Kabanata 23.0

155 6 4
                                    

Undying Uniform

Alas-dos na nang makarating sila sa terminal ng bus. Kumain muna sila ng kaibigan sa gotohan—tahimik; walang kibo maliban sa ilang pagtungo sa isa't isa. Matapos kumain, malumanay siyang pinagsabihan ng lalaki— mga paalala para sa isang malapit nang maging isang dayuhan, ika nito. Ngunit kailangan nga ba siya hindi naging isang dayuhan? Sa isang mundong walang pamilyang makapitan?

Pagpatak ng alas-tres—matapos yakapin ang kaibigan, magpasalamat—sumakay na siya ng bus. Umupo siya sa bandang kanan, sa dalawahan, sa may bintana. Dahil wala masyadong pasahero, nilagay niya ang bag sa tabi. Binalot ang sarili sa jacket, naglagay ng hoodie. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, pinakikiramdaman ang paghuni ng makina sa ilalim ng mga paa.

Umandar ang bus, at do'n na nagsimulang masbumagal ang paggapang ng oras. Parang ilang araw na siyang nakaupo ro'n, naghihintay ng paghatol ng walang hangganan. Sumikat ang araw. Tumama ang init sa kaniyang noo. Naisipang niyang tumingin sa labas ng bintana. Nagbago ang tanawin; ang mga gusali maya-maya ay naging mga puno. Lalo niyang hinawi ang kurtina para masilip ang labas. Nakarating na ang bus sa Laguna, at tuwing mapapadaan sa malawak na patlang, kitang-kita niya ang dilim ng mga ulap sa hindi kalayuan.

Umaambon na nang makarating sa Sta Cruz. Umihi siya sa CR ng istasyon ng bus bago maghanap ng dyip papuntang Paete.

Bumuhos ang ulan nang makarating sa bahay ni Konsehal. Wala siyang dala-dalang payong kaya nang pagbuksan siya ng gate, bumulaga siya roon nang basang basa napasigaw ang tagabantay ng bahay.

Ano'ng nangyari? Kamusta siya? Nasabihan silang darating siya sa susunod na linggo, bakit napa-aga?

Gusto niyang sabihin lahat ng nararamdaman niya pero nakiusap na lang siyang makapagpalit ng damit at makapagpahinga. Anim na oras, nais niyang sabihin. Anim na oras na pagtititig. Anim na oras ng paggunita sa nilisan. Pinipigilan niyang lumuha.

Magkikita pa kaya silang muli?

The Missing FrameWhere stories live. Discover now