X'Pv 13

10.1K 363 250
                                    

13



I was walking back in forth inside my office while looking at the wall clock. It's still early but I'm anticipating to see Gwen today.

Pagkatapos ng nangyari nung biyernes ay mas lalo ko pa siyang naiisip, kung dati mga tatlong oras lang sa isang araw ngayon naman ay halos buong araw na siya ang nasa isip ko.

Hindi ako masyadong nakakapag-concentrate.

Isama pa itong puso ko na hindi ko mawari kung bakit mas lalong tumitibok ng malakas kapag naiisip ko siya, itong tiyan ko naman na parang may kung ano sa loob na gustong kumawala.

"Clems, stop. Ako nahihilo sa ginagawa mo eh." Tawang sambit ni Mallory habang prenteng nakaupo dito sa upuan sa loob ng opisina ko.

Andito siya ngayon dahil may pinasa itong mga papers dahil gusto daw bumalik ng binahay nitong studyante dito sa CU kaya heto siya ngayon inaasikaso ang mga papeles para makapasok agad ang binahay nitong studyante at makapag-turo ulit siya dito.

"Siguraduhin mo lang na hindi na tatawagin ng binahay mong studyante si Gwen ng Gwen." Ingos ko.

Tumango ito. "We've already talked about it, don't worry."

"Good, good."

Nang marinig ko na ang warning bell, inayos ko agad ang aking sarili, pabalik-balik din ako salamin para tignan kong presentable ba ang suot ko.

"Goodness, Clems! You're okay, pumasok ka na dun." Mallory giggled as she pushed me out before closing the door behind me.

Inirapan ko muna ang mga unggoy na studyanteng tumitingin sa akin bago ako nagpakawala ng malalim na hininga saka nagsimulang maglakad papunta sa unang klase ko.

Pilit ko din pinapakalma ang puso ko dahil nagsisimula na naman itong magwala. Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa classroom, bago pumasok nagpakawala muna ulit ako ng malalim na buntong-hininga.

Passive face on.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng classroom, siya agad ang hinanap ng aking mga mata. Agad nagtama ang tingin namin dalawa dahilan upang magrambulan ang mga fairies sa loob ng tiyan ko.

Bakit parang mas lalo siyang kumikinang sa tuwing tinititigan ko siya?

Napalunok ako ng napakagat ito sa kanyang ibabang labi saka umiwas ng tingin habang namumula ang mga pisngi nito.

Mainit ba?

Hindi na ba gumagana ang aircon? O baka sobrang hina na? Papapalitan ko nalang mamaya pagkatapos ng klase ko. I mentally noted.

Marahan akong tumikhim. "Good morning." Malamig na bati ko na kay Gwen parin nakatingin dahil siya lang naman ang balak kong batiin.

"Good morning, Miss Cromwell." Yeah, yeah, whatever. I mentally rolled my eyes as I fixed my things on the table.

Kinuha ko na rin ang librong dala ko at binuksan ang pages kung nasaan na kami banda at nagsimula ng magturo. Todo din ang pagpipigil ko sa aking sarili ng mapansin ko na nakatitig lamang sa akin si Gwen at hindi ito nagt-take notes, sa tuwing dumadapo naman ang paningin ko sa kanya ay nagkukunwari itong nagsusulat.

Okay, that was weird?

She's not like that before, kapag nagtuturo nga ako nakapokus lang ito sa pagt-take notes at halos hindi ako tinatapunan ng tingin pero ngayon ay halos nasa akin lang ang buong atensyon niya.

Binalewala ko nalang ito nagpatuloy na lamang sa pagtuturo sa mga kaklase nitong unggoy. Habang patuloy ako sa pagtuturo napansin ko naman ang bulungan ng tatlo sa likod na parang inaasar nila si Gwen.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon