Chapter 40

15.9K 600 204
                                    



"M-Miss Cromwell," Tawag ko kay Miss Cromwell. Andito siya sa sala kasama si Prof Griffin at Miss Kim. Katatapos lang ng meeting nila kanina sa loob ng opisina ni Miss Cromwell dito sa mansion.

Nakataas naman ang isang kilay ni Miss Cromwell na tumingin sa akin. "What did I say about my name?"

Oh shit. Don't tell me kahit may ibang tao tatawagin ko siya sa pangalan niya? Hindi ba nakakahiya 'yon kina Prof Griffin at Miss Kim? Baka sabihin nila wala akong respeto sa professor.

"Gwen?" Usal nito sa pangalan ko na para bang naghihintay na sabihin ko ang pangalan nito.

I fake a coughed. Bahala na. "Ah.. X-Xeen." Mahinang bigkas ko sa pangalan niya.

Nakita ko namang umiling-iling ang dalawang professors na kasama nito habang nakangisi.

"Yes, Gwen." Miss Cromwell grinned.

Hindi ko alam pero mukhang gusto ata nito na tawagin ko lang siya sa pangalan niya.

Simula talaga no'ng nag-stay kami dito ng kambal ay iba't ibang emosyon na ang nakikita ko sa kaniya. Ngumingiti ito kapag kaming tatlo lang ng kambal ang kasama niya, minsan nga tumatawa pa siya habang nakikipag-laro sa kambal.

Ang gaan-gaan din ng awra niya, hindi kagaya kapag nasa university kami na isang mali mo lang, mag-papaalam ka na agad sa mahal mo sa buhay.

It's like I'm seeing a different version of her, which I'm happy for kasi feeling ko ang swerte ko kasi natutunghayan ko ito.

Nasasanay na rin ang puso ko sa presensya niya, kumakabog pa din ito ng malakas pero hindi na kagaya dati na halos hindi na ako makahinga. Nakakalungkot nga lang kasi sa bawat araw na nagdaan mas lalo naman akong nahuhulog sa kanya.

Which is mali... una may suitor ito na mas deserving pa sa akin, pangalawa, isa lamang akong hamak na hampaslupa na may malaking utang sa kanya, panghuli, I am nothing. I don't have anything to offer.

That is why I need to leave this mansion to save myself from drowning deeper.

"Gwen." Nabalik naman ako sa ulirat ng marinig ko ulit ang aking pangalan.

I sighed and bit my lower lip. "Magpapaalam na po sana kaming umalis ngayon." Hopefully pumayag siya.

Nakita ko naman ang pag-igting ng mga panga nito. "No." Matigas na bigkas nito. "You'll be staying here from now on."

Ano raw? Dito na kami titira? Shit. Hindi pwede! Kahit saan huwag lang dito.

Mabilis naman akong umiling. "Nako. Nakakahiya na po, Xeen." Pag-tanggi ko.

Bakit ba ayaw niya kaming pauwiin.

"Where will you stay then?" She arched her eyebrows while crossing her arms.

"Uh. Sa bahay na inuupahan po namin?" Patanong na sagot ko.

"Ohh. You didn't know?" Anong hindi ko alam? "That house will be scheduled to be demolished this coming friday?" Hala. Ano raw?!

Mad-demolished na ang lugar kung saan kami umuupa? Bakit hindi ko alam?! Ay, wala nga pala akong cellphone at hindi rin ako nakakalabas dito.

"Ano po?!"

"You heard me."

"Mad-demolished na po ang inuupahan namin?" Pag-uulit ko.

She nod. "I was there earlier to check on something but then the owner suddenly told me that they want to renovate the house."

Hala. Mga gamit namin doon.

"What the heck? Really? Demolished." may ibinulong naman si Prof Griffin kay Miss Kim. Dahilan upang samaan sila ng tingin ni Miss Cromwell.

"M-May mga gamit pa po kami do'n." Wika ko.

"Like, I said, I was there earlier, and since the owner told me about him renovating the place, I told my servants to get all your things there." Lintaya nito pagkatapos ay sumipsip sa hawak nitong wine glass. "I already told my servants to arranged your things inside your room." Dagdag nito pagkatapos niya uminom ng wine.

Hindi ko alam kong magpapasalamat ba ako o ano.

Paano na 'yan? Saan kami hahanap ngayon ng matitirhan? Hindi naman pwede kina Shantelle at Saryia dahil ayaw ko maging unfair sa isa sa kanila.

Teka...

Ano raw? Pina-ayos na niya sa kwarto namin dito ang mga gamit namin sa dating bahay? Potek. Mukhang wala talaga itong balak na paalisin kami dito.

"Gwen. You can stay here and beside the house is big enough for me to live alone." Sino ba kasing nagsabing magpagawa ka ng malaking bahay tapos mag-isa ka lang palang titira.

May penthouse kasi si Charlotte kaya minsanan lang din ito pumunta dito. Mas madalas na 'yon sa penthouse niya para ma-solo si Shantelle.

I bowed my head while shaking my head. "I-I'm sorry but I-I can't."

"Why?" She asked.

'Because I fucking love you and staying here will make me fall for you even deeper.' I mentally thought. "Baka mahal ang upa." I said instead.

She snorted. "You can stay here for free."

"Mas lalong ayaw ko po at tsaka ang dami niyo na pong naitulong sa amin." Sabi ko.

Sandali naman siyang natahimik na wari ba'y nag-iisip. "Alright then, work for me."

Eh? Work for her?

Hindi naman 'yan ang problema kung bakit ayaw ko dito, eh.

"Gwen, you can leave this house as soon as you find work when you graduated." She nonchalantly said. "Think about your sisters. I'm doing this as your professor and..." She lightly bit her lower lips and looked away. "Uh.. a-as a friend."

Boom panes. Friends. Hello? Kamusta ka diyan, heart? Patay ka na ba? Friends daw, oh.

'bakit umasa ka bang magkakaroon ng kayo?' My mind spatted.

Wala sa sarili akong napatango. She has a point anyway, kung papairalin ko ang aking kalandian ay baka sa lansangan kami pulutin ng mga kapatid ko.

Mabilis lang naman ang panahon, aalis din kami kapag naka-graduate na ako. Mukhang masochist era na muna ako para sa kinabukasan ng mga kapatid ko.

"B-But let me at least help the maids here." I said.

Nagsalubong naman ang kilay ni Miss Cromwell. "No way, I didn't asks you to live here just for you to become one of my servants." Ingos nito at humalukipkip.

Narinig ko naman ang mahihinang pagtawa ng dalawang professors.

"I don't want to live here for free, my pride just won't let me." I said honestly.

"That's why work for me." Huh? Gulo niya rin.

"Uh- kaya nga po, tutulong ako sa gawain bahay?" Sagot ko habang nakataas ang dalawang kilay.

"Nope. I have a lot of maids already." Tanggi nito. "Be my personal assisstant." And then she grinned.

Personal assisstant? Really? Dapat nga as much as possible ay umiwas ako sa kanya tapos gusto niya ako maging personal assisstant?!

"No." Madiin na tanggi ko at pinag-krus pa ang aking dalawang kamay. "Let me be your maid, Xeen."

"Why not!!!" She whined like a kid which makes the two professors gasped.

Hindi ba nila alam na parang bata minsan itong kaibigan nila?

"Anything but that, Xeen!" I said with finality in my voice.

"No. You will be my personal assisstant and that's an order." Hindi rin nito papatalong bigkas.

Potek. Ayan na naman tayo sa queen card niya.

"I said n—"

"Are you defying the queen's order, Gwen?" She cut me off.


And... ladies and gentlemen, you already know who won the argument.

Queen's Archer  ( GxG) 💍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon