Chapter 10

16.3K 600 40
                                    



"Shh. Ingay talaga ng bunganga mo kapag kumakain." I heard Shantelle's voice. Parang may kaaway ito.

I lazily opened my eyes and there I saw Saryia and Shantelle eating while having an argument.

"Pake mo ba, ga—" Saryia didn't finished her sentence when saw me looking at them. "Oh my! You're awake!" Binitawan nito ang kinakain na burger at mabilis na lumapit sa gawi ko.

"You made us so worried!" Sumunod naman agad si Shantelle.

I sheepishly smiled. "I'm sorry, guys:" Hingi ko ng tawad sa kanila.

They groaned in responsed.

"Pasalamat ka at may sakit ka kung hindi kanina pa kita sinapak." Irap naman ni Shantelle.

"I feel better now." Nginitian ko naman sila. "Ano pala sabi ng nurse?" Kalaunay tanong ko naman.

Mas okay na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kanina at kagabi. Hindi na rin masyadong masakit ang braso ko na nadaplisan dahil naka benda na ito.

"Kaya ka ni lagnat dahil nagka-infection 'yang sugat sa braso mo. Mabuti nalang naagapan agad." Sagot naman ni Saryia. "Nakakatampo ka, hindi ka man lang nagsasabi sa amin, paano nalang kung malala pa diyan ang nangyari sa'yo, ha?!"

Napa-buntong hininga naman ako. "I'm sorry, balak ko naman talaga sabihin sainyo. Kaso naunahan ako ng takot." Pag-hingi ko ng tawad sa kanila.

"You made us so worried, please don't do it again next time, okay?" Hinahaplos naman ni Shantelle ang buhok ko ngayon.

I nodded. "I promise."

Saryia smiled. "Good, good."

Niyakap nalang nila akong dalawa ng marahan at kumalas din agad. Bumangon naman ako para mapaupo dahil sumasakit na likod ko sa pagkakahiga.

"WHAT?! MALAPIT NA MAG ALA-SINGKO?!" Sigaw ko ng bumaling ang tingin ko sa orasan dito sa loob ng clinic ng paaralan. Gano'n ba ako katagal nakatulog! "Oh my god! Mga kapatid ko!" Bababa na sana ako sa kama ng pigilan ako ng mga kaibigan ko.

"Hey, relax. Pinasundo ko na sila sa driver ko." Wika naman ni Shantelle. "They'll be here, any minute from now."

Nakahinga naman ako ng maluwag at napasandal sa pader.

"As if talaga makakalimutan namin kapatid mo." Saryia giggled.

"Hehe. Thank you guys!"

"Anytime."

"No problem."

They said in unison.

Pagkatapos ay sinabihan na nila ako kung ano ang kailangan kong gawin para mabilis gumaling ang sugat ko at ibinigay na din nila ang gamot sa akin na bigay ng nurse.

Dahil nagugutom na rin ako ay bumaba na ako ng kama at kumuha na ng pagkain sa mesa kung nasaan nando'n na si Saryia at Shantelle na nakaupo.

"Dami nito, ah." Aniya ko at kumuha ng french fries.

"Libre ni Miss Cromwell." Sagot naman ni Shantelle kaya di ako makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Eh? Totoo?" Napatingin naman ako sa gawi ni Saryia.

Tumango naman ito. "Akalain mo 'yon? All we thought that she's a heartless prof—"

"Who's heartless, Rodriguez?" Agad na bulunan si Saryia at di nito natuloy ang sasabihin ng bigla nalang sumulpot si Miss Cromwell, kasama nito si Prof Griffin.

Uubo-ubo naman nitong inabot ang milktea sa mesa at mabilis na ininom. Habang kami naman ni Shantelle ay nagpipigil matawa dahil sa kalagayan ngayon ni Saryia.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon