Kabanata 21.0

302 9 2
                                    

Roaring Fire

NATASHA

Hindi kami nagtagal ni Roy sa reception ng Bat Barakah ni Divine. Tikim-tikim lang ginawa namin at tumakas na kami. Hindi kasi ganun kaganda pakiramdam ko sabi ko kay Roy. Hindi ko rin alam kung bakit. Stress siguro sa mga nakaraang kaganapan.

Oo, masaya ako kahit papaano. Para kay Divine. Ang ganda kaya nung Bat Barakah niya. Ganun pala yun. Bine-bless ng mga magulang yung anak tas binibigyan ng purity ring. At masaya naman din ako para sa sarili ko. Dahil hindi ako kinalimutan ni Divine at Jake. Sinabi ko nang hindi ko alam kung birthday ko nga ba talaga ngayon pero ginawan pa din nila ako ng card. At may regalo pa sila sa 'kin. T-shirtkay Jake, pabango naman kay Divine. Ang sarap ng feeling ng alam mong may mga tunay kang mga kaibigan.

Pero ang gulo ng isip ko e. Sa mga pangahong yun, gusto kong umuwi. Magkulong sa kwarto. Matulog nang mahimbing. Nung una, feeling ko kaya ang sama ng pakiramdam ko kasi nainggit ako ng kaunti sa regalong white gold necklace ni Jake kay Divine. Heart necklace yun, ta's may picture silang dalawang magkasama sa loob.

Duimretso kami sa kusina ni Roy nang makauwi. May surprise daw siya sakin, at bago ako matulog, kailangan niyang maipakita yun.

"Nililigawan na ni Jake si Divine, no?" tanong niya habang naghahain ng maliliit na plato at tinidor, isang pares para sakin, isang pares para sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya yung suot niyang gray suit. Bakat na bakat yung maliit niyan baywang at mallapad na balikat.

"Sila na nga yata e." Tinry kong wag masiyadong tunog bitter.

Ngumisi si Roy. Siguro alam niyang may konting gusto ako kay Jake. "Bagay sila." Nagtanggal siya ng coat.

"Wala kang kwentang tatay..." pabiro kong sabi. Natawa kami. Nauna akong tumigil. "Pero crush lang naman yun. Masakit. Medyo. Pero in time, makakalimutan ko din yun. Tulad ng iba kong naging crush. Mabilis lang." Maliit na kandila. Baka nga posporo pa e.

Nilapit ni Roy ang mukha niya sa akin at tinitigan nang matagal ang mga mata ko. "Napaasa ka ba?"

Hinead-butt ko siya nang mahina. Natawa siya. Ang saya niya. Nakakainis.

"Ayaw niyo lang magka-bf ako, e!"

"Syempre naman, 'nak." Ginulo niya yung buhok ko. "Bata ka pa." Nagtanggal siya ng tie, tsaka ng unang tatlong bitones ng polo niya, pati na rin sa manggas niya na tinaas niya hanggang siko.

Nagmadali akong lumihis ng tingin. Ramdam ko kasi ang init sa mga pisngi ko. "Wag po kayong mag-alala. Uunahin ko ang pag-aaral." Yan na naman siya sa nak, nak niya. Naknakin ko siya e.

"O, to na..." Naabutan ko pa ang pagsara ni Rolando sa pintuan ng ref nang napatingin ako sa kaniya. May hawak-hawak siyang strawberry cheesecake. "Welcome to the legal world."

Nagmadali ako sa tabi niya. Halatang homemade yung cake. Hindi perpekto ang pagkakalagay ng icing, pero maganda. "Gawa niyo? Saglit! Phone niyo? Picture-an ko."

Pinatong niya sa lamesa yung cake at inabot niya sakin ang phone niya. Madali kong tong pinicture-an. Mga twelve shots. "O, okay na? Inuubos mo memory ko pero birthday mo naman e."

"Okay na." Tiningnan ko yung picture kung ayos ba yung shot ko. "Photogenic yung cake!" Natawa ako. Tiningnan nang mabuti. Blessed 18th, dearest Natasha, kulay ube yung ginamit niyang icing sa pagsulat. Siniko niya ko sa tagal kong pagtitig sa picture.

"Tikman mo na." Nag-slice siya't nilagay sa plato ko.

Madali kong tinikman. Hindi ako makapaniwala. Yung tamis at pagkakrema, kuhang-kuha niya yung gusto ko. Hindi ko alam kung masiyado lang akong masaya, pero tila masmasarap pa to sa restaurant na pinupuntahan namin. Mas maganda yung pagka-pastel pink nito.

"Kunin ko lang regalo mo," sabi ni Roy, at bago pa ako nakapagsalita, nawala na siya sa kusina.

In-enjoy ko na lang yung cake. Sa bawat kagat ko, binababad ko pa sa bibig ko. Ganun kasarap e.

Mabilis namang nakabalik si Roy. "O... buksan mo na. Wag kang titili a."

Kinuha ko yung paper bag na inabot niya sakin. Medyo may kalakihan. Dahan-dahan kong hinila ang gitna para matanggal yung ini-stapler-an. Sa loob ay isang kahon. Kinuha ko yun at nakita ang picture ng isang DSLR. Nikon ang tatak. Napansin pala ni Roy na mahilig ako sa paglitrato. Na matagal ko nang gustong mag-photography.

Madali ko yung tinanggal sa lalagyan at in-assemble. Wala akong masiyadong alam sa gadgets kaya tinulungan ako ni Roy. Minsan kinukunsulta ang manual. Nang ma-gets ko na, kung pano i-on, naramdaman ko na ang sobrang excitement. Gusto kong tumili kaso napagsabihan na ako kaya nagtatatalon-talon na lang ako nang mukhang tanga. Natawa si Roy. Kinunan ko siya ng letrato. Ako naman ang tatawa-tawa habang tinitingnan ko yung shot.

"Uy, ang pangit ko diyan. Stolen. Burahin mo."

Aabutin niya yung cam pero mabilis kong iniwas kamay ko. Nakakatawa kaya yung itsura niya. Gulat sa flash. Pero gwapo pa rin naman din siya. Maya-maya, ibinaling ko na ang tingin ko sa totoo niyang mukha. Ngumiti. "Thank you."

Napangisi siya. "Hindi yan galing sakin."

Natulala ako nang saglit.

Ngumiti siya, pero hindi gaya ng kanina. Malungkot na ngiti. "Galing yan kay Dolores."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tiningnan ko na lang ulit yung cam.

"Binilin niya yan matagal na," dag-dag pa ni Roy.

Dahan-dahang kinuha ni Roy ang camera sa mga kamay ko at pinatong niya yun sa lamesa. Niyakap niya ako, at maya-maya'y pinunasan ang mga luhang hindi ko napansing dumadaloy na naman pala sa mula sa mga mata ko.

"Natasha..." May hinukay siya sa bulsa niya, at may inabot saking maliit na kahon. "Eto talaga regalo ko."

The Missing FrameWhere stories live. Discover now