Chapter 36

15.1K 576 26
                                    

Yvette's

Kisame.

Puting kisame.

Iyan agad ang bumungad sa akin ng magising ako. Inilibot ko ang aking paningin, mukhang nasa hospital ako. May naka-kabit din na dextrose sa akin.

Wait...

Hospital?!

Sinong nagdala sa akin dito?

Fuck.

Bakit nasa hospital ako? Ayaw ko dito. Mabilis ko naman tinanggal ang IV hooked sa aking kamay, not minding the pain and the blood.

I winced in pain when my stomach start to ache. But I need to get out of here as soon as possible. Tama na 'yong pagpipigil ko ng ma-hospital si Saphire.

"Fuck!" Daing ko dahil sobrang sakit na talaga ng aking tiyan. Pero kailangan kong makaalis dito. Iinom nalang ako mamaya ng gamot pag-uwi.

Na-alarma naman ang mga nurse ng makita nila akong bumaba ng kama. Mukhang nasa emergency room pa ako.

"Miss, kumalma po kayo." Ani ng isang nurse.

Kalma? Paano ako kakalma kung andito ako sa hospital. I can't even fucking stop my body from shaking.

"Tawagin niyo ang doctor." Rinig kong sigaw ng isang nurse habang dahan-dahan lumalapit sa akin.

Itinaas ko naman ang kamay kong dumudugo na ngayon dahil sa pagtanggal ko ng IV kanina. "Diyan ka lang huwag kang lumapit." Sigaw ko habang umiiyak.

"Yve!" , "Martinez." , "Gwen!"

Napalingon ako sa pintuan na kakabukas lang at agad nakita ang mga kaibigan ko kasama ang tatlong professors.

But I'm panicking right now, kaya pati sila ay pinigilan kong makalapit sa akin.

"Yve... please." Nakita kong umiiyak na si Saryia habang inaabot ang isang kamay nito sa akin.

Umiling-iling lang ako at naglakad pa-atras dahil nakita kong dahan-dahan lumapit ang nurse sa akin habang may hawak na injection.

I know what his doing. He is going to put me in sleep.

"Argggh! Ang sakit." I cried out in pain ng mas lalong sumakit ang tiyan ko. "It hurts."

Kahit namimilipit sa sakit ay umaatras parin ako palayo sa nurse. Alam kong napapansin nila ang panginginig ng buong katawan ko. Halos puno na rin ng dugo ang suot kong damit dahil sa kamay ko.

"Yve. Calm down. We're here." Pampakalma sa akin ni Shantelle habang umiiyak ito.

"I-I can't." I'm trying but the scene when my mother died came rushing through my mind. I can't stop it.

Nang makita ko ang dalawang nurse na malapit na sa akin at wala na akong matakbuhan pa ay hinayaan ko muna silang makalapit sa akin bago ako umupo ng mabilis para maka-iwas sa kanila.

Nag-tagumpay naman ako kaya mabilis akong tumayo at umatras ulit dahil naglakad na ulit sila palapit sa akin.

"Please, let me go home." Pagmamakaawa ko sa kanila. Nakita ko din na may dumating na dalawang doctor. Naagaw na din namin ang atensyon ng ibang mga nurse sa loob at ibang mg pasyente.

"Yve no..." Pagsusumamo ulit ni Saryia. "This is for your own good." Ani nito habang dahan-dahan din lumalapit sa gawi ko pero pinigilan ko ito.

"I want to go ho– Arghhh." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil mas lalo pang sumakit ang aking tiyan.

"Yveee!" Rinig kong sigaw ni Shantelle at Ruelle.

"I think the nalbuphine have wear off already." Rinig kong wika ng isang doctor. "Miss Martinez, you have appendicitis. And you need surgery."

Queen's Archer  ( GxG) 💍Where stories live. Discover now