Kabanata 7.1

374 19 5
                                    

NATASHA

"Nasaan po si Roy?" tinanong ko si Aling Linda. Naghilamos lang ako bago bumaba para mag-agahan. Umupo ako sa may mesa, naglaway nang makita ang laman ng mangkok na nilagay ni Aling Linda sa aking harapan. Lugaw. Takam pa din ako para sa pandesal, pero mas okay 'to kesa sa sliced wheat bread.

"Ah, may pupuntahan daw siyang meeting e," sagot ni Aling Linda. Ano kaya ang trabaho ni Roy? Hindi naman niya nababanggit. Tatanungin ko dapat si Aling Linda kaso napag-isipan kong hintayin na lang si Roy na sabihin sakin.

Tumindig ang mga balahibo ko nang maramdamang may tumabi sakin sa hapagkainan.

"Rolando showed me your watercolors," sabi ng babaeng boses na tamad magsalita.

Sumilip ako sa gilid ng mga mata ko. Nakangisi si Dolores. Pero hindi siya sakin nakatingin, sa hinahanda ni Aling Lindang lugaw para sa kaniya.

"They're inexplicably excellent," patuloy niya. Pinulot niya ang kutsara, hinliliit nakalawit, at gamit 'to'y pinaglaruan ang nilagang itlog sa kaniyang mangkok.

"So I'm giving you a chance to be my granddaughter."

As if gusto ko naman. Hindi na lang ako nag-react.

"Thank God Roy talked me into this."

Sumubo ako. Masarap yung lugaw, sa dila at sa tiyan.

"Thank God, too, that you have some talent."

Muli akong tumingin sa kaniya. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Tumayo siya nang hindi sumusubo. Tumingin siya sakin at binatuhan niya ako ng ngiting maldita. Labi niya balot na naman ng lipstick na pula. At siya'y lumayas sa dining room.

Nakakapangilabot.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon