Chapter 8

15.8K 553 60
                                    

Saryia's

We are currently at the cafeteria right now eating our food when Miss Cromwell and my future wife, Prof Griffin joined us in our table kasi halos punuan na rin ang cafeteria.

Actually, nakita ko lang si future wife kanina na naghahanap ng mauupuan tapos napansin ko pa na halos okupado na lahat ng upuan kaya tinawag ko ito. Hehe.

Ayaw ko naman na maki-sit in sa iba ang future wife ko. Ano sila siniswerte.

Minsanan lang sila kumain dito sa cafeteria kasi most of the time ay kung hindi sila busy ay sa labas sila kumakain. Silang dalawa parati magkasama since magkaibigan sila. Parehas din yelo. Pero mas yelo pa sa lahat ng yelo si Miss Cromwell kumpara sa future wife ko.

"Good noon, Professors." Magalang na bati naman ni Shantelle sa kanila na tinanguan lang ng dalawa.

"You guys sure eat a lot." Wika naman ni Prof Griffin ng makaupo na sila. Magkatabi naman kami ni Shantelle tapos kaharap namin silang dalawa.

"Oh no. These two are for Yvette, Prof." Sagot naman ni Shantelle kay Prof Griffin. "Pero mamaya pa konti 'yon at nasa trabaho pa."

"Work?" Nakataas kilay naman na tanong ni Prof Griffin.

Tumango naman kami. "Yeps. She works here at the kitchen area of the cafeteria Prof." Ako na ang sumagot.

Napatango naman siya habang ang katabi nito ay busy lang sa pagkain at walang pakialam sa paligid. Ayaw din naman namin kausapin baka mamaya bumuga ng apoy. Jusko. Magpapakasal pa ako kay Prof Griffin.

"Tang-ina mo Shans—"

"Language Rodriguez!" Agad naman na saway sa akin ni Prof Griffin ng magmura ako. Nakalimutan ko na andito pala sila sa harap namin.

Namumula naman akong ngumiti at humingi ng paumanhin sa kanila. Paano ba naman kasi itong si Shantelle nilagay sa pagkain ko ang lettuce ng in-order niyang burger, eh kakadiri kaya 'yon. Argh. Pahamak ang bruha.

Baka ma minus points ako sa puso ng future wife ko.

Ilang sandali pa ay nakita na namin si Yvette papunta sa direksyon namin ni Shantelle. Parang wala ata ito sa wisyo dahil pagkarating niya ay umupo lang siya bigla katabi sa upuan ni Miss Cromwell na medyo na gulat pa pero hindi niya parin ito napapansin.

Pero in fairness ngayon ko lang nakitaan ng ganoon reaksyon si Miss Cromwell. She's alwasy passive kasi. Di ko alam magugulatin pala siya.

Agad naman namin inabot ni Shantelle ang pagkain niya na binili namin para sa kanya. We know her situation and as much as possible we tried to help her in a way that she'll accept our help. Ma pride din kasi ang bruha kaya hindi lahat ng tulong namin tinatanggap niya, maliban nalang kung kailangan niya talaga at siya mismo ang hihingi ng tulong sa amin. Pero mabuti nalang at di siya umaangal kapag kami na ni Shantelle ang bumibili ng lunch niya dito sa school.

"Thanks guys." Paos na wika nito habang nanginginig ang kamay na inabot ang tinidor.

Agad naman akong nabahala alam kong pati rin si Shantelle dahil hindi naman siya ganyan kapag kumakain kami.

"Hey, Yve, you okay?" Alalang tanong naman ni Shantelle.

Napansin ko na rin na nakuha na pala namin ang atensiyon ng dalawang professor, lalo na si Miss Cromwell na hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon habang mariin lang nakatingin kay Yvette.

Tumango naman si Yvette at tinignan kaming dalawa ni Shantelle bago kami nginitian ng tipid. Hindi niya parin ata napapansin 'yong dalawang professor.

I know that there's something wrong. Ayaw niya lang sabihin.

"Why is your hands shaking?" I asks worriedly.

Napabuntong-hininga naman ito ng malakas na pati iyong dalawang professor ay narinig ito. Ilang segundo pa ay para na itong naiiyak dahil suminghot-suminghot na siya.

"Kas–kasi i-iyong sapatos k-ko." Nauutal na wka nito at parang naluluha na. "I-iyong bago kong sapatos n-ni holdup s-sa akin." At tuluyan na nga siyang naiyak.

"ANO?!" Sabay na sigaw namin ni Shantelle.

"What happened? Are you okay?!" I asked not minding the stares that we're getting from the other students in the cafeteria.

"Sige lakasan niyo pa boses niyo." Napairap naman ito sa amin habang patuloy pa rin sa pagluha mga mata niya.

"Ano nga nangyari?" Mahinahon ng tanong ni Shantelle.

Mas lalo naman napaiyak si Yvette. "I-iyong sapatos, b-bigay lang yun sa akin." She stuttered as she tries to dry her tears. "H-hinabol ko naman y-yung magnanakaw tapos n-nung nahabol ko may kutsilyo pala siyang dala kaya wala na akong na-nagawa."

"Are you stupid, Yvette?! Dapat hinayaan mo nalang, paano kung sinaktan ka ha?!" Singhal ko naman dito.

"P-pero importante 'yong sapatos t-tapos baka pagalitan ako ni Coach." Iyak naman ulit nito. "A-ano gagawin ko, mas mahal pa 'yon kaysa sa pagkatao ko." Dagdag nito.

"Stupid. So stupid of you." Napapailing na bigkas ni Shantelle. "Pwede ka naman namin bilhan ng sapatos, dapat hinayaan mo nalang 'yon, kaysa naman mapahamak ka pa." Mahabang lintaya naman nito. "Mabuti nalang di ka sinaktan."

Humalukipkip naman si Yvette at marahan inayos ang suot na jacket nito na ngayon ko lang napansin. Nagtataka naman akong napatingin dito dahil sa pagkakaalam ko hindi ito mahilig mag-jacket.

"Yvette, why are you wearing a jacket?" Nakataas kilay na tanong ko.

Andito pa rin pala ang dalawang professor namin at maiging nakatingin kay Yvette na nakayuko lang. Makikita naman sa mukha ni Prof Griffin ang pag-aalala. Hindi ko naman mabasa ang emosyon ni Miss Cromwell pero mariin parin itong nakatingin kay Yvette at hindi na kumakain pa, unlike earlier na busy lang ito sa pagkain. Nakuha ata namin ang atensiyon nito.

"A-ahm it's cold?" Patanong na sagot nito.

"Cold?" Pag-uulit naman ni Shantelle sa hindi makapaniwalang boses.

Napakagat naman ng labi si Yvette at marahan tumango, indikasyon na nagsisinungaling ito.

"Yvette Gwen–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla nalang tumunog ang bell, indikasyon na 10minutes nalang ay klase na, which is klase namin kay Prof Griffin.

Kaagad na tumayo si Yvette pero napaaray ito ng sumagi ang braso nito sa kamay ni Miss Cromwell. Nagulat naman si Yvette ng makita ito, parang ngayon niya lang ata napagtanto na katabi niya ang dalawang professor.

"M-Miss Cromwell, I'm- I'm sorry po." She stuttered while tears are starting to build up in her eyes.

Mariin lang nakatingin sa kanya si Miss Cromwell. Tapos ilang sandali pa ay tinignan ni Miss Cromwell si Prof Griffin.

"Please excuse Miss Martinez in your class Beau." Malamig na wika nito bago ibinaling ulit kay Yvette ang paningin.

Nagtataka naman namin tinignan ang dalawa.

"Alright. You two, let's go ahead." Baling naman sa amin ni Prof Griffin.

Tumango lang kami habang tinignan si Yvette na umiiyak parin habang nakayuko.

"Yve, you'll explain later." Paalam naman namin ni Shantelle dito na tinanguan lang niya.

"She'll be fine, Rodriguez." My future wife said habang nakasunod naman kami sa kanya.

Wala sa wisyong napatango nalang kaming dalawa ni Shantelle dahil hindi pa rin namin maiwasan mag-alala kay Yvette.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon