Kabanata 16

344 16 1
                                    

Blooming Plum

NATASHA

Sa loob ng mahigit dalawang buwan natuto akong matorete. Hindi paaawat si 'Grandma Dolores' e. Talagang tinitiyak niyang magpupuyat at mapupuyat ako sa mga pinapaaral niya sakin. Sa awa naman ng Dios ipinasa ko yung midterms echos niya at nagsimula na rin ang inaasam-asam kong Holidays break. Nung malaman nila Jake at Divine, niyaya nila agad akong lumabas.

Nag-billiards kami sa mall kasama yung buong youth ng church nila. Naubos energy ko kasi unang-una, hindi naman ako marunong at dun lang naturuan; at pangalawa, alam ko naman na naiinis yung iba kasi nga hindi ako marunong at pandagdag lang ako sa oras.

Kinabukasan, nagyaya ulit sila Jake. Buti naman at naisipan nilang kaming tatlo lang. Pumunta kaming Maginhawa, sa isang restaurant na puro board games. Kalmado ako kasi silang dalawa lang ang kasama ko. Actually, feeling ko pa parang niri-recharge nila akong dalawa.

Chikahan lang kami tungkol sa mga plano namin sa buhay. Ang dami ko pa pala talagang hindi alam tungkol sa dalawa kahit feeling close ako sa kanila. Ang kinukuha pala ni Jake na course ay theology. Si Divine naman accountancy scholar – beauty, brains, and bunganga pala siya.

"Kumusta naman yung school-school-an niyo ng Stepmom ni Tito Roy?" tanong ni Divine. Ngumangatngat siya ng French fries. Minsan hinihinala ko siyang tsimosa kasi mahilig siyang magtanong tapos lahat naaalala niya kahit yung maliliit na bagay tulad ng kulay ng shirt ko nung pumunta kami sa ganito-ganiyan. Pero mukhang hindi naman kasi ni wala nga sa youth may alam na ulila ako aside sa kanilang dalawa ni Jake.

"Isa o dalawang squares lang bago liliko!" natawa si Jake. Tinuturuan niya ako mag-chess. Ayaw kasi ni Divine. Litong-lito daw siya sa larong yun. Naiintindihan ko naman siya. Ako din nalilito. Pero desidido akong matuto. Yung galaw na lang ng kabayo ang hindi ko pa nape-perfect.

Hinawakan ni Jake yung kamay ko at pinakita ang tamang pwesto. Kinilig naman ako. "Yan!" aniya. Kinuha niya muli yung kamay niya at nagpalumbaba. Kumunot yung nuo niya habang pinag-iisapan kung anong susunod na ititira. Hay naku. Ang cute niya talaga.

"Magaling naman siyang guro," pagsagot ko sa tanong ni Divine.

"Oh!" sabay na sabi nina Jake at Divine. Sabay din silang nag-"Jinx!" at tumawa. Ngumisi na lang ako kasi kahit ang bait-bait nila sakin, may mga sandaling hindi nila maiwasang i-OP ako.

"Mukhang nagiging okay okay na kayo a!" ani Divine. Nagpatuloy siya sa pagkain habang si Jake naman binaling ang atensyon muli sa laro namin.

"Siguro?" sabi ko.

Oo. Kasi nga magaling na guro si Dolores. In a sense na ang galing niyang magpahirap ng estudyante. Ang grading system na nga namin sa quizzes and exams ay right minus wrong, tapos gusto niya pa ang passing score ko dos. Puro theory at history pa naman ang trip niyang ituro. Though may application din, bihira.

Nung una, naisip kong 'wag career-in, na ibagsak ko na lang lahat para di ako ma-stress. Pero siyempre ano pang silbi ko nun kung iinisin ko lang pabalik si Dolores? Tsaka naisip-isip ko, aba, pagpasok ko ng totoong kolehiyo e di praktisado na ko. Dapat easy-easy na lang ang first year. For sure kahit sinong propesor pa mula sa mga alupaap ng kasungitan at kasalbahihan ang tumapat sakin e sanay na ko. Si Dolores ba naman ang naging guro ko e.

Oo, magaling siyang guro. Palagi nga siyang nagre-recap e. Marami na kong kabisado aside sa mga buhay ng painters na tulad ni Artemisia Gentileschi; aside sa color wheels ng oils and watercolors: memorisado ko na din na isa akong 'mangmang' at 'bobong estudyante, anak ng mga' pusang gumagala.

"Checkmate, Tash!" Tash – ang bago kong palayaw kay Jake. Mahilig siya sa ganun e. Basta ba umiksi. Vine. Tash. Nung kinwento ko si Taniya sa kanila, tinawag ba namang Tani. "Sorry!" Nagngiting tagumpay si Jake. Okay lang sakin matalo, basta ba ako ang ngingitian niya nang ganiyan.

The Missing FrameWhere stories live. Discover now