Chapter 20

15.6K 561 29
                                    


Fourth day na ngayon ng foundation day and so far ay wala nang humahabol sa amin na mga SC Officers, which is a good thing.

Hindi naman sa Killjoy kami, ayaw lang talaga namin sumama sa taong alam naman namin na babastusin lang din kami sa huli. Nadala na ako nung foundation day noong freshmen pa alang ako dito. Binully lang ako ng taong nag-bayad ng malaki. Akalain mo 'yon? Sila lang 'yong tanga na magbabayad ng malaki para lang ma-bully ang isang tao. Pfft.

That's why every foundation day as much as possible ay nagtatago talaga kami. Ako lang naman ang binubully kaso trip ako sabayan ng dalawa kong kaibigan sa pagtago para na rin daw ma-protektahan nila ako.

Fourth day na at ngayong araw ay pwede na isali ang mga pangalan ng professors na ilista sa kahit anong booth. At dahil kasali na ang mga professors, umabot na ng almost 500k ang bayad.

Sheesh. Ang yayaman talaga. (wattpad universe.)

And that's also the reason why Saryia's giving us a bag-pack full of money. Like, thousands of money. Her reason? Well, if ever daw na makita namin na mahuli si Prof Griffin ng SC Officers ay bayaran daw namin ito para lang hindi ito mapunta sa iba.

Ganyan siya kabaliw do'n sa tao.

Now I know the reason why she doesn't want to waste her money unang araw pa lang ng foundation day. May pinag-iipunan pala.

Napaka-selosa.

I think I was carrying at least a million of money right now. Crazy right? Meron din dala si Charlotte at Shantelle. Ganyan kayaman ang isang Saryia Jade.

"Hindi ko pa nakikita future wife ko, baka naman nakuha na ito ng SC Officers at nakipag-date na sa iba." Humalumbaba naman si Saryia sa mesa at pumadyak-padyak pa ang mga paa nito.

"Bitch, Prof Griffin is a professor. SHE. IS. A. PROFESSOR." Shantelle rolled her eyes at Saryia. "Therefore, she can pay if some SC Officers will cuffed her. Dimwit!"

Oo nga, actually naisip ko din yan kanina eh, pero itong si Saryia ay ayaw parin paawat kaya wala kaming nagawa.

Hindi naman pinansin ni Saryia ang pagtataray ni Shantelle at tumayo na sa pagkaka-upo. "Still. Maghiwa-hiwalay na tayo baka sakali makita natin." Bagkus ay wika nito. Wala din kasi si Prof Griffin sa office niya noong pumunta kami doon kanina.

"Kung bakit ba kasi hindi ka nalang magbayad din doon sa 'date booth' para kayo ni Prof Griffin ang magka-date, o makasal or whatever booth na 'yan." Sabi ko naman dito.

"No way. Ayaw ko siyang yayain ng date dito sa loob ng paaralan ano, no way." Sagot naman nito at humalukipkip. "At tsaka ayaw ko ng peke na kasal." Dagdag naman nito at sumimangot.

Napabuntong-hininga nalang si Shantelle. "Pasalamat ka talaga mahal kitang hayop ka."

"Mahal din kita. Thank you! Mwah." Sagot naman ni Saryia at nag-flying kiss pa kay Shantelle.

Napapailing nalang kaming dalawa ni Shantelle at hindi na sinagot pa si Saryia dahil determinado na talaga ito.

Hindi na namin kasama si Charlotte ngayon dahil pinatawag ito ng ate niya kanina kaya kaming tatlo lang ngayon ang nandito sa cafeteria upang bumili ng tubig at mag-lunch narin dahil ang mahal ng bilihin doon sa booth.

At gaya nga ng sinabi ni Saryia ay naghiwalay na kaming tatlo. Magkikita nalang daw ulit kami sa cafeteria after an hour.

Sa may garden ako naglakad-lakad, para fresh air na rin. Habang naglalakad ay nakita ko naman ulit si Miss Cromwell kasama na naman ang jowabels nito.

Akalain mo 'yon, kasama na nga ang kasintahan pero hindi parin nagbabago ang pagka-passive ng mukha nito.

Oh well. Good luck nalang sa jowabels niya. Mag-tiis siya diyosa naman girlfriend niya.

Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad hanggang sa nakasalubong ko ang apat na SC Officers at kung minamalas ka nga naman, kasama nila si Prof Griffin na naka-posas.

Halata naman sa mukha nila ang takot dahil narin siguro sa nakikita nilang inis sa mukha ni Prof Griffin. Kawawa naman sila, mabuti nalang hindi ako tumakbong Student Council kahit may nag-offer sa akin dati.

Tsaka bakit ba naka-posas si Prof Griffin kung pwede niya naman itong bayaran. Dahil sa pagtataka ay tinawag ko ang SC Officers na ikinahinto nila sa paglalakad kaya mabilis akong lumapit sa kanila.

"Saan niyo po dadalhin si Prof Griffin?" Magalang na tanong ko sa kanila.

"Ah. Someone paid half a million to be married with her." Sagot naman ng isang SC Officers na ikanalaki ng mata ko.

500k?! Para lang sa pekeng kasal?! Damn! Kaya siguro hindi nakapag-bailed out si Prof Grifiin sa sarili niya. Sobrang laki naman kasi.

At tsaka sino kaya ang matapang na tao upang magbayad ng 500k para lang maikasal ng peke kay Prof Griffin. Panigurado malilintikan ang grado no'n.

"How much for bailed out?" I asked.

"1 million pesos." Nanlaki naman ang mga mata ko sa naging sagot nito.

Napatango naman ako dahil sakto may isang milyon ako dito sa bag. Tamang-tama lang ang pera na ibinigay ni Saryia.

Binuksan ko naman ang aking dalang bag at agad binigay sa kanila ang sampung tig-one hundred thousand na pera na kaagad naman inabot ng isang SC Officers at inilagay sa dala nilang bag.

Pagkatapos ay tinanggalan na nila ng posas si Prof Griffin bago humingi ng paumanhin dito at nagpaalam na.

"Where did you get that much of money, Martinez?" Prof Griffin asked, crossing her arms.

I sweetly smile at her. Gusto ko sana siyang asarin pero baka ibagsak niya ako mahirap na. Hindi pa naman ako si Saryia.

"Saryia gave that to us po para pang bailed out daw po sainyo dahil ayaw daw niya kayong makasal, ma-date o ano pa ng ibang students." Sagot ko naman sa kanya.

Napansin ko naman ang bahagya nitong pagkagat sa kaniyang ibabang labi bago mabilis na tumalikod. I almost saw her blushed kung hindi lang siya tumalikod bigla.

I'm sure nakangiti ito ngayon kaya tumalikod. Hehe.

"Um. Tell Rodriguez to see me at my office right now." Aniya at mabilis akong iniwan sa gawi ko. Hindi man lang nito hinintay ang sagot ko.

Napapangiti nalang ako dahil ngayon alam ko na may mapupuntahan din nararamdaman ni Saryia para kay Prof Griffin.

May mararating din pala ang pagka-ulol ni Saryia kay Prof Griffin.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon