Chapter 65

19K 568 73
                                    

Clementine's

"There's nothing to worry about, You're Majesty. She is more than okay." The doctor informed us. "Seems like she force herself to remember." She added.

"Doc, kapag ba nagising na siya maaalala na niya kami?" Shantelle asks hopefully.

"Dissociative amnesia is only temporary and only her can answer that." Sagot naman ng doctor.

"Thank you, Doc." Beau thanked the doctor.

"My pleasure, Miss Griffin. I'll take my leave now."

Pagkalabas ng doctor ay wala pa rin nagsasalita sa aming lahat sa loob at mariin lang nakatingin kay Gwen na mahimbing natutulog habang may ngiti sa mga labi nito.

"No wonder she called me 'Sary' earlier." Saryia sniffed.

"Wake up now, Yve. I missed you." Shantelle cried.

Wake up now, hon.

I want to hear those words again from that lovely mouth of yours. You didn't even wait for me to say it back.

"Is she okay now?" Lahat kami napatingin sa pintuan ng bumukas ito, iniluwa dun si Mallory at Ruelle habang buhat-buhat nila ang anak namin ni Gwen. Nakahawak naman sa damit nila ang mga kapatid ni Gwen.

Mabilis naman tumakbo papunta sa gawi ko si Cassia at Saphire.

"Is Ate sick again, Tita Een?" Saphire asks. "Bakit parati nalang po siya nah-hospital?" She cried.

"She's okay, sweetie. Your Ate is just sleeping." I smiled. Yumuko naman ako para mahalikan ang pisngi nila ni Cassia. "Go sit with your Tita Sary and Tita Shans first,"

"Okay, Tita Een." Sagot naman ni Cassia at hinila na ang kapatid nito papunta kela Saryia at Shantelle.

Pinasundo ko sila kanina kay Mallory at Ruelle dahil walang maiiwan sa kanila sa bahay dahil andito kaming lahat sa hospital. Out of town kasi ang mga magulang ni Shantelle tapos nasa ibang pa rin ang mga magulang ni Saryia kaya wala akong choice kung hindi dalhin nalang sila dito.

Mas mapapanatag ako kung andito sila kaysa maiwanan sa bahay kasama ang mga tauhan ko.

"Mommaaaa huggg." Nakangiti akong napatingin sa mga anak ko bago sila nilapitan sa gawi ni Mallory at Ruelle.

Kaagad ko hinalikan ang mga labi nila. "Momma misses you."

"Mommaaa I wuv youuuu." Cute na bigkas ni Xeivon.

"Momma loves you and Xarienne most." I said, giving them a kiss again.

"Mama..." Ngiti naman si Xarienne habang masayang nakatingin sa gawi ni Gwen at iniabot pa nito ang kanyang kamay kaya napalingon ulit ako kay Gwen.

"Gwen..." I gasped when I saw Gwen looking at us with a smile on her lips.

Napunta narin ang atensyon ng lahat kay Gwen na gising na ngayon.

Mabilis akong lumapit sa gawi nito at inayos ang hibla ng mga buhok na nasa mukha niya. "H-How are you?"

Imbes na sagutin ako ay mariin lang itong nakatingin sa akin bago nito inilibot ang paningin sa aming lahat.

"E-Eva?" Hindi siguradong tawag ni Ruelle sa kanya.

Does she forgot us again?

Ilang sandali pa ay bumangon ito habang may namumuo ng luha sa mga nito. Ibinalik naman nito ang tingin niya sa akin bago iniabot ang kamay niya sa akin.

Kaya mabilis ko itong hinawakan, nagulat naman ako ng bigla ako nitong hilain at yakapin ng mahigpit habang umiiyak na. Dahilan upang magsimula ng lumuha ang aking mga mata.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now