Chapter 15

15.9K 554 43
                                    


Kasalukuyan kong hinihilot ang aking sintido dahil sa stress kanina sa quiz namin kay Miss Cromwell. Naubos ata brain cells ko kanina dahil nagpa-surprise quiz ito at hindi pa naman ako nakapag-advance reading dahil sa sobrang busy ko.

Paano ba naman dalawang linggo nalang at tournament na kaya kahit alam kong mananalo ako ay kailangan ko pa rin naman mag-praktis. Modesty aside.

Tapos sa akin pa na-assigned ang pag-aayos ng booth sa department namin para sa gaganapin na foundation day sa susunod na linggo bago ang tournament.

Kaya heto ako ngayon, naglalakad na parang zombie dahil kung hindi ako kulang sa tulog ay pagod na pagod din ang aking katawan. Mabuti nalang at hindi ako masakitin.

"Bessywaps, kanina ka pa nakabusangot diyan." Ani ni Shantelle at inakbayan ako. Muntik ko ng makalimutan na kasama ko pala silang dalawa ni Saryia. Kung ako na-stress sa quiz kanina sila naman ay parang wala lang sakanila ito.

Well, I'm a scholar so I have to maintain my average high.

"Isang quiz lang 'yan, Yve, bawi nalang tayo sa susunod." Napairap naman ako kay Saryia ng kinindatan pa ako nito. "Ako nga alam kong bagsak na agad ako do'n." Humalakhak naman ito dahil baliw kasi siya. Literal na literal na baliw.

I pouted my lips and just rolled my eyes at them. "Baka nakakalimutan niyong scholar ako dito." Asik ko sa kanilang dalawa.

"Ayaw mo kasi tanggapin scholarships ng parents nami—"

Pinutol ko naman agad ang sasabihin ni Shantelle. "Sobra-sobra na ang naitulong niyo sa amin, nakakahiya naman kung pati pag-aaral ko ay sasagutin pa ng mga magulang niyo."

Akmang sasagot pa sana sila ng biglang nakarinig kami ng bulong-bulongan sa hallway. Medyo marami ng studyante dito dahil malapit na kami sa cafeteria. May mahigit kalahating oras pa naman ako bago ang shift ko sa cafeteria, maaga kasi kaming ni-dismissed ni Miss Cromwell and we don't know why.

Mabuti narin para naman ma-relax itong utak ko kahit papaano.

"Ang gwapo niya. Bagay na bagay sila ni Prof Griffin." Rinig kong bulongan ng mga studyante habang dumadaan kami. Iyong iba sa kanila ang lalandi pa dahil tumitili pa ang mga ito.

"I heard my future surname..." Saryia creased her eyebrows.

Shantelle scoffed. "Surname?"

Saryia grinned at her. "Yes, I will be Saryia Jade R. Griffin soon." Proud na proud na bigkas nito.

See? Sabi ko sainyo baliw ang isa'ng ito eh.

"Keep dreaming, bansa." Shantelle just laughed at her.

Nagkibit-balikat lang si Saryia at hindi na pinansin ang mga tsismis dahil nasa loob na kami ng cafeteria. And suprisingly medyo madaming studyante ngayon mabuti nalang nakahanap pa kami ng mauupuan.

"What the fuck?!" Uupo na sana kami ng bigla nalang mag-mura si Saryia habang nandidilim ang mga matang nakatingin sa likuran ko. Nasa harapan ko kasi silang dalawa ni Shantelle.

I looked behind me and there I saw Prof Griffin with a man. Ang sweet pa nila dahil sinusubuan pa no'ng lalaki si Prof Griffin ng kinakain nitong carbonara.

Bumalik naman ang tingin ko kay Saryia and saw how her eyes rage in jealousy while looking at them. I knew that her feelings towards Prof Griffin is not just infatuation.

"Gusto mo bang umalis na tayo dito?" Punong pag-alalang wika ko dito.

Umiling naman siya bago umupo. "No. I'm alright... I'm fine." Base sa boses nito ay pinipigilan niya lang umiyak ngayon.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon