X'Pv 18

11.8K 360 233
                                    

18



Tambak ako ngayon ng mga gawain kahit andito ako sa bahay ay puno pa rin ng mga papeles ang opisina ko dito. Dumadami na ang kompanyang nakukuha ko sa mga creature na mapansamantala, tapos ayaw pa tumanggap minsan nila Beau at Mallory. Si Frei naman ay wala pa ang focus ngayon sa kompanyang binigay ko sa kanya dahil naka-focus ito ngayon sa babaeng kinidnap niya. Habang si Ray ay busy mag-manage ng kompanyang binigay ko sa kanya sa Europe.

I have a company around the world, hence why there's a lot papers in here. Kaya heto ako, tambak sa gawain, andaming papeles na kailangan kong tapusin.

I can't afford to even take a break because I need to finish some of them as soon as possible.

Naiinis na ako at konting oras ko lang naliligawan si Gwen, hindi ko pa siya parating nakakausap araw-araw dahil bumalik na rin ako sa CU dahil nagkaroon din ng konting problema dun.

Sa tuwing umuuwi ako ay saktong tulog na rin sila. Hindi ko muna kasi siya pinag-pupuyat para mas mabilis maghilom yung tahi niya, although naghihilom na ito ngayon.

"Beau, any news from Reyna Impakta?" I asked as I start reading the papers that need my signatures.

Nasa kanya-kanya namin kaming bahay ngayon dahil linggo naman. Kaya magka-video call lang kaming tatlo. Actually, dito lang sila sa pilipinas nagkaka-freedom dahil kapag nasa Italy kami ay kung nasaan ako ay andun din dapat sila, dahil trabaho nila yun bilang mga bodyguards ko.

"Goodness, Clems. That's your mother." Mallory laughs.

"I'll start respecting her when she stop being a bitch." I said, rolling my eyes.

"So, I heard from our spy that she's planning on another engagement party again and also she hired a lot of men here to look after you and Charlotte." She informed. "And..." She trailed of and paused for a second. "Wait, why does your mother know about Martinez?"

Sukat sa narinig ay nabitawan ko ang aking ballpen at napatingin kay Beau na nagtataka na rin napatingin sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "She hired someone to spy on Martinez."

"What?" Mallory gasped.

"This is bad, Clems." Beau shook her head. "Martinez is a commoner and once your mother will know about Martinez staying here, we're all doomed."

"Psh." I scoffed, not really afraid. "Subukan niya lang galawin si Gwen, bobombahin ko Palasyo niya kasama siya." I mumbled, nonchalantly before getting another paper to read and sign.

Akala ko kung ano na, yun lang pala. Alam kong marami talagang tauhan si Reyna Impakta dito sa pilipinas na nagmamasid sa amin.

Ang iba nga dun binabayaran ko lang, nagiging tauhan ko na sila. She maybe powerful because she's a Queen but little did she know that I'm almost as powerful as her.

But sorry to her cause I'm a thousand times ahead of her. Nagpaplano pa lang siya ako tapos na.

"What about the people in Italy, Clems? They need you." Mallory said.

"Hanap sila bagong Reyna at Hari." Kibit-balikat na sagot ko. "Like what I said, I'm no hero nor a villain. They shouldn't look up on me."

Hindi ko ginustong maging anak ng Reyna Impakta na yun. Mas lalong di ko pinangarap na maging Reyna.

"Why can't just the Queen give the throne to your brother, anyway." Palatak ni Beau.

"Uh-please. You know how she hates Edward." Mallory sighed.

"Is that all, Beau? No more news about her?" Putol ko sa pag-uusap nila.

"So far, that's all, Clems."

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon