Chapter 27

15.1K 527 41
                                    


Nauuhaw ako. Feeling ko ang dry sobra ng bibig ko.

Minulat ko ang aking mga mata at agad sumalubong sa akin ang puting kisame. I roamed my eyes and saw Shantelle who's also looking at me worriedly.

"Glad you're awake, you've been sleeping for almost 24 hours." Ani nito na ikinagulat ko.

Dahan-dahan naman akong bumangon sa pagkahiga. "T-Tubig." Nahihirapan bigkas ko dahil ang sakit ng panga ko. Naalala ko sinuntok pala ako ni David.

Mabilis naman kumuha ng tubig si Shantelle at iniabot ito sa akin na kaagad ko naman ininom.

"How's Saphire? Where are they?" I asked.

"She's fine, nagising na siya kagabi, nasa suite room sila. Para nga'ng hindi galing sa surgery." Sagot naman nito. "But she's been looking for you. You worried us when you passed out while hugging Miss Cromwell yesterday."

"I didn't know."

"The doctor told us that you were over fatigue and sleep deprived that's why you passed out." Napa-buntong hininga naman ito. "Hindi mo na naman inaalagaan sarili mo."

I bit my lower lip. "I'm sorry, Shans." Hingi ko ng tawad dito.

"It's alright. Sobra lang kami nag-alala sayo, lalo na ang kambal." Hinalikan naman ni Shantelle ang ulo ko bago nito kunin ang basong hawak ko. "Miss Cromwell was about to transfer you to Saphire's room but we stopped her since we don't want to worry the twins, lalo na si Saphire."

"Mabuti nalang. Salamat."

"Anyway, how's your feeling right now?" She asked.

"I feel good now," I replied. "Anyway, can I see them now?" I asked.

"Let's wait for the doctor to check on you."

Akmang sasagot sana ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Saryia at Charlotte.

"Thank God you're awake!" Mabilis na lumapit sa akin si Saryia at niyakap ako gano'n din si Charlotte. "Pinag-alala mo kami." Bigkas nito nang kumalas na sila ng yakap.

"I'm sorry." Hingi ko naman ng tawad.

"Kung hindi lang sinabi ng doctor na over fatigue at sleep deprived ka, aakalain ko na nahimatay ka dahil sa kilig noong niyakap mo si Miss Cromwell, eh." May nahihimigan naman ako sa boses ni Saryia.

Nakataas naman ang isang kilay kong nakatingin sa kanya. "Nahimatay sa kilig?" Takang tanong ko.

"Oo, kinikilig ka noong bigla mong niyakap si Miss Cromwell." Ngumiti naman ito ng nakakaloko habang tumaas-baba ang dalawang kilay nito.

"Gago. Anong kilig pinagsasabi mo diyan! Nag-pasalamat lang ako." Asik ko dito at tinapon sa kanya ang isang unan.

Natatawa naman nitong pinulot ang unan sa sahig. "Oh. Bakit ka namumula diyan?" Wala sa sarili naman akong napatakip ng mukha dahil sa sinabi nito dahilan upang mag-tawanan silang tatlo.

Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko. Siguro dahil sa hiya nang yakapin ko si Miss Cromwell.

"T-Tigilan niyo ako." Sigaw ko sa kanila habang nakatakip parin ang dalawa kong kamay sa aking mukha.

"What's happening here?" Hindi ko alam pero bigla nalang tumibok ng mabilis ang dibdib ko ng marinig ko ang boses na 'yon.

It was Miss Cromwell voice. Bakit siya andito?

"Si Yvette kasi Miss, kinikilig kaya namumula ang mukha ngayon." Kaagad ko naman tinapon sa direksyon ni Saryia ang unan sa likod ko ng sabihin niya iyon. Sakto naman sapul siya sa mukha pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa, gano'n din si Shantelle at Charlotte.

"Kinikilig?" Hindi naman ako makatingin sa direksyon ni Miss Cromwell ng magsalita ulit ito.

Tang-ina. Anong nangyayari sa akin.

"See? She's blushing, Miss Cromwell." This time si Shantelle naman ang nang-asar kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"I-I'm not!" Deny ko, kahit ramdam na ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"Your face is red, Martinez." Andito din pala si Prof Griffin.

Mabilis ko naman tinakpan ang aking mukha ng marinig ko iyon. Bwesit. Nakakahiya. Lagot sa akin 'tong tatlong tukmol na ito kapag nakalabas na kami ng hospital.

"Why are you blushing anyway?" Prof Griffin asked.

"Kasi future wife, naalala niya kaha—"

"Miss Cromwell, Prof Griffin, bakit po pala kayo nandito?" Putol ko kay Saryia at masama itong tinignan pero ang gago ngumisi lang.

"Obviously, checking on you." Ayan bumalik na pagtataray ni Miss Cromwell. Kahapon lang ang aliwalas ng mukha nito tapos ngayon parang binagsakan nang mundo.

"I feel good na po. Maraming salamat po sainyo." Sagot ko at pinasalamatan sila.

Napatango naman silang dalawa ni Prof Griffin. "That's good to know." It was Prof Griffin.

"For now take good care of yourself. We'll talk in school on monday." Wika ni Miss Cromwell at naglakad na palabas.

"Get well soon, Martinez." Sabi naman ni Prof Griffin bago sundan si Miss Cromwell.

Nang makalabas na ang dalawang professor's ay napatingin naman ako sa tatlo kung kaibigan na nakangisi ngayon sa akin.

"What?!" Asik ko sa kanila at inirapan ang mga ito.

"Take good care of yourself." Pang-gagaya naman ni Saryia kay Miss Cromwell. "Naks naman, Yvette."

"Akalain mo 'yon, Miss Cromwell saying that to—"

"Pwede ba tigilan niyo ako sa kakaasar niyo. Wala akong gusto kay Miss. sapakin ko kayo eh." Ingos ko.

Charlotte giggled. "Hindi naman namin sinabi na may gusto ka sakanya ah."

"Oo nga." Segunda naman ni Shantelle.

"Napanghalataan ka na, Yve." Saryia grinned.

"Gosh. Stop guys. Kung ano man 'yang iniisip niyo tigilan niyo dahil walang mapupuntahan 'yan. Goodness!" Nakaka-stress sila ah.

"How sure are you? Ate is single. And this is the first time I've seen her care to someone aside from me, her family and friends." Charlotte smirked.

"Single?" Shantelle creased her eyebrows. "Hindi ba niya boyfriend 'yong lalaking pumupunta sa school at binibigyan siya ng bulaklak?"

"Ang assuming niyo talaga magkaibigan. That's Kuya Jake, Ate's suitor. Not her boyfriend yet."

Ohh. Akala namin jowabels niya, manliligaw pala.

"See, Yve? Manliligaw pa lang, may pag-asa." Saryia uttered.

Yawa. "Maghunos-dili ka sa pinagsasabi mo, Saryia." Asik ko dito. "At tsaka tigilan niyo akong tatlo, ah. Wala pa akong balak makipag-relasyon."

Napabuntong-hininga naman silang tatlo saka nagkibit balikat.

At tsaka kung papasok naman ako sa relasyon, impossible naman iyong iniisip nila. Like, hello? Miss Cromwell? Naka-shabu ata itong tatlo eh.

Hindi porket tinutulungan ako ni Miss ay mag-iisip na sila ng kung ano-ano. Hays. Kinain na ata sila ng pag-ibig.

I don't even have any feelings towards her. Yes, I admire her but that's it. It is pure admiration nothing more.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now