Chapter 2

19.6K 626 100
                                    


Lantang gulay akong napaupo sa upuan dito sa loob ng cafeteria at agad napapikit ang mata at hindi ini-inda ingay ng ibang studyante sa sobrang pagod ko. Unang araw pa lang ng pasukan ko ay pagod na pagod na ako kahit hindi pa nagsisimula itong araw.

Halos dalawang oras lang kasi ang naitulog ko dahil binabantayan ko si Saphire dahil inaatake na naman ito ng asthma niya, takot din ako baka ma-trigger 'yong puso niya. Kaya ito ako ngayon parang lantang gulay at parang sumabak sa gyera sa sobrang sakit ng aking katawan.

"Is something wrong, Yvette?" Saryia asked worriedly.

I sighed. "Nothing, just exhausted." I replied.

"May isang oras ka pa para matulog, gusto mo bang punta muna tayo sa library, so you can sleep there?" Suggestion naman ni Shantelle.

"Hoy, tang-ina mo! Kailan pa naging tulugan ang library?!" Asik naman ni Saryia dito. "Dina-damay mo pa si Yvette sa kagaguhan mo."

"Tang-ina mo rin! Eh, sa doon ako tumatambay kapag gusto ko matulog, eh. Mas masarap matulog do'n." Sagot naman ni Shantelle at umirap.

Kaya minsan kapag absent si Shantelle sa klase namin ay alam na namin na nasa dreamland na ito at hindi mo na magigising pa hangga't di nak-kumpleto ang beauty rest daw niya.

Magkaparehas kaming tatlo ng kursong kinuha dahil ayaw nila mawalay sa akin, wala na daw silang mak-kopyahan kapag ibang kurso ang pinili nila. Parehas ba naman bobo. LITERAL!

Kaya malamang kapag nag-trabaho na rin ako ay susunod din ang dalawang 'yan sa akin. Pwedi din naman na di na sila magtrabaho dahil mayaman naman sila.

"Kapag nakatulog ako ngayon baka hapon na ako magising, may pasok pa ako mamayang tanghali sa cafeteria at practice ko pa ng archery mamayang hapon." Bigkas ko para matigil ang dalawa sa pagbabangayan.

I'm an archery scholar here in Cromwell University, simula senior high school ay defending champion na ako. Kailangan ko 'yon panatilihin para hindi ako matanggalan ng scholarship.

Magaling ako sa archery, simula bata pa lang ako ay gusto ko na ito, kaya n'ong nag-aaral na ako ay sumasali na ako sa palaro sa paaralan para mas ma-enhanced ko pa ang aking skills. Mabuti nalang ay ni-recommend ako ng isa kong guro no'ng grade 10 ako ang Cromwell University. At dahil defending champion ako ng archery sa junior high ay nakapasa ako sa scholarship ng CU.

Sa pagkaka-alam ko ay sampu lang kaming scholars dito sa Cromwell, apat ang nasa volleyball women team, tatlo naman sa basketball boys team at tatlo din sa archery at kabilang na ako do'n.

"Mabuti nalang at 4 na unit lang ang kinuha mo this sem." Wika naman ni Saryia.

"Oo nga. Ngayon pa nga lang para ka ng sumabak ng gyera, eh." Segunda naman ni Shantelle.

Sinadya kung apat na unit lang ang kunin para may oras pa ako sa trabaho, practice at pagsundo sa mga kapatid ko. Sa summer ko nalang kukunin iyong ibang subjects para kahit papaano ay maka-graduate din ako ng maaga.

"Inatake kasi ng asthma si Saphire kaya dalawang oras lang ang tulog ko." Bumuntong-hininga ako at kinuha ang iniinom ni Shantelle na milktea.

"Bakit di mo sinabi? Kamusta siya?" Pag-aalala naman ni Shantelle.

"Let's bring her to hospital!" Napatayo naman si Saryia sa upuan nito.

Napangiti naman ako. "She's fine now. Pumasok pa nga, eh."

Saryia sighed in relief. "May mga gamot pa ba siya?"

Tumango lang ako kahit sa totoo niyan ay paubos na ang gamot nito. Ayaw ko lang na umasa pa sa kanila dahil sobra na ang naitulong nila sa amin.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Donde viven las historias. Descúbrelo ahora