Chapter 9

15.2K 565 14
                                    

Yvette's

Pagkaalis naman nila Shantelle at Saryia kasama si Prof Griffin ay agad nagsalita si Miss Cromwell na sundan ko ito.

Gaano ba ako katanga kanina upang hindi ko sila mapansin dalawa? Wala pa naman akong balak sabihin sa kanya ang tungkol dun sa sapatos na na-hold up sa akin.

Hindi ko naman maiwasan mag-alala ulit at matakot na baka papagalitan ako nito dahil nanakaw ang bigay nitong sapatos.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko habang nakasunod parin dito. Hindi ko maiwasan kabahan kaya wala sa sariling napayakap ako sa aking sarili at hindi ininda ang sakit ng braso ko.

May medyo kalakihan kasi itong sugat ng sinubukan akong saksakin nung nang-hold up sa akin, mabuti nalang ito lang ang natamo ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyari sa akin tapos iyong kambal ay bata pa.

Alam ko naman na andiyan 'yong dalawa kung kaibigan para alagaan sila, pero ayaw kong maulila sila at ako nalang ang meron sila.

Nang makarating na kami sa loob ng office ni Miss Cromwell ay kaagad ako nitong hinarap.

"Are you out of your mind Martinez?" Malamig na wika nito pero hindi din maitatago ang disappointment sa boses nito.

Galit nga ito.

Mas lalo akong napaiyak. "I-I'm so sorry po, Miss Cromwell." Hingi ko ng tawad. "Papalitan ko nalang po, p-promise po." Pumiyok na bigkas ko

"I don't give a damn about the shoes, Martinez."

Nagtataka naman akong napatingin dito dahil kung hindi ito galit dahil nanakaw ang sapatos ko, eh sa anong dahilan naman?

Magsasalita pa sana ako nang muli itong magsalita.

"Remove your jacket." Ma-awtoridad na utos nito.

Umiling naman ako. Wala akong balak ipakita sa kanya ang sugat ko baka mas lalo pa itong magalit.

"You'll remove it or I'll remove it myself?" Madiin na wika nito.

"M-Miss–"

"Don't make me wait, Martinez." Napaatras naman ako at mabilis na tinaggal ang jacket ko ng makita ko itong naglakad papunta sa akin.

Napangiwi pa ako sa sakit dahil masakit pa ang braso ko kapag ginagalaw ko ito. Di ko alam pero nanghihina rin ako at masama na ang pakiramdam ko.

"What the–" Agad naman na wika ni Miss Cromwell ng makita ang telang pinangtakip ko sa sugat na ngayon ay puno na ng dugo.

Bakit kasi puting tela pa ang ginamit ko, pwede naman kasing itim para hindi mahahalata kapag may dugo.

Mabilis siyang lumapit sa akin at marahan tinanggal ang tela sa braso ko. Nang matanggal na niya ito ay napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil di ko kaya salubungin ang tingin nito na parang any minute from now ay bubuga na siya ng apoy.

Shit. Ito na ba? Bubuga na ba siya ng apoy?

"This is too deep, Martinez." Galit na wika nito. "Di mo man lang ba ginamot o pina-check up sa hospital."

"Kaya ko naman po gamuti–"

She scoffed. "Really? It seems like you lost a little blood." Her jaw clenched as she crossed her ams.

I feel like she's controlling herself or something? I'm scared, damn, I'm scared. Nakakatakot ang awra niya ngayon kaya wala sa sariling napaatras ako palayo dito.

"Saan ka na-hold up?" She asked sternly.

Dahil sa takot ko ay mabilis kung sinabi sa kanya ang lokasyon.

Ilang sandali pa ay kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tinatawagan ito.

"Can you excuse Martinez friends?" Wika nito. "To my office right now." Sunod na bigkas nito. "I have something important to do." Dagdag nito at agad na pinatay ang tawag.

Napayuko naman ako sa gilid ng makitang nakatitig parin ito sa akin. Sino ba naman ang hindi matatakot kung galit itong nakatingin sayo.

"Next time don't bother chasing a thief when you know you can't defend yourself." She said coldly.

Napalunok naman ako at marahan lang na tumango. "I-I'm sorry." Nanghihinang bigkas ko.

Wala naman sa sarili akong napaupo sa malapit na upuan sa mesa niya dahil nanghihina na talaga ako at hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang dugo sa braso ko.

Alam kong may lagnat ako, dahil ata ito sa sugat ko kasi hindi ko masyadong nalinisan kagabi, kasi ayaw kong mag-alala ang kambal sa akin, lalo na si Saphire.

Parang napansin naman iyon ni Miss Cromwell at akmang lalapit na sana ulit sa akin ng tumunog ang intercom nito kasunod ang boses ng dalawa kong kaibigan.

Mabilis na binuksan ni Miss Cromwell ang pintuan ng office niya at pinapasok ang dalawa pagkatapos siyang batiin ng mga ito.

"Bring her to the clinic." Miss Cromwell said sternly.

Nang makita naman ako ng dalawa ay napasinghap sila sa natunghayan at napatakip ng bibig.

"Shit." Agad na lumapit sa akin si Shantelle at tinignan ang sugat ko.

"You're getting pale." Nag-aalalang boses naman ni Saryia. "And you're also freaking hot."

"I know." I smirked.

Shantelle's groaned. "Now's not the time for that, Yvette Gwen Martinez." She said worriedly.

"I-I'm fine." Nanghihinang wika ko at tumayo na para makapunta na kami ng clinic dahil hindi ko na kaya ang presensya ni Miss Cromwell.

Nakakatakot kasi ang awra niya ngayon.

Inalalayan naman agad ako ng dalawa, pero nakailang hakbang palang ako ng hindi ko na talaga kinaya at tuluyan ng nawalan nang malay.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon