Chapter 38

15.4K 552 36
                                    



"Ma'am, bawal pa po talaga kayong gumalaw." Pigil ng isang katulong sa akin ng mag-walis ako dito sa garden ng bahay– more like mansion ni Miss Cromwell. "Kami po ang mapapagalitan."

Alam kong mayaman si Miss Cromwell pero hindi ko akalain na sobrang yaman pala nito.

It's been a week, simula noong magising ako from 'surgery' na hanggang ngayonay hindi ko pa rin maalala. Isang linggo din akong nakahiga lang sa kama dahil sabi ng doctor kailangan kong kompletuhin 'yong antibiotic na naka-inject sa IV.

At kahapon nga ng makalabas na ako ay pinagbawalan naman akong gumagalaw-galaw hanggang sa tuluyan maghilom ang mga sugat ko dahil sa operasyon.

Gusto ko na nga sana umuwi kaso sabi ni Miss Cromwell dito daw muna kami pansamantala hanggang sa magaling na daw ako. Dahil baka daw magkaroon ng infection ang sugat ko at mas mabuti ng makasigurado daw kami.

Tumanggi pa ako noong una pero sa likas na nakakamatay ang kaniyang mga tingin ay wala na akong nagawa dahil kahit mga kaibigan ko ay ayaw akong pauwiin, isama na natin ang kambal na gusto na atang tumira dito. Nakakahiya.

Imbes na umiiwas ako do'n sa tao ay hindi ko na magawa dahil araw-araw ko na itong nakakasama.

Hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa lahat ng ginastos ni Miss Cromwell sa amin ng mga kapatid ko. Paniguradong mahigit isang milyo na ang nagastos nito para sa amin.

Kaya kailangan kong mag-pagaling agad para makabalik na sa trabaho, dahil baka pag-uwi namin ng kambal ay wala na kaming bahay na uuwian.

Regarding naman sa studies ko, pinag-homeschooled muna ako ni Miss Cromwell. Iyon din ang payo ng doctor kaya heto ako ngayon, bored na bored na dito dahil buong maghapon lang akong nakatunganga tapos ayaw pa akong payagan tumulong nga mga katulong ni Miss Cromwell.

Dinadalaw naman ako ng mga kaibigan ko minsan dito sa bahay para kamustahin ako. Most of the time si Shantelle ang nakakasama ko dito dahil madalas na siyang tumatambay dito ng magsimula nga siyang ligawan ni Charlotte.

Si Saryia naman ay pa-minsan lang dahil busy din 'yon sa future wife niya. Habang si Ruelle ay busy sa trabaho nito, pero nadadalaw parin naman ako.

"Ate, hindi naman po mabigat ang pagwawalis tsaka kaya ko ito." Inilayo ko naman sa kanya ang walis na hawak ko.

Napansin ko rin na lumapit na sa gawi namin ang dalawang body guard ni Miss Cromwell na inutusan niyang bantayan ako habang nasa trabaho ito.

Ang OA lang, hindi naman ako tatakas dito. Mas lalong hindi na ako bata para bantayan pa.

"Ma'am, utos po sa amin ng Reyna—"

"Reyna?" Putol ko sa sinasabi ng body guard.

Tumango naman ito. Reyna? Sino? si Miss Cromwell? Isang Reyna?! Eh?!

"M-Miss Cromwell is a Queen?" I gasped.

The heck?! I mean, she really looks like a Queen, a Goddess but I didn't know that she's really a QUEEN! Like, literally!

Damn. No wonder her house looks like a palace.

Holy shit. Ang kapal ng mukha kong magka-utang sa isang Reyna. Nayawa na.


"But why the heck is she working as a professor when she's literally a queen?!" I asked my friends, eyes bewildered.

Hindi pa rin kasi ako maka-paniwala na totoong Reyna talaga si Miss Cromwell, kaya ng dinalaw ako dito ng mga kaibigan ko ay agad akong nag-tanong sa kanila. Mabuti nga at napadalaw sila. Sila kasi ang nagsundo kanina sa kambal.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now