***BONUS*** OST [Original Sound Track] - Kung 'Di Mo Ako Sasaluhin

87 3 0
                                    

No'ng isang araw sa school, nagdala ako ng laptop, at habang break, nagsusulat ako ng second part ng The Missing Frame. Ang hirap lang talagang matapos dahil ang daming load sa school.

Alam kong maraming naghihintay sa istory nina Rolando at Natasha. Nahihiya na nga ako sa mga panay ang message kung kailan ako magpo-post ng update. Pasensya na po talaga! (Napili kasing mag-engineering ng lola niyo.) Soon! For now, enjoy this song I wrote in Natasha's perspective [again].

Sana 'wag lang sa Wattpad ang pagsuportang makuha ko, but sa Spotify as well. Yiiiiie. ♥

LISTEN NOW ON SPOTIFY: https://open.spotify.com/album/56Ff92JWwUSvBqDwwrqgFh

Lyrics:

[Verse 1]

Hala
Eto na
'Di mapakali
Kaba aking dama
Makita lang ang 'yong ngiti

[Pre-Chorus 1]
T'wing nagtatagpo ang ating mga mata
Mundo ko'y naglalaho
Wala nang ibang nakikita

[Chorus 1]
Kundi ikaw— ang tatanging sumasagi sa aking isip
Pagbibigyan mo ba kung sakali mang sabihin ang laman ng damdamin?
Oh-oh
Dahil eto ako nagsusumamong puso ko'y 'wag lalaruin
At 'wag mo nang hayaan pang mahulog sa umang ng pag-ibig
Oh-oh
Kung 'di mo ako sasaluhin

[Verse 2]
Aba
Tila nababaliw

[Pre-Chorus 2]
Paano ipaparating ang munting loobin?
Na ikaw, giliw, nawa'y sa 'king tabi manatili

[Chorus 2]
Dahil ikaw ang tatanging sumasagi sa aking isip
Pagbibigyan mo ba kung sakali mang sabihin ang laman ng damdamin?
Oh-oh
Dahil eto ako nagsusumamong puso ko'y 'wag lalaruin
At 'wag mo nang hayaan pang mahulog sa umang ng pag-ibig
(Hmmm)
Kung 'di mo ako sasaluhin

[Bridge]
Gabi man o umaga
Nananaginip ng pagsinta
Ang 'yong bait, ang 'yong kisig
Init ng 'yong mga bisig
P'wede nga bang mapasakin?
Ikaw din ba'y may pagtingin?
O, Tadhana, tigilan sana ang pagiging paasa

[Chorus 3]
Dahil eto ako nagsusumamong puso ko'y 'wag lalaruin
At 'wag mo nang hayaan pang mahulog sa umang ng pag-ibig
(Oh-oh)
Kung 'di mo ako maaaring sasaluhin

The Missing FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon