Chapter 31

14.8K 577 94
                                    



Sa mga sumunod na araw ay iniiwasan ko si Miss Cromwell dahil sa tuwing napapalapit talaga ako sa kaniya ay bigla kong nakakalimutan huminga.

Ganiyan kalala ang epekto niya sa akin. Kaya as much as possible ay lumalayo ako sa kaniya.

"So, kamusta ang pag-iwas?" Saryia asked.

Napadukdok naman ako sa mesa. "It's easy at the same time hard, I don't know why but I really want to talk to her and be with her but I know I can't." I groaned. "It's not like she cares, anyway." I sighed.

Minsan nga mukha na akong stalker dahil kapag nakikita ko ito sa malayo ay sinusundan ko ito ng tingin. Si Prof Griffin ang parating kasama nito, minsan naman ay ang manliligaw nitong mukhang tuko na may epilipsy.

One time, I saw her from distance with her suitor, and I don't know what came over me pero tinapunan ko ng bato ang manliligaw nito. Mabuti nalang hindi ako nito nakita. mehehe

Dati naman ay wala akong pakialam sa kanila, ewan ko ano ng nangyari ngayon. I don't think this is just an infatuation anymore.

"Infatuation parin ba?" Shantelle giggled.

Napa-angat naman ako ng tingin at inirapan ito. "It's not funny." I pouted. "I think I do really like her." Problemadong saad ko. "Bakit sa kaniya pa."

"Hi, guys!" Nabaling naman ang tingin namin kay Charlotte at sa kasama nitong si... Ruelle? "You guys already met Ruelle last time in the hospital right?" Turo nito sa kasama niya na nakangiting nakatingin sa amin.

Tumango naman si Shantelle at Saryia. "Nice, lumalaki na circle of friends natin." Ngiti naman ni Saryia at pinaupo sa tabi niya si Ruelle.

"Welcome to our group, Ruelle." Bati ni Shantelle sa kaniya. Nginitian naman siya Ruelle bago nagpa-salamat.

Kaya pala bigla nalang lumakas bulong-bulongan ng mga studyante dito sa cafeteria dahil pala sa babaeng 'to.

"Hi, Yve." Bati naman ni Ruelle sa akin. "I'll be studying at the same time working here from now on. Nab-bored na kasi ako sa bahay." Sabi nito sa akin kahit hindi naman ako nag-tanong.

"Welcome to our group, Ruelle." Bati ko rin dito at nginitian siya. "Mabuti naman at nang hindi ka parang nakakulong lang sa bahay niyo."

"Bakit ka nga pala homeschooled?" Tanong naman ni Shantelle sa kanya.

"Ako kasi nagpapatakbo ng business namin simula ng mamatay magulang ko kaya nawalan na ako ng oras bumiyahe papunta sa school, kaya naisipan kong mag-homeschooled nalang." Paliwanag naman nito.

Wala na rin pala siyang magulang. Balita ko rin kasi nag-iisa lang siyang anak.

"We're sorry to hear that." Malungkot naman na bigkas ni Saryia.

Ruelle smiled. "It's alright. Besides I'm not really completely alone because I have my girlfriend with me and Charlotte, Ate Cleofel and Ate Clementine."

"Girlfriend? Eh?" I gasped.

She nodded. "Yep. Miss Kim." Proud na wika nito.

Naibuga naman ni Saryia ang iniinom nitong tubig. Mabuti nalang sa sahig ito tumama. "Si Professor Kim? Iyong isa din terror at cold na professor, jowa mo?" Hindi makapaniwalang bigkas nito.

Tumango naman si Ruelle. "Yes, yes. Almost 1 year na rin kami. Hehe."

"Damn. Lucky." Namamanghang wika ni Saryia.

"Kayo ba ni Ate Cleofel?" Balik na tanong naman ni Ruelle sa kaniya. Akalain mo 'yon, alam niyang may namamagitan kay Saryia at Prof Griffin.

"We're good. After my graduation, liligawan ko na siya." Masayang sagot naman ni Saryia.

Napatango naman si Ruelle. "And Charlotte?" Bumaling naman ang tingin nito kay Charlotte na sinusubuan na ngayon si Shantelle ng fries.

Nililigawan na pala ni Charlotte si Shantelle, last three weeks pa. Bibigay din naman pala ang isang Shantelle, pabebe pa noong una, eh. Akala ko mo talaga.

"Courting phase na." Charlotte kissed Shantelle's cheeks which caused it to turns red.

Medyo nasasanay na akong makita silang ganiyan.

"Ikaw, Yve? May boyfriend o... girlfriend ka na ba?" Napunta naman sa akin ang tingin nito.

Napabuga naman ako ng hangin at napadukdok ulit. Dahilan upang matawa si Shantelle at Saryia.

"Elle, di mo parin sinasabi sa akin kung bakit nagkaka-ganiyan si Yvette." Maktol naman ni Charlotte.

"Promise ka muna na hindi mo ipagsasabi?"

"Promise." Oh well. May tiwala naman ako kay Charlotte. Pero sa oras talaga na sasabihin niya, magpaalam na agad siya kay Shantelle dahil ililibing ko siya ng buhay.

Shantelle laughed. Kahit wala naman nakakatawa. Parehas sila ni Saryia. Baliw. "It's because of your sister."

"My sister? Why? Anong ginawa ni Ate?" Naguguluhang tanong ni Charlotte.

"Yve likes your sister." And there. Natahimik si Charlotte. Pero ilang sandali lang ay tumawa rin ito. Ganoon din si Ruelle na akala mo talaga alam ang nangyayari eh.

"Ohh. Kaya pala..." Charlotte hummed like she knows something.

"Kaya pala ayaw niya akong tawagin kang 'Gwen'." Napa-angat naman ako ng tingin dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ni Ruelle.

"Ano?" Tanong ko dito.

Nagkibit balikat lang si Ruelle at hindi na muling nagsalita pa.

"Yve, kung gusto mo siya, bakit mo siya iniiwasan?" Charlotte asked.

Napataas naman ang isang kilay ko. "Paano mo nalaman na iniiwasan ko siya?"

Charlotte shrugged. "It's obvious duh." Sige, kunwari naniniwala ako sa sagot nito. Pero baka si Shantelle nagsabi sa kanya.

Binalewala ko nalang ito at bumalik sa pagkadukdok sa mesa. "Liking someone is so hard, lalo na kung si Miss Cromwell pa." I groaned. "Unang taong nagustuhan ko, doon pa sa impossibleng mapa-saakin."

"Di mo sure." Sabay naman na sagot ng apat.

"I'm fucking sure kaya tumahimik kayong apat diyan." Ingos ko na ikinatawa nilang apat.

"Mukhang may magtataguan ng feelings, ah." Ruelle mumbled.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now