Kabanata 6.0

463 24 4
                                    

Smirking Scarlet

NATASHA

Aampunin ako para magpasaya ng isang matanda. 'Yon ang sabi nila sa akin sa bahay ampunan. May isang lalaki na may stepmom na may sakit. Di nabanggit kung ano ang karamdaman ng matandang babae. Basta hindi na kasi siya naaatupag ng kaniyang asawa dahil sa sobrang busy nito sa mga businesses niya sa iba't ibang bansa. Naisipan tuloy ng stepson niya na makakabuti sa kaniya ang pagkakaroon ng isang ampun-ampunan.

Hindi ko nun 'to maintindihan, at kahit ngayon di ko pa din naman talaga maintindihan. Ang lohikong ito'y mahirap, kung hindi imposibleng unawain. Halos palso e pag-iniisip ko. Tapos yung basihan ng pagpili dapat bata pa, pero di na gaanong kailangan asikasuhin. Babae. Kaya talagang di ko maintindihian kung bakit ako.

Siguro naman nabanggit nila sa bahay ampunan ang ugali ko. May pagkasupladita ako. Hindi ako palasalita dahil mahiyain ako. Dapat namili si Roy ng may extroverted personality. Sa dami ng mga babaeng pwedeng ampunin wala sakin ang malaking tsansang makapagpakulay ng matamlay na mundo ni Dolores. Siguro kung canvas pa siya kayang-kaya ko. Pero hindi e. Isa siyang matandang babaeng ni walang pakialam sakin.

Nakahiga ako sa kama balot ng kumot. Nalipasan na ko ng gutom. Ilang beses kong narinig si Roy na kumatok sa kwarto ko pero di ako sumasagot. Makalipas ang ilang oras, narinig ko ang dahan-dahan niyang pagbukas ng pinto.

Hindi na siya nakatiis. "Natasha." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. "Bihis ka. Alis tayo. Let's buy you new art stuff today."

Naramdaman ko ang bigat ng kaniyang kamay sa balikat ko.

"Don't worry. Dolores is not coming with us."

Yung pagsasalita niya sakin malumanay. Parang bata ang kausap.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Nakangiti siya sakin. Ngayon ko lang na-appreciate nang husto ang kabaitan niya. Kulay purple. Yung matamlay na purple. Pinilit ko din siyang ngitian. Sabay tango.

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon