namin siya.

Akmang sasagot sana ako ng biglang dumating ang magulang ni Shantelle.

"Oh, hija! Mabuti naman at napadalaw kayo." Salubong sa akin ng mama ni Shantelle.

Tumayo agad ako at niyakap silang dalawa ni tito. "Magandang hapon po, tita, tito." Magalang na bati ko sa kanila.

Binati naman nila ako pabalik pagkatapos halikan ang aking pisngi.

"Momsy, Popsy!!!" Sigaw naman ng kambal ng makita nila ang parents ni Shantelle. Nagmamadali silang umahon sa mini pool at sinalubong ang mag-asawa ng yakap at halik.

Napangiti nalang ako dahil kahit naman na hindi kami mayaman ay may mga tao parin na tinuturing kaming pamilya.

Kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong kagaya nila Saryia at Shantelle. Kung wala sila hindi ko alam kung makakaya ko bang buhayin ang kambal. Malaki rin ang naitulong nila sa amin.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon