Chapter 42

15.7K 574 152
                                    


"Yve, tara lunch na tayo." Aya sa akin ni Charlotte at inayos na ang mga papel sa mesa nito.

"Wala pa si Miss Cromwell, baka mapagalitan ako mamaya kapag umalis ako dito." Sabi ko rito.

"It's lunch time, tsaka tinext ko na si Ate." Sagot naman nito at ginising na si Shantelle na natutulog sa sofa. I wonder kung pumupunta parin ba siya dito at natutulog kahit andito si Miss Cromwell?

Dahil sa sinabi ni Charlotte ay inayos ko na ang mga papel sa mesa ni Miss Cromwell at nag-iwan nalang ng sulat na babalik nalang ako mamaya pagkatapos ng klase ko kay Prof Griffin.

Saktong pag-gising ni Shantelle ay tumunog naman ang intercom at agad umalingaw-ngaw sa loob ang boses ni Saryia.

"Guys. Lunch na, nagugutom na me." Wika nito. Galing ito sa office ni Prof Griffin. Doon siya tumatambay, habang si Shantelle naman ay kasama si Charlotte. Pero minsan naman ay magkasama parin si Saryia at Shantelle kapag trip nilang mag-mall.

Napailing nalang ako at kinuha na aking bag sa sofa. Gano'n din si Shantelle habang inaayos nito ang kaniyang sarili.

Tapos na kaming kumain sa cafeteria at nandito na kami ngayon sa klase ni Prof Griffin at mariin nakikinig sa kanya. Wala rin ito sa mood. Sabi ni Saryia red days daw kaya ganiyan.

Siguro red days din ni Miss Cromwell.

"We'll be having a long quiz in our next meeting. Class dismissed!" Wala sa mood na paalam ni Prof Griffin at mabilis lumabas ng classroom.

"Guys, I'll see you tomorrow, maglalambing pa ako ng professor. I love you both!" Tawa ni Saryia at hinalikan kami ni Shantelle sa pisngi bago mabilis na lumabas ng classroom para masundan ang future wife nito.

"Yve, pinapasabi ni Charlotte, sabi ni Miss Cromwell na pwede ka ng umuwi after this class." Sabi ni Shantelle. "May meeting pa daw si Miss Cromwell kasama board members ng school."

Napatango naman ako. "Salamat." Pa-salamat ko naman sa kanya. "Ikaw? Uuwi ka na ba?" Tanong ko.

Tumango naman ito. "Kasama din si Charlotte sa meeting, eh." Sagot nito. "Sabay na tayo?"

"Mauna ka na, pupuntahan ko pa si Andrew sa garden." Sabi ko sa kanya. "At tsaka maghahanap na rin ako ng trabaho pagkatapos."

Nasabi ko na sa kanila kanina habang kumakain kami ng lunch ang tungkol sa pag-confess sa akin ni Andrew. Nasabi ko rin na hindi ko alam ang isasagot sa tanong nito na gusto niya akong ligawan.

Sabi naman nila na nasa akin ang desisyon at huwag ko daw paasahin ang tao kung alam ko naman sa sarili ko na wala itong pag-asa.

"Ohh I see. Sige, ingat ka. I love you!" Paalam nito at hinalikan ang aking pisngi. "Huwag kang pagabi." Paalala naman nito.

"I won't. Drive slowly. I love you." I bid.

Pagkarating ko sa garden ay nakita ko agad si Andrew sa upuan na inupuan namin dati. "Hey." Tawag pansin ko sa kanya dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

"Yve. Akala ko hindi mo narinig iyong sigaw ko kanina, kinakabahan tuloy ako habang naghihintay dito baka di ka pumunta." Alanganin itong tumawa.

"Baliw. Narinig ko." Sa lakas ba naman ng boses niya.

Sumeryoso naman ito bigla. "H-How are yo—"

"Andrew, I'm sorry, but I only see you as friend." Diretsong sabi ko sa kaniya. Kailangan kong magpakatotoo ayaw kong paasahin siya sa wala. I can't see myself being in a relationship with him.

Malungkot naman itong napatango. "At least I tried." Ngumiti naman ito ng pagak. "Thank you for being honest with me, Yve."

"I'm really sorry."

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now