Chapter 30

15.8K 564 193
                                    



Lunes na ngayon, at andito ako sa classroom kasama si Saryia at Shantelle na nagc-cellphone habang hinihintay namin si Miss Cromwell.

Hindi ako mapakali sa aking upuan dahil nahihiya akong humarap kay Miss Cromwell. Nang maalala ko ang binigay ko ditong chocolate ay hindi ko alam pero hindi na siya maalis sa isip ko.

Maybe, because I was shy?

"Para kang kiti-kiti diyan." Napalingon ako kay Shantelle. "Mag purga ka kaya, may bulate na ata pwet mo at kanina ka pa hindi mapakali sa pagkakaupo." Napatawa naman si Saryia sa sinabi nito.

Inirapan ko naman sila. "Hindi ba pwedeng naiihi lang?" I lied.

"Malas mo naman at ilang minuto nalang dadating na si Miss Cromwell." Ani ni Saryia.

I just bit my lower lip and didn't answer her.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Miss Cromwell, bakit parang mas lalo itong gumanda sa aking paningin ngayon? I mean dati naman nagagandahan ako sa kanya pero ngayon parang may iba.

Napansin ko naman na nilibot niya ng tingin ang buong classroom at ng napatingin ito sa gawi ko ay agad akong umiwas ng tingin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang marahan napahawak sa aking dibdib dahil hindi ko maintindihan ang biglaan nalang nitong pagtibok ng malakas.

Anong nangyayari sa akin? May sakit na din ba ako sa puso gaya ni Saphire? Sa isipin ay hindi ko maiwasan mangamba. Kailangan ko atang magpa-check up.

"Good morning." Ang lamig ng boses nito pero bakit parang nakakabighani ito sa aking pandinig?

"Good morning, Miss Cromwell." Bati naman nila pabalik. Bigla atang nawala ang boses ko.

Nagsimula na rin magturo si Miss Cromwell at hindi ko maiwasan ang aking sarili na titigan ito na hindi ko naman gawain dati. Kapag kasi nagtuturo ito dati ay naka-focus lang ako sa pagt-take notes. Pero ngayon parang na-magnet na ang mga mata ko sa kanya.

At sa tuwing titingin naman ito sa gawi ko ay napapaiwas ako at kunwaring nagsusulat. Kung dati may nasusulat ako, ngayon naman ay parang na-blangko ang aking utak.

Ano bang nangyayari sa akin.

"Yve, she might melt." I heard Saryia whispered beside me. "Wagas makatingin ah."

"Huh?" Bulong ko naman pabalik. Hindi ko kasi alam kung anong ibig niyang sabihin.

"You've been staring at Miss Cromwell intently, you are not even taking notes." Now it's Shantelle.

Napansin din pala nila.

"Girls at the back, what are you whispering about?" Mas lalo naman kumabog ang dibdib ko ng magsalubong ang tingin namin dalawa.

Kung kanina ay malakas lang na tibok ng dibdib ko ngayon naman ay parang hindi ako makahinga. Parang konting lapit na nga lang ni Saryia at Shantelle ay maririnig na nila ito eh.

"Martinez, you're getting pale. Are you okay?" Mas lalo pang lumakas ang tibok ng aking puso ng mahimigan ko sa boses nito ang pag-aalala.

Marahan kong hinawakan ang aking dibdib at sumasagap ng hangin dahil parang nakalimutan ko ng huminga.

Hindi naman ako ganito dati kapag kinakausap niya ako, ah?

"I-I can't breath p-properly." I said weakly.

Mabilis naman tumayo si Shantelle at Saryia at inalalayan ako.

"Miss dadalhin lang po namin siya sa clinic." Bakas sa boses ni Saryia ang pag-aalala.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now