Chapter 23

14.4K 598 66
                                    



Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ruelle ay umalis na rin ito kasama ang coach niya. Habang si Coach Cromwell naman ay pinuntahan muna si Lily at Andrew na nagp-praktis. Silang dalawa kasi ang mauuna, tapos susunod naman si Ruelle bago ako.

Nagsimula na ang laro at gaya ng dati ay hindi ako nanood dito, tsaka mamaya pa naman ang laban ni Ruelle. Naisipan kong maglakad-lakad na muna.

Tsaka binati ko naman na si Lily at Andrew kanina pa. Alam narin naman nila na hindi talaga ako nanonood ng laban.

Hindi makakapunta ang dalawang kaibigan ko dahil sila ang nagbabantay ngayon do'n sa hospital kung saan kasalukuyan naka-confine si Saphire.

She's in a critical condition right now, kahit gustong-gusto ko na hindi pumunta dito ay hindi pwede dahil alam ko naman na gusto ni David na mapahiya ako sa maraming tao dahil tatalunin niya ako.

Kung hindi lang dahil sa kapatid ko baka nasapak ko na siya. Ey, feeling strong is me.

And speaking of the devil, David's walked towards my direction with a smile plastered on his lips. Guwapo niya sana kaso demonyo naman.

Kanang kamay ata ni satanas 'to, eh.

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya sa harapan ko at nginitian ako ng makahulugan. "Huwag mong kakalimutan ang usapan natin, Martinez. Puso ng kapatid mo ang nakataya dito."

Inirapan ko naman ito. "Marunong akong tumupad sa usapan, David. Sana ikaw din."

"Pagkatapos ng laro mamaya, saka ko ibibigay sa doctor ng kapatid mo ang pusong kailangan niya." Sabi nito bago ako tapikin sa balikat at umalis na.

Wala sa sariling napatingala ako upang pigilan ang sarili kong maluha.

Actually, tinutulungan naman ako nina Saryia at Shantelle pati narin ang mga magulang nila. Pero critical na ang kondisyon ni Saphire at kailangan na niya ng heart transplant kaso wala kaming makita na compatible sa kanya. Isama pa natin na pang-sampu pa siya sa listahan bago makapag-heart transplant dahil may mga nauna pa sa kanya.

Kaya wala akong ibang choice kung hindi tanggapin ang offer ni David. Ayaw ko pang maniwala na may nahanap siyang compatible na puso para kay Saphire, pero dahil pagmamay-ari nila ang hospital kung saan naka-confine si Saphire ay wala na akong nagawa kung hindi ang magtiwala dito.

I don't know how long I've been walking, I just found myself right now in the field while looking at Ruelle's and her opponent turns to play.

Ruelle smiled when she looks at my direction, so I showed her a thumbs up as good luck again.

Nagsimula na ang laro at nakikita kong magaling din ang kalaban ni Ruelle dahil napapansin ko rin ang pagka-tense ng katawan ni Ruelle.

"Kavya, you can do it." Napatingin ako kay Coach Kim and she's looking at Ruelle with a smile on her face.

Tumingin naman si Ruelle sa gawi niya and I saw how her cheeks turns red when Coach Kim winked at her.

Okay? What was that?

"Mamaya mo na landiin, Mallory." Parang may ibinulong naman si Coach Cromwell kay Coach Kim dahil nakita ko nalang itong pinag-ikutan siya ng mata bago hinampas ng marahan sa braso pero umiling-iling lang si Coach Cromwell.

After almost an hour, finally tapos narin ang laro nila Ruelle. Masaya naman lumapit sa direksyon namin si Ruelle at agad niyakap nito ang kaniyang coach.

She won the game.

Akmang yayakapin na rin sana ako ni Ruelle ng magkasabay kaming hilain ng mga coach's namin.

Queen's Archer  ( GxG) 💍जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें